Jemimah Remington-Maxwell
NAKIKINIG lamang si Jemimah kina Ethan at kay Joshua Sann na nag-uusap sa living area ng bahay nila ng asawa Ilocos. Doon sila lumipat limang taon na ang nakararaan. Nagulat sila kanina nang bumisita doon si Joshua. Kanina pa sila nagkukuwentuhan.
Tiningnan ni Joshua ang wristwatch na suot bago tumayo. "Kailangan ko na palang umalis. Napadaan lang ako. Siguradong hinihintay na ako ng team sa hotel namin."
Tumayo rin si Ethan para kamayan ang lalaki. "Salamat sa pagbisita, pare. Hanggang sa susunod na pagkikita natin."
Ngumiti si Joshua. "Walang anuman. Salamat din sa pagkain. Congrats uli sa panibagong karagdagan sa family niyo." Sinulyapan nito ang umbok sa kanyang tiyan.
Nagpasalamat si Jemimah dito at hinayaan ang asawa na ihatid ang bisita hanggang sa labas. Hinaplos-haplos niya ang tiyan. Ito ang magiging pangalawang anak nila ni Ethan.
Napatingin siya sa apat na taong gulang nilang anak na si Jordan nang magtatakbo ito palapit sa kanya, may dala-dalang toy car. "Mommy, I'm hungry."
Tumawa si Jemimah. Naisipan nilang isunod sa pangalan ng ama ni Ethan ang panganay na anak na lalaki bilang pag-alala dito. "Sige, sasabihan ko si Daddy na bigyan ka ng pagkain, hmm?"
Tumango si Jordan bago muling nagtatakbo sa sahig kung saan ito naglalaro. Ilang saglit lang naman ay bumalik na ang asawang si Ethan at inutusan niya itong bigyan ng meryenda ang anak. Natatawang sumunod ang asawa.
Pagkatapos nitong gawin ang ipinag-uutos ay bumalik si Ethan sa tabi niya. "Bakit parang ayaw gumalaw ng asawa ko ngayon, ah?" nangingiting biro nito. "Mabigat na ba ang bagong baby namin." Hinaplos ni Ethan ang kanyang tiyan.
"Medyo." Itinaas ni Jemimah ang mga binti para ipatong sa hita ng asawa. "Massage, please."
Naiiling na pinagbigyan siya ni Ethan. Bahagya nitong ini-angat ang isa niyang binti bago hinalik-halikan. Nakaramdam ng kiliti si Jemimah kaya mabilis na umayos ng upo. He could arouse her just by doing those things. Pero kailangan niyang magpigil ngayon.
Isinandal na lamang ni Jemimah ang likod sa katawan ni Ethan. She liked being enveloped by his warmth. "Ang dami na ring na-solve na cases ni Joshua, ano? Siguradong proud din sa kanya ang Papa mo."
Tatlong taon na mula nang mailipat sa SCIU si Joshua Sann at isa na rin itong Team Leader doon.
Iniyakap ni Ethan ang mga kamay sa kanyang baywang. "Yes."
"Ipagdarasal ko na palagi siyang ligtas," bulong ni Jemimah. "His work is dangerous. Serial killers are dangerous."
"He's doing what he wants. Mukhang masaya naman si Joshua sa ginagawa niya. Gusto niyang maging katulad ni Papa."
Bumuntong-hininga si Jemimah. "Tumawag sa akin si Alexa kanina. They're leaving for the States. Doon na raw sila titira ng pamilya niya." Mahigit isang taon na mula nang makalaya ang asawa ng kaibigan niya - si Frank Rodriguez. Napatawad na naman niya ang lalaki kahit ito pa ang pumatay sa kanyang ama. They already left the past behind. Masaya si Jemimah sa kasiyahan ng kanyang kaibigang si Alexa. Sana ay magpatuloy iyon. "Anyway, nabalitaan ko na nabigyan na ng parole si Jayden. Makakalaya na raw siya next week." Tumingin siya sa asawa. "Gusto mo ba silang dalawin?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Ethan. "Ayos lang ba sa'yo na bumiyahe?"
"Oo naman," natatawang sagot ni Jemimah. "Hindi ako maselang magbuntis, 'no? Saka gusto rin ni Jordan na makapamasyal sa Maynila, pagbigyan na natin ang panganay natin, hmm?"
Saglit na nag-alangan si Ethan pero tumango rin naman bilang pagpayag. Pinakatitigan nito ang kanyang mga mata. "I love you, Jemimah."
Her heart jumped because of that. Kahit ilang taon na silang nagsasama ay hindi pa rin masanay-sanay ang kanyang puso sa paglalambing ni Ethan. Jemimah moved to sit astride Ethan's lap.
Ipinatong niya ang noo sa noo ng asawa. "And I love you too, Mr. Maxwell."
Ethan smiled. That smile could make her go crazy so easily. "You're mine," bulong nito.
"I'm all yours," ganting bulong ni Jemimah bago hinalikan ang mga labi nito. This love. Ethan's love was a love she could never get enough of. At patuloy niya itong mamahalin hanggang sa kanyang huling hininga.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...