Chapter 75

1.1K 60 0
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
HUMUGOT muna ng malalim na hininga si Jemimah bago tumapat sa interrogation room ng SCIU. Tiningnan niya si Ethan na nasa tabi. “Sigurado bang hindi mo gustong pumasok sa loob?” tanong niya sa asawa.
Umiling si Ethan. “Manonood na lang ako sa kabilang side,” anito. “Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan ko siya.”
Tumango na lang siya at pumasok sa loob ng interrogation room kung saan naroroon si Antonio Morales. Nandoon na din si Mitchel na kanina pang nakapasok.
Naupo siya sa tabi ni Mitchel. Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang confrontation nila sa warehouse sa Antipolo. Ngayon lang nailipat si Antonio dito pagkatapos ma-confine sa ospital dahil sa mga balang natamo.
Sandaling pinakatitigan ni Jemimah si Antonio Morales na nakatingin lang sa harapan, walang emosyon sa mukha. Hindi pumasok sa isipan ni Jemimah na makikitang nakaposas ang dating Director ng SCIU. He was a very respected man. Hindi nila alam na nakasuot lang pala ito ng maskara sa buong buhay.
Tumikhim si Jemimah bago inilapag sa mesa ang mga hawak na reports. Binuksan niya ang isang folder para ipakita dito ang mga larawan ng remains na nakita nila noon sa isang church sa Pampanga.
“Nakita ang mga remains na ito sa simbahan sa Pampanga kung saan ka nagmula bilang si Antonio Subiera,” panimula niya. “Nakuha na namin mula ang result kung kanino ang mga bangkay na ito. The one on the left was Alan Jude Beldad. Isa siyang pari na naka-assign sa simbahang 'yon. Ang nasa kanan ay si Eva Mandaguit, isa naman siya sa mga nagtatrabaho sa simbahang iyon. Pareho silang missing according sa records sa gobyerno. Kilala mo ba sila?”
Hindi na nag-abalang tingnan ni Antonio ang report na nasa harapan. Tumaas lang ang isang gilid ng mga labi nito para sa isang ngisi pero hindi sumagot.
“Pinatay mo rin ba sila?” tanong pa niya.
“Oo, pinatay ko sila,” malamig na sagot ni Antonio. Nagkibit-balikat pa ito na para bang balewala lang ang ginawa.
“Why did you do all of these?” mayamaya ay tanong ni Mitchel. “Masaya ka ba na pumapatay ka ng ibang tao? Na nagmamanipula ka ng mga tao?”
“Masaya?” ulit ni Antonio. “Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kasiyahan. But yes, I do feel excited every time a person gets killed. Lalo na kapag nakikita kong sinusunod ako ng mga taong inutusan ko. I feel so powerful.”
“Powerful?” Umiling si Jemimah. “Bakit? Pakiramdam mo ba ay Diyos ka na? Pinatay mo ang mga taong 'yon dahil iniisip mo na dapat silang patayin. You think you are cleaning this world.”
“I don’t think.” Direktang tumingin sa mga mata niya si Antonio. “I am cleaning this world from its wickedness. Ang mga biktima ko ay masasamang tao na hindi marunong sa kautusan. Wala silang karapatang mabuhay sa mundong ito.”
“At sa tingin mo may karapatan ka?” sarkastikong tanong ni Jemimah. “Sa tingin mo tama na husgahan mo ang mga taong 'yon at patayin? You are not God. You think you can violate God’s law and get away with it? Hindi mo matataasan ang Diyos, Antonio. You can never manipulate God. You can never be God.”
Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao ni Antonio. “Dapat kong parusahan ang mga tao. Iyon ang misyon ko sa mundong ito.”
“That is not your mission, Morales,” seryosong sabi ni Mitchel. “You are doing this for revenge. Katulad ng mga naging puppets mo, ginagawa mo ang lahat ng ito para maghiganti sa ginawang kasamaan sa inyo noon. Ibinubunton mo sa mundo ang galit sa puso mo.”
Ibinaba ni Antonio ang tingin sa mga kamay na may may marka ng sugat sa gitna. Ang kanan nitong kamay ay panibagong sugat dahil sa balang tumama doon sa pagbaril ni Ethan.
“Wala akong alam sa mundong ito,” malamig na sabi ni Antonio. “Pero ang mga taong 'yon ang tumulak sa akin sa punto na napatay ko sila. Wala akong pagsisisihan doon. Marami na akong natutuhan sa mundong ito, sa mga tao. Ang mga tao, kapag ginawa na nila iyon minsan... gagawin ulit nila 'yon. Paulit-ulit. Hindi sila titigil. Hindi magbabago. Kamatayan na lang ang makakapagpatigil sa kanila.”
“At hindi ka nagkasala sa ginawa mong pagpatay?” mapait na tanong ni Jemimah. “Dapat mong maintindihan ang katotohanan, Antonio. Lahat ng tao nagkakasala. Pero ang mas malala sa taong makasalanan ay ang taong hindi tinatanggap na isa siyang makasalanan. That’s you. You keep on lying to yourself that you’re doing this for the good. You’re not accepting that you’re also a sinner who deserves death.”
“Death.” Tumawa si Antonio. “Hindi ako natatakot sa kamatayan, Jemimah. Mas mahirap pa diyan ang pinagdaanan ko.”
Humugot ng malalim na hininga si Jemimah para kalmahin ang sarili. “Alam mong mabubulok ka sa kulungan dahil dito. Hindi kami papayag na hindi mo mapagbayaran ang lahat ng kasamaan mo.”
Hindi naman sumagot si Antonio.
“I have one more question, Morales,” sabi ni Mitchel. “Ang mga puppets mo na sina Divina Dorado, Ariel Mangilit at Benjamin Salve, pinatay mo rin ba sila?”
“Ang isang bagay na wala nang pakinabang, dapat nang itapon.”
Hindi makapaniwala si Jemimah sa sagot nito. Bagay? Itinuring lamang nito na bagay ang mga taong ginamit para sa mga krimeng ginawa?
Tumayo na siya at lumabas ng interrogation room. Kapag nagtagal pa sa harapan ni Antonio ay baka hindi na rin mapigilan ni Jemimah ang sarili. Hinintay niyang makalabas si Mitchel, maging sina Ethan na nasa kabilang side.
“Hindi man lang siya nagpakita ng kahit katiting na guilt,” mariing sabi ni Jemimah. “Wala siyang puso.”
“He is a psychopath, Jemimah,” sabi ni Mitchel. “Hindi siya magpapakita ng guilt. Hindi siya nakakaramdam ng konsensiya. He didn’t know emotions. Pinag-aralan niya lang iyon sa loob ng mahabang panahon para pagkatiwalaan siya ng mga tao. A psychopath only cares about himself. Imposible rin na ikuwento niya ang kanyang nakaraan.”
Bumuntong-hininga si Mitchel. “Pero base sa mga salitang binitawan ni Antonio kanina, sigurado na may mga taong dahilan kung bakit siya nagkaganito. Psychopathy is a mental disorder but it can be controlled. Kung may mga taong tumulong sa kanya noon, baka hindi naging ganito kalala ang sakit niya. A person raised by demons will also become a monster. Kung si Antonio ay pinalaki sa impyerno, aasa pa ba tayo na hindi siya maging demonyo?”
Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila bago iyon binasag ni Jemimah. “Hindi pa rin ba gustong makita ni Paul ang ama niya?”
Umiling si Ethan. “Sinabi niya na hindi siya aalis sa tabi ni Bianca.”
Tumango-tango si Jemimah. Na-discharge na naman sa ospital si Bianca at kasalukuyan ngang nagpapagaling sa penthouse nila ni Ethan sa Manila. Si Paul ang kasama nito na hindi umaalis sa tabi ng dalaga.
“We should talk to Lauren,” sabi ni Mitchel. “Nasa kabilang interrogation room siya.”
Tumango si Jemimah at sumunod lamang sa mga ito. Tumigil sila sa salamin ng interrogation room, sandaling pinagmasdan si Lauren Jacinto na nakaupo doon. Ilang beses itong sumusulyap sa wristwatch na suot.
“Kanina pa niya gustong umalis para bumalik sa ospital at mabantayan si Jayden,” sabi ni Mitchel.
“Hindi pa rin ba nagkakamalay si Jayden?” tanong niya.
Umiling si Mitchel. “Pero sinabi naman ng mga doktor na lumalaban siya. Let’s just hope he regains consciousness soon.”
“Hindi ko pa rin mapaniwalaan na tatraydurin ni Sullivan si Antonio,” sabi ni Ethan. “Jayden’s still the one who stopped Destroyer.”
“No, it’s Lauren.” Ngumiti si Mitchel. “Si Lauren ang nakahanap ng mga kulay para pintahan ang madilim na mundo ni Jayden Sullivan. Hindi natin alam kung paano niya nagawa 'yon. But there’s one thing I learned on this case.” Tumingin sa kanila ang lalaki. “Hindi lahat ng masasamang tao ay masama nga... lalo na kapag mayroon na silang gustong protektahan.”

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon