Chapter 14

1.3K 68 1
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
PINAGBUKSAN ng pinto ni Jemimah sina Theia at Mitchel na kararating lang dito sa Maynila nang hapong iyon. “Did you find something?” tanong niya. Naupo sila sa couch at agad na binuksan ni Theia ang laptop na dala nito.
“Tiningnan ko ang mga CCTV footage ng lahat ng kalyeng nakapalibot sa hotel na sinabi niyo,” pagsisimula ni Theia. Ipinakita nito sa kanila ang slideshow ng mga still photos kung saan nakuha doon ang sasakyan na gamit ni Efren Mortel. “This is the car, right?”
Tumango si Jemimah. Pinag-aralan niya ang mga still photos, maging ang ilang videos. “Papunta ang sasakyan sa direksyon ng river kung saan natagpuan ang bangkay ni Efren Mortel.”
Theia showed her another video. Iyon ay sa isang 7-Eleven store kung saan saglit na huminto ang sasakyan, bumaba ang babaeng kasama ni Efren. Lumabas ito na may dala ng isang plastic bag.
“Hinack ko ang CCTV ng store na 'yan para makita ang footage nang araw at oras na pumasok ang babaeng kasama ni Efren Mortel.” Theia clicked one photo. “Ito ang kuha ng CCTV sa counter.”
Nakita doon ang babae na bumili ng dalawang cans ng coffee. Malinaw din na nakita sa footage ang mukha ng babae. Sapat na iyon para paghinalaan ang babae. There was caffeine in Efren Mortel’s body according to the autopsy. Doon nakalagay ang lason na ginamit para mapatay ito.
“Na-check niyo ba sa database kung sino ang babaeng kasama niya?” tanong ni Jemimah.
Tumango si Theia, ipinakita ang larawan na may kasamang profile ng isang babae. “Irma Guilaran, 21 years old. Estudyante siya sa university kung saan nagtuturo rin si Efren Mortel. Estudyante siya ni Mortel sa isang subject.”
“May relasyon si Mortel sa estudyante niya?” tanong ni Paul, umiling-iling.
Inilista ni Jemimah ang address na nakasulat sa profile ni Irma Guilaran – nasa Manila, Chinatown. Kailangan nilang puntahan iyon bago pa makatakas ang babae.
“So this was just a simple murder case,” ani Mitchel, hinaplos-haplos ang baba. “Kung itong si Irma Guilaran nga ang killer ni Mortel, madali na agad nating maisasara ang kaso. We have enough evidence to pin her.”
Sumandal si Jemimah sa couch. Sana nga ay mai-close kaagad nila ang kasong ito. Ilang minuto lang ay halos magkasabay na dumating sina Douglas at Ethan.
“We found Mortel’s car sa bahay niya sa Makati,” imporma ni Douglas. “May nakita kaming coffee can doon, vomits. Ipinadala ko sa SCIU ang sasakyan para mai-check ng forensics. Positive na kay Efren Mortel ang vomit sample na nakuha, nakita rin ang fingerprints ni Efren Mortel sa lata ng kape, kasama na ang sa babaeng nagngangalang—”
“Irma Guilaran.” Si Jemimah na ang tumapos niyon. “Irma is our primary suspect now. Douglas, mag-utos ka na ng mga pulis para ma-secure ang address ni Guilaran as soon as possible.”
Tumango si Douglas, bahagyang lumayo sa kanila para tumawag ng back-up sa SCIU. Si Jemimah naman ay lumapit kay Ethan na nakaupo sa isang couch, nasa mesang kaharap nito ang folder na marahil ay ibinigay ni Joshua Sann dito.
“Kumusta ang pag-uusap niyo?” tanong niya.
Sandaling tumitig sa kanya ang asawa bago nito sinimulang ikuwento ang lahat ng pinag-usapan nito at ni Joshua. Nagulat si Jemimah na biktima ng Destroyer ang kamag-anak ni Inspector Joshua. Pero mas ikinagulat niya ang kinalabasan ng imbestigasyon ng mga ito sa kaso ni Kristina Lopez.
Inilapag ni Jemimah ang report na tiningnan para makita ang mga larawan ng bungalow house sa isang lugar sa Zambales kung saan natagpuan ang blood sample na tumugma kina Lauren Jacinto at Jayden Sullivan.
Hinawakan ni Ethan ang kamay niya. “Wala pang nakikitang katawan. Lauren must still be alive.”
Tiningnan niya ang asawa, nangilid ang mga luha. “P-pero may nakita pa ring dugo, posibleng nasaktan siya. How could... how could Jayden do this?”
“Jayden is running away,” sabi ni Mitchel. “Malaki ang posibilidad na panatilihin niyang buhay si Lauren at gawing hostage. He will be thinking of survival now.”
Napahawak sa ulo si Jemimah. Wala silang kahit anong lead sa kinaroroonan ngayon ni Jayden. Hindi nila alam kung ano na ang ginawa nito kay Lauren. “We should issue a manhunt,” usal niya. “Habang tumatagal, mas malalagay sa panganib ang buhay ni Lauren.”
“Pero kapalit niyon ay ipapaalam na natin sa lahat na si Jayden Sullivan si Destroyer,” ani Paul. “Nakahanda na ba tayong mapagkaguluhan ng media? Ibig sabihin din noon ay lalabas na sa publiko ang imbestigasyon natin.”
Yumuko si Jemimah. Hindi niya na alam ang gagawin. Gusto niyang mahanap sina Lauren para mailigtas ito. Pero tama si Paul. Hindi pa sila handa. Marami pang mga katanungan sa Destroyer Case na kailangang mabigyan ng kasagutan.
Naramdaman niya ang pagdantay ng isang kamay ni Ethan sa kanyang ulo. “Mahahanap natin sila, Jemimah. We just need more time before making all of this public. Hindi pa rin tayo sigurado kung si Jayden talaga si Destroyer.”
Tumango na lang si Jemimah. Patuloy niya na lang ipagdarasal ang kaligtasan ni Lauren, maging nilang lahat. Ang Diyos lang ang nakakaalam ng totoo. Ito lang ang makakapagbigay ng liwanag sa madilim at magulong daang tinatahak nila ngayon.
ILANG beses na kumatok sina Jemimah sa pinto ng apartment na tinitirhan ni Irma Guilaran sa Chinatown, Manila pero walang sumasagot doon kaya napilitan na silang puwersahang pumasok. Kasama niya ngayon si Mitchel at Ethan.
Inilabas ni Ethan ang baril, naunang pumasok sa loob ng apartment. Maingat na nakasunod lamang naman sina Jemimah. “Ms. Guilaran,” wika ni Ethan sa ma-awtoridad na tinig. “Kung nandito ka, mas makabubuti kung magpakita ka na.”
Nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa paligid. “She must have escaped,” usal ni Jemimah. Iginala niya ang paningin sa buong apartment. Hindi kalakihan iyon pero may isa pang pinto na marahil ay kuwarto.
Lumakad si Ethan palapit sa pinto ng kuwarto, nakahanda ang hawak na baril sa isang kamay. Marahan iyong binuksan ng asawa. Nakita ni Jemimah ang pagkatigil ni Ethan, ibinaba ang kamay na may hawak na baril.
Mabilis na lumapit si Jemimah sa asawa at nagulat pagkakita sa tinitingnan nito. Irma Guilaran was there, hanging inside her room.
“Call Douglas,” narinig niyang utos ni Ethan. “We need medical examiners and forensics.”
Mabilis na sumunod si Jemimah at agad na tinawagan si Douglas para humingi ng back-up. Hindi siya makapaniwala na nagpakamatay ang primary suspect sa krimeng iniimbestigahan nila. Bakit? Dahil sa guilt?
Pagkatapos ng tawag ay lumapit siya kina Ethan at Mitchel na nakatayo malapit sa nakabiting bangkay ni Irma Guilaran. Nakasuot pa ang babae ng school uniform nito. Ang lubid ay nakatali sa isang hook sa kisame, may nakatumbang upuan sa sahig.
Kinuha ni Ethan ang gloves sa bulsa ng pantalon nito, isinuot. Hinawakan nito ang kanang kamay ng bangkay ni Irma, pinakatitigan. “She lost her pinky finger.”
Noon lang napansin ni Jemimah ang naputol na hinliliit ni Irma. Tumigil na ang pagdurugo niyon. Ibinaba niya ang tingin sa sahig, walang bahid ng dugo doon. Wala rin ang putol na daliri.
“Hindi ito suicide,” wika pa ni Ethan. “The wound was freshly cut. Siguradong may naglinis lang ng dugo na nagmula sa sugat.” Pinakatitigan nito ang putol na daliri ni Irma. “Iisa lang ang pagkakaputol ng hinliliit ng babaeng ito at ni Efren Mortel.”
“Ibig sabihin ay iisa ang killer nila? Hindi si Irma ang pumatay kay Efren?” tanong ni Jemimah.
“Ethan’s right,” sabi ni Mitchel. “This is murder. Hindi natin masasabi kung iisa nga ang killer ng babaeng ito at ni Mortel. Pero siguradong ang may hawak sa nawawalang hinliliit ni Mortel ay siya ring may hawak sa nawawalang hinliliit ni Guilaran.”
“We should start searching for clues,” ani Ethan. “Malalaman natin sa autopsy kung may foul play sa pagkamatay ng babaeng 'to.”
Sumunod na lang si Jemimah sa asawa. Lumapit siya sa isang table na puno ng mga papel at notebooks. Ito marahil ang study table ng biktima.
Inabot ni Jemimah ang ilang receipt na naroroon, nakita ang resibo ng pagbili nito ng canned coffee sa isang 7-Eleven. May ilang resibo rin sa pagbili ng condoms. Napabuntong-hininga si Jemimah. Ano ang nangyari kina Efren Mortel at Irma Guilaran at ganito ang kinahinatnan?
Lumabas sila sa kuwarto nang marinig ang pagtawag ni Ethan. Nakaharap na ngayon ang asawa sa isang nakabukas na laptop sa mesitang malapit sa maliit na couch.
Lumapit sila ni Mitchel dito para tingnan ang tinitingnan nito. The Facebook site was opened in that laptop. At ang account ni Irma Guilaran ang naka-log-in. “I looked into some of her social media posts,” sabi ni Ethan. “Pansinin niyo ang mga comments.”
Binasa ni Jemimah ang mga comments sa halos lahat ng posts ni Irma Guilaran. All of those were bullying comments na marahil ay galing sa mga kaklase nito.
Slut! You are a slut!..
Huwag ka na magpahinhin sa mga pictures mo. The campus knows you’re seducing professors para makapasa. Pokpok ka...
Irma, the slut. Open your legs to get a passing score. Pfft...
“May mga messages din na ganyan ang mga nakasulat,” ani Ethan. “They are bullying her. Alam na siguro sa eskuwelahan nila ang tungkol sa relasyon ni Irma sa professor niyang si Efren Mortel.”
“Kung iyan lang ang pagbabasehan natin, pwede na 'yang maging rason sa pagpapakamatay ni Irma,” malungkot na wika ni Jemimah. Bullying was a crime. Napakaraming taong nasisira ang buhay dahil doon.
Bumuntong-hininga si Mitchel. “Napakarami talagang mga tao ang nakakahanap ng kasiyahan sa internet. Madali lang para sa kanila ang magsalita ng masama, makasakit ng kapwa, magsabi ng kasinungalingan kapag nagtatago sila sa likod ng mga screens at pekeng accounts. Kaya napakarami ang nagiging biktima ng cyber-bullying.”
Ilang saglit lang naman ay dumating na si Douglas kasama ang back-up na hiningi nila. Binati niya si Barbara Santiago na medical examiner na titingin sa bangkay ni Irma.
Pinakatitigan ni Barbara ang bangkay ni Irma na ngayon ay naibaba na sa sahig. Maingat nitong hinawakan ang leeg bago inilipat ang atensyon sa putol na daliri ng babae. “Wala pang isang araw nang pinutol ito,” anito. “But I think she was long dead when her finger was cut. Pocket knife. Iyon ang ginamit na pamputol sa daliri niya.”
“Paki-check kung may tine-take siyang kahit ano'ng drugs,” ani Jemimah. “We are thinking this is not suicide.”
Tumango si Barbara. “Ipapadala ko na lang kina Douglas ang autopsy report niya.”
Nagpasalamat si Jemimah dito at muling ipinagpatuloy ang paghahanap ng ebidensya. Hinalughog niya ang isang maliit na trashcan doon at nakita ang isang bote na may label na ‘ricin’. Mabilis niyang inilagay sa loob ng sampling bag ang bote, mabuti na lang at nakasuot siya ng mask.
Lumapit siya kay Ethan. “We found the murder weapon,” pagpapakita niya sa bote ng lason na nakapatay kay Efren Mortel.
Mabilis na kinuha sa kanya ng asawa ang bote para mailagay sa box of evidence. “Be careful,” paalala pa nito.
Hindi napigilan ni Jemimah ang mapangiti. He was being over-protective of her but she liked that. Humugot siya ng malalim na hininga para ibalik ang isipan sa trabaho.
“I found her diary,” sabi ni Ethan. “Along with these.” Ipinakita sa kanya ng asawa ang isang basket na may punit na uniform, may bahid din ng dugo.
Binuksan ni Ethan ang diary at ipinabasa sa kanya ang isang entry doon. It was on February 15th. More than five months ago.
February 15.
He... raped me. Pumunta ako sa loob ng opisina niya para itanong kung puwede pa akong kumuha ng special exam para makapasa sa subject niya. Sinabi niya na puwede pa pero may kondisyon. Kailangan ko siyang paligayahin. Hindi ko gusto. Hindi ako pumayag. Tinangka kong tumakas pero... pero wala na akong nagawa dahil napakalakas niya. Wala akong mapagsumbungan. Nandidiri ako sa sarili ko. Hindi ko na gustong pumasok. Isa kang demonyo, Efren Mortel! Papatayin kita!
Ang kasunod na entry ay isang linggo matapos ang panggagahasa kay Irma ng professor nito...
February 22.
Sinabi niyang may hawak siyang video ng ginawa niya sa akin. Sinabi niyang ipagkakalat iyon kapag... kapag hindi ko siya pinagbigyan sa kababuyan niya. Natatakot ako. Ayokong malaman ng ibang tao. Ayokong mapahiya!
February 28.
Hindi ko na matatakasan ang buhay na ito. Habang-buhay na siguro akong magpapakababoy sa demonyong ito.
Iyon na ang pinakahuling entry sa diary. Isinara na iyon ni Jemimah, ilang beses na humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang nagwawalang kalooban. Napakarami talagang halimaw sa mundong ito na sumisira ng buhay ng mga taong walang kalaban-laban.
“This is enough motive for Irma to kill Efren Mortel,” wika ni Ethan. “Kung hindi dahil sa putol na daliri ng dalawang biktima, pwede nang maisara ang kasong ito na si Irma Guilaran ang pumatay kay Efren Mortel. At nagpakamatay siya dahil sa guilt.”
“But there’s something more to this case,” ani Jemimah. “And we will solve this.” Nasimulan na nilang imbestigahan ang kasong ito kahit hindi naman sila parte ng SCIU. Alam ni Jemimah na hindi rin titigil si Ethan hangga’t hindi nareresolba ang isang krimen.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon