Jemimah Remington-Maxwell
HUMUGOT muna ng malalim si Jemimah bago pumasok sa loob ng SCIU. Kagabi ay nakatanggap ng tawag si Mitchel mula sa SCIU Chief na si Alfonso Babor. Sinabi nito na gustong makausap ang Cold Eyes Team, kasama na siya kahit hindi na siya nagtatrabaho para sa SCIU.
Sumunod lang si Jemimah kina Mitchel hanggang sa makarating sa opisina ni Chief Alfonso Babor. Ngayon lang makakaharap ni Jemimah ang bagong Chief ng SCIU.
Alfonso Babor was a man in his thirties. Seryoso ang itsura nito. Bumati ito sa kanila sa ma-awtoridad na boses. Maraming nakapatong na mga folders sa working desk ng lalaki. Sa pagkakaalam ni Jemimah ay wala pa itong asawa. Isang dating official sa Marines. Ang board mismo ng SCIU ang pumili na ito ang maupo sa puwesto.
Tumayo si Alfonso para lumapit sa kanila, isa-isa silang kinamayan. Tumigil ito sa harapan niya. “Senior Inspector Maxwell.”
Tinanggap ni Jemimah ang pakikipagkamay nito pero hindi nagsalita.
Bumalik sa kinauupuan nito si Alfonso, inabot ang isang folder. “Jemimah Remington, Mitchel Ramos, Paul Morales, Douglas Ilagan and Ethan Maxwell. Cold Eyes Team, right? Si Director Antonio Morales ang bumuo sa grupo niyo noon at sa kanya kayo nagre-report ng lahat ng kasong hinawakan niyo. A very good team based on all the cases you have solved. Pero umalis ka, Jemimah, sa team niyo, sa SCIU nang mamatay ang asawa mong si Ethan Maxwell.” Tiningnan siya nito. “It turns out he’s not dead. Nasaan siya?”
Bumuntong-hininga si Jemimah. “Hindi ko kailangang ipagsabi kung nasaan ang asawa ko. Hindi siya empleyado ng SCIU.”
Ngumiti si Alfonso, tumango-tango. “Cold Eyes Team is not under the Director’s authority now. Isang ordinary team na lang din kayo dito sa SCIU na sa akin magre-report. And I will report everything to the Director, the board members, and the Chairman.”
“Hindi na parte ng SCIU si Jemimah,” sabi ni Paul. “Bakit kailangang ipatawag mo pa siya?”
“I gave you a case, a murder case that turns out to be another serial killing case based on your reports, Douglas,” sagot ni Alfonso. “At alam ko na kasama niyo ang mag-asawang Maxwell sa pag-iimbestiga.”
Natahimik silang lahat. Alam ni Jemimah na wala sa report ni Douglas na tumutulong sila sa pag-iimbestiga sa kasong ipinahawak sa mga ito. At alam niyang hindi tamang may ibang nakakaalam sa mga on-going investigation ng SCIU.
“Huwag kayong mag-alala,” pagpapatuloy ni Alfonso. “Hindi ko naman sasabihin sa board ang tungkol doon. But I have one request if you still want to join the investigation, Senior Inspector.”
Kumunot ang noo ni Jemimah, hinintay itong magpatuloy.
“Work for SCIU again, Senior Inspector. Under me now.” Ngumiti si Alfonso. “Tatanggapin ko rin ang mga itutulong ng asawa mong si Ethan Maxwell. I will provide security for your team.”
“Bakit?” tanong ni Jemimah, seryoso. “Maraming team dito sa SCIU. Maraming mga empleyado. Hindi naman ako kawalan.”
“The Cold Eyes Team is exceptional,” humahangang sagot ni Alfonso. “Hindi ko gustong sayangin ang pagkakataon na mamuno sa isang team na katulad niyo. I promise not to be strict on your team. Puwede niyong gawin ang kahit ano basta makakatulong sa kaso. Solve more cases for this agency, Senior Inspector. Kayo ng team mo.”
Mahabang sandaling hindi nagsalita si Jemimah. Tiningnan niya ang mga miyembro ng team na naroroon. Wala namang masama kung babalik siya sa pagtatrabaho sa SCIU pero kailangan niya pa rin sabihin iyon kay Ethan. And they needed security from this agency as well. Lalo na sa pag-iimbestiga nila ng serial killing cases. Hindi naman puwede na palaging nakatago lamang sila.
“Tatawagan ko kayo kapag nakapag-desisyon na kami,” ani Jemimah. “Pero hindi rin ako magtatagal sa trabahong ito, Sir. Just this one last case.” Except the Destroyer Case. “Kapag natapos na ang lahat, aalis na rin ako sa trabahong ito. Isusuko ko na ang police badge ko. Dahil gusto kong magkaroon ng mapayapang buhay, bumuo ng sariling pamilya.”
Nakatitig lang sa kanya si Alfonso sa loob ng ilang minuto bago ito tumango-tango. “First and last case under my supervision. Cold Eyes Team, I wish you good luck on finding this new serial killer.”
“Oh, by the way,” dagdag pa ni Alfonso, may kinuhang isang folder. “Here’s another police report sa isang crime scene sa Malabon. Mukhang may panibago na namang mga biktima ang serial killer na hinahanap niyo.”
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Siya na ang lumapit sa mesa ni Alfonso at kinuha ang folder, binuksan iyon para saglit na pasadahan ng tingin. Siguradong gawa na naman ito ng serial killer na hinahanap nila.
“You can go now,” ani Alfonso. “Hihintayin ko na lang ang sunod na report ninyo.”
Lumabas na sila ng opisina nito. “What is he up to?” tanong ni Jemimah.
“Alfonso Babor is also someone who also values positions,” sabi ni Mitchel. “Obviously, gusto niyang maipakita sa board na magagampanan niya ng maayos ang pagiging Chief ng SCIU at siyempre kailangan niya ang isang team na makakapag-close ng mga malalaking kaso para sa kanya. I see nothing wrong about him for now.”
“Tama rin na maging ordinaryong team lang tayo katulad ng iba,” wika naman ni Paul. “Being a special team under the Director was kinda pressuring.”
Naiiling na napangiti si Jemimah. “At dahil ama mo rin siya.”
Nagkibit-balikat si Paul. “Magtatrabaho ka na ba uli para sa SCIU?”
“Kung para sa kasong ito lang, siguro ay papayag ako,” sagot ni Jemimah. “Hanggang dito na lang. I like my job. Pero hindi ko na gustong masira ang kasiyahan namin ni Ethan dahil dito. If I have to choose, I’ll choose our happiness. Wala namang masama kung maging selfish na ako.”
“Oo naman.” Ngumiti si Paul. “Let’s just all be careful.”
Palabas na sila ng SCIU nang makasalubong si Director Morales. Mukhang nagulat din ang direktor pagkakita sa kanila. Magalang na bumati si Jemimah sa lalaki.
“Jemimah.” Ngumiti si Antonio. “Hindi ko inaasahan na makikita ko kayo dito. Narinig ko na may bagong case kayong hawak.”
“Pinatawag lang kami ni Chief Babor,” sabi ni Paul.
Tumango-tango si Antonio. “Sa kanya na nga pala kayo magre-report simula ngayon. Malungkot ako na hindi ko na kayo gaanong makikita pero alam kong nasa maayos naman kayong kalagayan. I know you can all do your best in every case.”
“Thank you, Sir,” pasasalamat ni Jemimah. “Kayo pa rin ang bumuo sa team namin kaya nagpapasalamat kami. Kayo ang dahilan kung bakit kami nagkakilalang lahat.”
“It’s nothing,” nakangiting sagot ni Antonio. “Magtatrabaho ka na ba uli para sa SCIU, hija?”
“Tumutulong ako sa kasong hinahawakan ng team ngayon kaya sinuggest ni Chief Babor na magtrabaho uli ako sa agency,” tugon niya. “Ngayon lang.”
“I see. I hope for the best for you and the team.” Isa-isang tiningnan ni Antonio silang lahat. “Ituturing ko pa rin kayo na parang team ko kaya huwag kayong mahihiyang lumapit sa akin. I wish I can see Ethan again.”
Muling nagpasalamat si Jemimah sa direktor bago lumakad palabas ng ahensya. Nilingon niya ang mga kasama at napansin na nakatingin pa rin si Mitchel sa papalayong si Director Morales.
Tumingin sa kanya si Mitchel, ngumiti. “We should go and settle this case. Pagkatapos nito, magre-resign na rin ako sa SCIU.”
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat pero hindi na naman nagtanong. Siguro ay kapareho rin ng rason niya ang rason ni Mitchel. He also wanted a peaceful life with the one he loved.
“MARIO Mantilla and Ruth Cejas,” banggit ni Jemimah sa pangalan ng mga bagong biktima ng serial killer na hinahanap nila. “Nakitang patay sa bahay ng babaeng kinakasama niya si Mario Mantilla. Binaril siya. Si Ruth Cejas naman ay natagpuang patay sa loob ng mismong bahay niya. Medicine overdose. Parehong putol ang mga hinliliit.”
“What’s their relationship?” tanong ni Ethan.
“Sinabi ng babaeng kinakasama ni Mario Mantilla na nakakita sa bangkay niya na dating magka-relasyon sina Mario at Ruth pero naghiwalay na,” sagot ni Douglas. “Simula nang maghiwalay ang dalawa ay ilang beses na pabalik-balik si Ruth sa bahay na tinutuluyan ni Mario, nagmamakaawang makipagbalikan.”
“Nakita sa apartment ni Cejas ang baril na ginamit sa pagpatay kay Mario Mantilla,” dugtong ni Mitchel. “No traces na may ibang taong naroroon. Fingerprints lang ni Ruth Cejas ang nakita sa baril, maging sa bote ng gamot na ininom niya para magpakamatay.”
“Walang kakaiba sa mga gamit ni Ruth Cejas maliban sa nawawala niyang cell phone,” sabi ni Jemimah. “Lumabas na rin ang autopsy report ng dalawang biktima. Again, no foul play, except sa naputol na mga hinliliit nila. The case was transferred to SCIU dahil nga siguradong gawa ito ng serial killer na hinahanap natin.”
Naupo si Jemimah sa tabi ng asawang si Ethan na nagbabasa ng report. Kanina ay sinabi niya dito ang dahilan kung bakit siya ipinatawag ng Chief ng SCIU. Hindi naman ito tumutol sa desisyon niyang magtrabaho uli para sa ahensya para sa kasong iyon. Sinabi pa nito na tutulong sa kanila.
“Can you profile this serial killer, Mitchel?” tanong ni Ethan. “Gaano siya kamapanganib?”
“At the score of 1 to 10, I’ll say 9?” Tumawa si Mitchel. “This killer is dangerous. Makikita naman kaagad sa paraan palang ng pagpatay niya. Hindi siya ang literal na pumapatay sa mga biktima, utak nila ang pinapatay niya. This Ruth Cejas was obviously suffering from depression. Kakahiwalay lang nila ng boyfriend niyang si Mario Mantilla, siguradong dahil sa ibang babae. And what else makes this killer dangerous? Dahil walang ebidensya siyang naiiwan. The killer just control his victims by playing with their minds.
“Wala siyang iniiwang kahit anong message kaya hindi pa malinaw kung ano ang gustong ma-accomplish ng killer na ito,” pagpapatuloy ni Mitchel. “Ginagawa niyang mamamatay-tao ang mga depressed na taong ito, pagkatapos ay kokonsensiyahin niya para mag-suicide. This killer is playing a game. Gusto niyang ipakita sa mundo na kaya niyang paglaruan ang mga tao.”
“9 out of 10,” wika ni Ethan. “Because no murder is perfect. Magkakamali din siya kahit gaano pa kaingat.”
Ngumiti si Mitchel. “No matter how dangerous that killer is, hindi siya perpekto. Kailangan lang nating siguruhin na walang makakawalang ebidensya sa bawat crime scene.”
Isinara ni Ethan ang folder na hawak. “Kailangan nating malaman kung paano siya nakakahanap ng target. There must be something that connects these victims.”
“Saan ba madalas pumupunta ang mga taong may depression, hindi ba sa ospital?” tanong ni Douglas. “In a psychiatric department.”
“Posible,” ani Jemimah. “Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nawawala ang mga cell phone ng biktima? Bakit iyon ang itinago ng killer? Dahil ba may ebidensya doon na makakapagturo kung sino siya?”
“Marahil ay tinatawagan ng killer ang mga biktima,” sagot ni Ethan. “Imposibleng hindi. Kailangang magtiwala sa kanya ang mga biktima para makagawa ng ganito.”
Tiwala? Gaano katalino ang killer na ito para malinlang ang mga biktima ng ganoon kabilis? At maliban sa psychiatric hospital, ano pa ang posibleng maging paraan ng killer para makahanap ng target nito? A hotline? The internet? Posible na isa sa mga iyon. Kailangan lang nilang hintayin na ma-recover lahat ni Theia ang past activity log ng bawat laptop na pag-aari ng mga biktima.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mistério / SuspenseA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...