Jayden Sullivan
GABI na nang maisipang bumalik ni Jayden sa bahay na pinagtataguan, may dala siyang isang plastik na may lamang isdang binili sa daan. Hindi na maintindihan ni Jayden ang nangyayari sa sarili, lalo na nang maangkin si Lauren. That was his first time. Alam niyang mali iyon pero hindi napigilan ang sariling katawan. It felt so good. Hindi niya gustong itanggi iyon.
Pinukpok niya ang sariling ulo dahil sa pananakit na naman niyon. Dapat siyang parusahan. Dapat niyang ayusin muli ang buhay. Dapat niyang patayin si Lauren. Pero alam ni Jayden sa sarili na mas lalong hindi iyon magagawa.
Ngayon, nakakaramdam na naman siya ng pag-iinit ng katawan kapag naiisip ang hubad na katawan ng dalaga. Nababaluktot na ang kanyang isipan dahil dito. Hindi ito tatanggapin ni Destroyer. Pero hindi niya naman sasabihin dito. Hindi puwede.
Siguro ay pansamantala lamang ang nararamdaman niyang ito. Kapag nawala na ang pagnanasa niya para kay Lauren. Kapag nawala na ang nararamdaman niyang pagtutol sa puso na saktan at patayin ito, tatapusin niya na ang babae. For now, Jayden wanted to keep that woman.
Napatigil si Jayden sa paglalakad nang makita ang isang nakaparadang sasakyan hindi kalayuan sa bahay na pinagtataguan nila. He knew that car. Ibinagsak niya ang plastic na dala at mabilis na nagtatakbo papunta sa bahay. Ano ang ginagawa ni Julius Magpantay dito?
Sinubukan niyang buksan ang pinto pero naka-lock iyon. Malakas na sinipa ni Jayden ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Julius sa kama, nakatakip ang isang kamay nito sa bibig ni Lauren habang ang isa ay may hawak na injection.
Nakikita ni Jayden ang takot sa mga mata ni Lauren, nakakadena ang mga kamay at paa nito kaya hindi nakatakbo.
“Jayden...” narinig niyang sambit ni Julius. “Bumalik ka na pala.”
Galit na galit na sinugod ni Jayden si Julius. They rolled over the bed and fell on the floor. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki na may hawak na injection para puluputin iyon. Julius dropped the injection. Napasigaw din ito sa sakit.
Sunod-sunod na pinagsusuntok ni Jayden ang mukha ni Julius hanggang sa dumugo iyon. Hindi naman makalaban ang lalaki dahil mas malakas siya. Nandilim na ang kanyang paningin, ang tanging gusto lang niyang gawin ay patayin ang lalaking ito.
“J-Jayden... p-please stop...” narinig niyang wika ni Lauren, umiiyak.
Napatigil si Jayden, tiningnan ang babaeng nasa kama. Pilit itong kumakawala sa pagkakakadena para makalapit sa kanya. Magulo na ang buhok ni Lauren, basa na rin ang mukha dahil sa pag-iyak.
Ini-iling ni Jayden ang ulo. Gustong patayin ni Julius ang babaeng ito. Bakit siya nito pinipigilan? Ibinalik niya ang tingin kay Julius nang marinig ang pagsasalita nito.
“S-so fun.” Julius spit out blood from his mouth. “S-si-sinabi mo na... na patay na ang newscaster na 'to. Iyon din ang alam ni Destroyer.” Tumawa ng nakaloloko ang lalaki. “A-ako na s-sana ang tatapos sa kanya pero pinigilan mo pa rin ako.”
“Papatayin kita,” galit na galit na sabi ni Jayden. Inabot niya ang nahulog na injection ni Julius.
Lumakas ang pagtawa ni Julius pero agad na napangiwi. “Ano nang nangyari sa'yo, Jayden?” Umuubong tanong nito. “Nagsinungaling ka kay Destroyer. Nagtatago ka dito kasama ang isang babae na nakakaalam ng tungkol sa pagiging halimaw mo. Are you raping that woman every day, Jayden?! Baboy ka na rin ngayon!”
Hinigpitan ni Jayden ang pagkakahawak sa injection. Isasaksak niya na iyon kay Julius nang marinig ang pagsigaw ni Lauren.
“Stop! Stop, Jayden... h-huwag ka nang pumatay... please,” pagmamakaawa nito.
Nanginig ang buong katawan ni Jayden. Gusto niyang patayin si Julius. Kailangan niya itong patayin dahil kung hindi ay hahanap uli ito ng paraan para magawa ang binabalak.
“Go on, kill me, Jayden,” nakangising sabi ni Julius. “We are monsters. Naka-disenyo tayo para pumatay. Imposibleng magbago pa iyon.”
“Huwag kang makinig sa kanya!” Malakas nang napaiyak si Lauren. “Jayden... please... h-hindi ka halimaw...”
Binitawan ni Jayden ang hawak na injection bago tumayo. Ilang beses niyang tinadyakan si Julius hanggang sa mapahawak ito sa tapat ng puso, nahihirapan na sa paghinga.
Lumapit si Jayden sa kama para tanggalin ang pagkakakadena ng mga kamay at paa ni Lauren. Mahigpit niyang hinawakan ang isang braso ng babae at hinila ito patungo sa isang mesa. Kinuha niya doon ang dalawang cell phone – kanya at kay Lauren – pati ang hatchet na palaging dala.
Lalabas na sila nang marinig ang muling pagsasalita ni Julius. “I-isa kang traydor, Jayden,” mariing sabi nito, nagpupumilit gumapang para kunin ang itim na bag sa kama.
Nilapitan ni Jayden ang kama, kinuha ang bag at hinanap doon ang susi ng sasakyan. Nakita niya pa ang isang bote ng gamot na marahil ay kailangan ng lalaki. Puno ng kalamigang tiningnan niya si Julius bago itinapon ang bag sa malayong parte ng bahay.
Hindi na siya nagsalita at hinila palabas ng bahay si Lauren. Hindi naman nagpumiglas ang babae. Tumigil si Jayden at kinuha sa bulsa ng pantalon ang cell phone ni Lauren. He typed something there.
Ipinagpatuloy ni Jayden ang paglalakad patungo sa gilid ng bahay. Hinukay niya ang lupa doon, hindi ganoon kalalim bago ibinaon ang cell phone. He covered it with dirt again.
Inabot niya ang hatchet na inilapag kanina sa lupa. Sandali na pinakatitigan ni Jayden iyon. Ibinigay sa kanya ito noon bilang tanda ng pagiging isang kanang kamay. This was used in all the murders of Destroyer. Humugot siya ng malalim na hininga. And then he buried the hatchet on the ground.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Gizem / GerilimA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...