Jemimah Remington-Maxwell
“TRISHA de Leon,” pagsisimula ni Douglas sa report nito tungkol sa panibagong biktima ni Crow Overtaker na natagpuan sa isang park sa Sta. Mesa, Manila. “She was stabbed to death multiple times. Nakita sa kutsilyong murder weapon ang fingerprints ng asawa niyang si Andy de Leon na nawawala.”
“May dalawa silang anak na parehong nasa elementarya pa lamang,” basa ni Jemimah sa report na hawak. “Putol din ang hinliliit ni Trisha na signature ni Crow Overtaker.” Naroroon sila ngayon sa opisina ng team nila sa SCIU. Si Paul lang ang wala doon dahil mas piniling mag-stay sa Cavite para may makasama si Bianca.
“There’s a car,” wika naman ni Ethan.
Tumango-tango si Douglas. “May kahina-hinalang sasakyan na nakita sa paanan ng tulay sa Sta. Mesa. Base sa nakuhang impormasyon, nirentahan lang ang sasakyan na 'yon under a fake name. There was blood on the door handle and the steering wheel. Nang i-test ng forensics ay matched sa dugo ni Trisha de Leon. May mga fingerprints din doon na naiwan si Andy de Leon. No other fingerprints.”
“Nasaan si Andy de Leon ngayon?” tanong ni Jemimah. “Posible na nag-suicide na siya katulad ng inuutos ni Crow sa mga biktima niya.”
“May mga pulis nang naghahanap sa ilog na malapit sa kinatagpuan ng sasakyan niya,” ani Douglas. “Hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag kung may nakitang bangkay doon.”
Inabot ni Jemimah ang isa sa mga sampling bags ng evidences. Sa loob niyon ay isang business card. “But we found this.” Pinakatitigan niya ang card. Panibagong lead ito sa kaso. “Julius Magpantay, Psychiatrist.” Bakit nasa sasakyang ginamit ni Andy de Leon ang business card na ito?
“Sapat na 'yan para makapag-issue ng warrant kay Julius Magpantay,” ani Ethan. “He’s suspicious for me since the start. Isang psychiatrist na tulad niya ang mabilis na makakapanlinlang ng iba. At malapit din siya kay Mae Latido. We need to corner him.”
KAHIT hinarangan ng assistant ni Julius Magpantay ay pumasok pa rin sina Jemimah at Ethan sa opisina nito. Akmang tatayo pa lang sa kinauupuan nito si Julius nang makita sila.
“Ano na namang kailangan niyo?” naiinis na tanong ng lalaki. “Marami pa akong appointment sa mga pasyente.”
Itinaas ni Jemimah ang nakuha nilang warrant para ma-interoga at ma-search ang mga gamit ng lalaki. “Wala ka namang magagawa kundi ang sumunod sa batas, Mr. Magpantay.”
Lumapit si Ethan sa mesa ng lalaki, inilapag doon ang sampling bag na naglalaman ng business card nito. “Nakita namin ito sa sasakyang ginamit ng isa sa mga biktima ni Crow Overtaker. Malinaw na malinaw na business card mo 'yan. Do you happen to know someone named Andy de Leon?”
“Marami akong pasyente,” sagot ni Julius. “Maraming mga nagpapatingin dito. Hindi lahat ay maaalala ko.”
“Hindi mo naman kailangang alalahanin, Mr. Magpantay,” ani Jemimah. “We have a search warrant for your appointment schedule and the list of your patients. Mas makabubuti kung kusa mo na lang ibibigay ang mga kailangan namin.”
Binuksan ni Julius ang drawer ng mesa nito para ilabas ang ilang notebooks doon, maging ilang folders.
Inabala na ni Jemimah ang paghahanap sa pangalan ni Andy de Leon. Napatingin siya kay Ethan nang makita ang pangalan nito. “It’s here. Andy de Leon. May schedule siya dito noong nakaraang linggo.”
“It’s enough time to play with his mind,” sabi ni Ethan. “Tatanggapin namin na hindi mo maalala ang lahat ng pasyente mo, Mr. Magpantay. Can you give us Andy de Leon’s psychological record?”
Tumango si Julius. “Sasabihin ko sa assistant ko na ibigay sa inyo. Iyan lang ba ang kailangan niyo?”
“I want to ask you this again, Mr. Magpantay,” ma-awtoridad na sabi ni Ethan. “Hindi ba talaga pamilyar sa'yo ang pangalang Crow Overtaker?”
Sumandal si Julius sa sandalan ng swivel chair nito. “Kailangan ko pa bang ulit-ulitin ang lahat sa inyo? Hindi. Hindi ko alam kung paano napunta sa sasakyang tinutukoy niyo ang business card na 'yan. Someone must be framing me up, too. Katulad ng ginawa nila kay Mae.”
“Possibly,” ani Jemimah. “Pero hindi namin puwedeng tanggapin kaagad 'yon, lalo na at kayo ang itinuturo ng mga ebidensya.”
Hindi naman sumagot si Julius, nakatitig lamang sa kanila.
“Hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Mae Latido, Mr. Magpantay?” muling tanong ni Ethan.
Bumahid na ang pagkainis sa mukha ng lalaki. “Iniisip niyo ba na itinatago ko si Mae? Iniisip niyo ba na kriminal kami? My girlfriend has been missing because of all this... and you think I could be this serial killer? This is insane. Sa susunod ay lawyer ko na ang kakausap sa inyo. At sana magdala kayo ng mas matibay pang ebidensya para paghinalaan kami.”
“Your girlfriend is missing yet you seem so relaxed, Mr. Magpantay.” Umismid si Ethan. “Sisiguraduhin ko na babalik kami.”
Pagkalabas nila ng opisina nito ay kinuha rin ang psychological record ni Andy de Leon. Katulad ng naisip nila, mayroon ngang depression ang lalaki. Nakasulat din doon ang confession ni Andy na nahuli nitong nagtataksil ng ilang beses ang asawang si Trisha.
“Mas madali para sa trabaho ni Julius ang maghanap ng target kahit na wala na ang website na pinapatakbo ni Crow Overtaker,” sabi ni Ethan. “He can easily find people with depression and fool them. Pinag-aralan niya ang psychological aspects ng mga tao.”
“You’re provoking him a while ago,” puna ni Jemimah nang makarating sila sa sasakyan.
Ngumiti si Ethan. “May kakaiba kay Julius Magpantay ngayon. Dapat sa katulad niya ay mahaba ang kanyang pasensiya. Pero mukhang may gumugulo sa isipan niya ngayon.” Sandaling napaisip ang asawa. “Something is wrong in this case. Nakakapagtaka na hindi kaagad nakita ang katawan ni Andy de Leon. Sa mga naunang biktima, wala pang kalahating araw ay nakikita na ang dalawang bangkay ng targets ni Crow Overtaker. Paano kung hindi pa patay si Andy?”
May punto ang asawa. Posible nga rin iyong mangyari. Posibleng nagbago ang isip ni Andy de Leon at tumakas. Posibleng nagtatago ito ngayon. “I’ll file a manhunt for him,” sabi ni Jemimah. “Importanteng makita natin siya at sana tama ka. Sana buhay pa siya.” Kung buhay pa nilang makikita si Andy de Leon, malaki ang posibilidad na nakita na nito si Crow Overtaker.
“There is no perfect person in this world,” sabi ni Ethan. “Therefore even a killer will never be perfect. Kahit gaano pa niya pinagplanuhan ang lahat ng krimen niya, magkakamali pa rin siya.”
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Jemimah sa kaisipang nagkamali si Crow Overtaker. Mabuti na lang at hindi sila kaagad sumuko. Alam niya na malapit na nilang mahuli ang mga halimaw na sumisira sa buhay ng ibang tao. Alam niyang hindi papayagan ng Diyos na maghari ang kasamaan. God was always good no matter what the circumstances are. And she knew that God would give them strength and would protect them from the evil of this world. Kailangan lang nilang patuloy na magtiwalang lahat ng ito ay may katapusan. At lahat ay mabibigyan ng hustisya sa tamang panahon ng Diyos.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...