Chapter 4

1.3K 72 6
                                    

Destroyer
NAKATITIG lamang si Destroyer sa labas ng bintana ng kanyang sasakyang nakaparada sa tapat ng SCIU. Nakita niya ang paglabas doon ni dalawang tao – si Douglas Ilagan at Jemimah Maxwell. Dumeretso ang mga ito sa isang nakaparadang sasakyan at pumasok doon.
Alam ni Destroyer na nandoon pa rin sa loob ng agency si Chairman Tony Gonzalvo dahil nakaparada pa rin sa parking lot ang sasakyan nito. Ibinalik niya ang tingin sa SCIU building. Alam niya rin na obsessed sa kanya ang chairman ng ahensyang ito. Bakit hindi? Siya ang pumatay sa pinakamamahal nitong taksil na asawa.
So nakikipagtulungan na ngayon ito sa team ni Jemimah Maxwell? Ngumisi si Destroyer. Dumarami na ang kalaban niyang dapat patahimikin. At nararamdaman niyang lumalapit na ang mga ito sa pagtuklas kung sino siya.
Mahigpit na ikinuyom ni Destroyer ang mga kamay na nasa manibela. Ethan Maxwell. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatantanan ng mga Maxwell na ito. Kailangan pa ba niyang ulitin ang ginawa noon kay Jordan Maxwell?
Tumitig si Destroyer sa unahan ng sasakyan. “Sinusubukan niyo ako. Gusto niyong makipaglaban? Then I will give you a war.” Ngumisi siya. “You should have stayed dead, Maxwell. Hindi mo sana makikita kung ano pa ang kaya kong gawin.”

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon