Chapter 22

1.4K 63 0
                                    

Bianca Cuares

HINDI mawala-wala ang malawak na ngiti ni Bianca habang nasa biyahe sila ni Paul papuntang Maynila. Isinama uli siya ngayon ng lalaki dahil may kailangan silang kausapin na kakilala raw ng mga ito.
“Tungkol sa Destroyer Case ito, ayos lang ba talaga sa'yo?” narinig pa niyang tanong ni Paul.
Bianca rolled her eyes. “Ilang beses mo pa bang itatanong 'yan?” natatawang tanong niya. “I’ll be fine, Paul. Bata talaga ang tingin mo sa akin.” Hindi napigilan ni Bianca ang makaramdam ng pagtatampo pero pinilit na huwag maipakita iyon.
Hindi niya na naman narinig ang pagsasalita ni Paul. Mahaba-haba rin ang naging biyahe nila bago nakarating sa isang coffee shop na malapit sa SCIU.
Pagkapasok nila sa loob ay sandaling iginala ni Paul ang tingin. Nakita ni Bianca ang pagtaas ng kamay ng isang babae. Lumapit sila sa table nito.
Ngayon lang nakita ni Bianca ang babae na iyon. Kaanu-ano ito ni Paul? At bakit may alam ito tungkol sa Destroyer Case?
Ngumiti ang babae. “Do you want to order coffee?”
“I’ll do it,” ani Paul bago tumingin sa kanya. “Ano'ng gusto mo, Bianca?”
“Ikaw na ang bahala,” mahinang sagot niya.
Nang umalis si Paul ay ilang saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid. Bianca felt awkward to people she didn’t know. Tumingin siya sa babae na nakatingin din sa kanya.
“I’m Lizette Salcedo, by the way,” pagpapakilala nito. Kumunot ang noo nito. “You must be Ethan Maxwell’s sister? Base lang sa mata mo kaya ko nasabi.” Tumawa ito. “Kilala ko sila.”
Bahagyang tumango si Bianca. “Bianca Cuares,” pagpapakilala niya. “Matagal na ba kayong magkakakilala?”
Umiling si Lizette. “I just put myself into this investigation to help Chairman Gonzalvo. Kilala mo naman siguro siya, 'di ba? Pinag-aralan ko ang lahat ng investigation niya sa Destroyer Case. You were supposed to be one of the victims but turns out to be alive. It must have been hard for you.”
“It is.” Bumuntong-hininga si Bianca. “Pero hindi ko naman nakita ang pagkamatay ng mga magulang ko noon. Dapat ay nasa bahay lang ako pero inutusan ako ni papa na umalis. Hindi ako nagtaka noon dahil bata pa ako.”
“Alam na siguro ng papa mo na mapapahamak sila,” malungkot na sabi ni Lizette.
“Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sinabi kung ano ang lahat ng nalalaman niya. Kung alam ni papa na papatayin sila ni Destroyer nang araw na 'yon, bakit hindi man lang siya humingi ng tulong? Bakit kailangang harapin niya mag-isa ang demonyong 'yon?”
Nakatitig lamang sa kanya si Lizette ng ilang sandali. “Hindi pa siguro siya sigurado. He must be suspecting someone at that time. At ang tanging magagawa niya lang ay ilayo kayo habang kinokompronta ang taong iyon.”
Ikinuyom ni Bianca ang mga kamay. “T-there was a car back then. Tumigil iyon sa harap ng bahay namin noong umalis ako pero... pero hindi ko maalala kung nakita ko ang bumaba doon. Hindi ko maalala ang itsura ng sasakyan. Hindi ko alam kung—” Napatigil siya nang maramdaman ang pagdantay ng isang kamay sa kanyang balikat. Nalingunan niya si Paul, hawak sa kabilang kamay ang tray ng coffee na para sa kanila.
Naupo sa tabi niya si Paul, hinawakan ang isa niyang kamay. “Calm down, Bianca. Hindi mo kailangang alalahanin ang lahat.”
Kumalma naman si Bianca, iniyuko ang ulo.
“Tama si Paul,” narinig niyang sambit ni Lizette. “Kahit maalala mo ang sasakyan, siguradong wala na iyon.”
“May mga bagong impormasyon ka bang nakuha tungkol kay Jayden Sullivan?” tanong ni Paul.
Inilabas ni Lizette ang ilang folders sa loob ng bag na dala nito. “I looked into the orphanage where he lived after his brother died. Heaven’s Door Orphanage. Sa Bulacan.” Ipinakita nito ang ilang larawan ng orphanage na iyon. “Ilang taon ng sarado ang orphanage na iyon.”
Gawa sa semento ang orphanage at napakaraming mga puno ang nakapalibot doon.
“Bulacan?” ulit ni Paul. “Napakalayo niyon mula sa Mindoro kung saan nakatira noon si Jayden.”
“Nakakapagtaka nga rin 'yon but it’s possible for him to go that far. Nasa high school na siya.” Binuksan ni Lizette ang isa sa mga folders na naroroon. “Isang Olga Philia ang may-ari ng orphanage pero matagal na siyang patay. Nagpatuloy lang ang pagpapatakbo sa orphanage dahil sa mga sponsors nila. It was not a big orphanage pero malaki ang lupang kinatatayuan niyon.”
“Kay Olga Philia rin ang buong property na 'yon?” tanong ni Paul.
Tumango si Lizette. “Hanggang ngayon ay sa kanya pa rin nakapangalan ang property. I looked into that Olga Philia. She was a businesswoman. Wala na siyang pamilya according sa government records. Gustong kunin ng government ang property pero dahil hindi matagpuan ang titulo kaya wala pa ring nangyayari.”
“Ang mga nagtatrabaho sa orphanage?” singit ni Bianca.
“Like I said, matagal nang nagsara ang orphanage pero nakita ko pa naman ang mga files ng nagtrabaho doon. Sinubukan kong hanapin ang iba sa kanila, may mga nakausap ako na ilan. They said all of the children there were legally adopted bago nila isinara ang orphanage.”
“Kilala nila si Jayden Sullivan?” tanong ni Paul.
“May nakausap ako na nakilala si Jayden,” sagot ni Lizette. “Sinabi niya na normal na bata lang si Jayden noon. Pero may mga araw na hindi niya daw nakikita sa Jayden sa orphanage.”
“Paano siya nakaalis sa orphanage?” tanong ni Bianca. “May umampon ba sa kanya?”
Umiling si Lizette. “Once they turned eighteen, puwede na silang umalis sa orphanage kung iyon gusto nila. Simula daw noong umalis si Jayden ay wala na silang naging balita.”
“Wala rin sa profile ni Jayden na may nag-adopt sa kanya,” ani Paul. “He must have lived his life alone.”
Jayden Sullivan. Everyone wanted to know who that man really was. Dahil ito ang prime suspect sa Destroyer Case. Pero hindi maintindihan ni Bianca kung paano nagawa ni Jayden ang lahat ng krimen na iyon.
Tumingin sa kanya si Paul, may pag-aalala sa mukha. “Are you okay?” tanong nito.
Tumango si Bianca. “Napapaisip lang ako.”
Mahinang tumawa si Lizette. “I also have doubts about this Sullivan. There are evidences that points him as the Destroyer. Pero napakarami ring tanong. What if he’s not working alone? What if there’s someone backing him up? Kung titingnan ang buhay ni Jayden noon, mahihirapan siya na gumawa ng ganitong klase ng mga krimen. He needed not just money, but connections in order to hide his tracks.”
Napatingin si Bianca sa babae. Mukhang alam na alam nito kung ano ang ginagawa. She must have investigated lots of cases in her life.
“Hindi ko sinasabi na imposibleng siya si Destroyer,” dugtong ni Lizette. “He can be the Destroyer, but he can also be not the Destroyer. Kailangan bukas tayo sa parehong ideya.”
“Kung hindi siya si Destroyer, ano ang ibig sabihin ng lahat ng ginawa niya? Ng pagdukot niya kay Lauren?” tanong ni Paul.
“Hindi natin alam hangga’t hindi nakikita si Sullivan.” Bumuntong-hininga si Lizette. “Serial killers are smart. Hindi kaagad sila magpapahuli ng ganoon na lang. Gagawa sila ng kahit ano'ng paraan para malusutan ang pagkahuli sa kanila.”
“It will take time pero... pero sigurado ako na mahuhuli rin sila,” wika ni Bianca. “Naniniwala ako na hindi maghahari ang kasamaan. Palaging sinasabi sa akin ni mama na magkakaroon ng hustisya ang lahat. We just need to keep our faith in God.”
Ngumiti si Lizette. “Mukhang napakabuting tao ng mga magulang mo. Yes, it will take time pero matatapos din ang lahat ng ito. Kailangan lang nating maging matatag.”
Ginantihan naman ni Bianca ang ngiti nito. Kahit mukhang seryoso sa buhay si Lizette, mukha namang madali itong pakisamahan. She seemed to be a positive person as well.
Sinulyapan niya si Paul at nakitang nakatingin din ito kay Lizette. Mabilis na iniyuko ni Bianca ang ulo. Bakit siya nakakaramdam ng mumunting kirot sa puso sa kaisipang baka attracted si Paul sa babaeng ito? Walang masama doon dahil maganda naman si Lizette at bagay ang mga ito.
“I heard your team is investigating another case,” ani Lizette. “Dumadaan ako sa SCIU minsan at nabanggit ni Chairman Gonzalvo na may ipinahawak nga sa inyong bagong kaso.”
Tumango si Paul. “We’re also working on it. The killer is also a cunning one. Parang si Destroyer din.”
“Another serial killer?” tanong ni Lizette, tumango-tango. “Marami na rin akong mga nakaharap na serial killers noong nagtatrabaho ako sa States. They were not just cunning but very dangerous. At alam kong ganoon din si Destroyer. Base sa paraan ng pagpatay niya, he likes torturing his victims. Maliban na nga lang sa mga magulang mo.” Tumingin sa kanya ang babae. “They were stabbed, right? Kaya malamang ay patay na sila nang pagputol-putulin ang—”
“Lizette,” pagpapatigil ni Paul sa babae.
Hinawakan ni Bianca ang braso ni Paul. “I’m fine, Paul.” Sinubukan niyang ngumiti. “Para makatulong ako sa imbestigasyon niyo, kailangan kong tanggapin ang lahat, maging matatag. I’m not a child anymore.”
Humugot ng malalim na hininga si Paul pero hindi na naman nagsalita. Sabay-sabay silang napatingin sa labas nang mapansin na sobrang lakas ng ulan.
“There’s a storm,” wika ni Lizette. “Nakita niyo ba sa balita?”
Walang sumagot sa kanila ni Paul. Hindi alam ni Bianca ang tungkol doon. Kani-kanina lang ay maayos naman ang panahon.
Inayos ni Lizette ang mga folders na naroroon bago itinulak palapit sa kanila. “Copy niyo na 'to. Tatawag na lang ako kung may bago akong natuklasan.”
“Salamat, Lizette,” sabi ni Paul. “Sa mga naitulong mo sa amin.”
“It’s nothing,” nakangiting sagot ng babae. “Para kay Sir Tony ang lahat ng ito.”
Tatayo na sana ang babae nang magsalita si Paul. “May sasakyan ka ba pauwi? Gusto mong ihatid ka muna namin?”
Umiling si Lizette. “Malapit lang naman dito ang hotel na tinutuluyan ko, may payong din akong dala.”
Nagpaalam na ng tuluyan ang babae at naiwan sila doon ni Paul. Inubos muna nila ang natitirang kape sa tasa bago lumabas na rin ng coffee shop. Pero pagkarating nila sa sasakyan ni Paul ay hindi ito mag-start.
Naiinis na napabuntong-hininga ang lalaki. “May gasolina pa naman. I’ll check the engine.”
Muling lumabas ng sasakyan si Paul para tingnan ang sira ng sasakyan. Pero inabot na sila ng kalahating oras ay hindi pa rin iyon napapaandar.
Lumabas na rin ng sasakyan si Bianca. “Ipatingin na lang natin sa mechanic kapag tumila na ang ulan.” Medyo lumalakas na rin ang hangin doon at nilalamig na siya.
Tumingin sa kanya si Paul. “Hindi tayo makakapag-commute ng ganitong panahon. Pasensiya ka na, Bianca. Hindi ko naman inaasahan na—”
“It’s okay, Paul,” natatawang sabi ni Bianca, niyakap ang sarili dahil sa lamig. T-shirt lang din kasi ang suot niya. “Hindi rin naman natin puwedeng iwan ang sasakyan mo dito.”
Lumapit sa kanya si Paul, hinawakan ang magkabila niyang braso para marahang kiskisin iyon. “Nilalamig ka ba?” nag-aalalang tanong nito.
Hindi napaghandaan ni Bianca ang pagdaloy ng kakaibang klase ng kuryente sa kanyang katawan dahil sa haplos nito. She shivered, not because of the cold now.
“Itatanong ko kung saan ang hotel na malapit dito. Sinabi ni Lizette kanina na may tinutuluyan siyang hotel na malapit lang. Bibili na rin ako ng payong sa convenience store. Hintayin mo ako dito, okay?”
Tumango si Bianca at hinayaan na lang ang lalaki lumakad palayo. Sumandal lang siya sa sasakyan. Hotel? Tutuloy sila sa isang hotel ni Paul? Silang dalawa lang? Hindi niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso.
Pinagalitan ni Bianca ang sarili. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganito para sa lalaki? Simula pa nang magpunta sila sa Cebu ay lalo 'atang nadagdagan ang kakaibang damdamin na sumisibol sa kanyang puso para kay Paul. Hindi na ito tama.
Hindi naman nagtagal ay nakita na ni Bianca ang pagbalik ni Paul, may dala na ngang isang payong.
“A-ayos lang ba sa'yo na mag-stay muna sa isang hotel habang bumabagyo pa?” nag-aalangang tanong ni Paul. “Pwede namang dalawang hotel room ang bayaran ko kung ayaw mo akong... makasama.”
Dalawang hotel room? Hindi gusto ni Bianca na magastusan pa ang lalaki gayong pwede naman silang magsama sa isang kuwarto. At isa pa, hindi niya rin gustong mag-isa. That was the thing she hated the most – being alone, especially in this storm.
“O-okay lang kahit... kahit magkasama tayo,” nauutal na sabi niya, nakayuko.
Hindi makita ni Bianca ang mukha ni Paul pero narinig naman ang pagtikhim nito.
“Let’s go then,” wika ng lalaki, inabot ang isa niyang kamay, hinawakan ng mahigpit.
Nakasunod lang naman si Bianca dito. Hindi niya alam kung ano ang itatawag sa emosyong bumabalot sa buong pagkatao ngayon.
Walang imik pa rin si Bianca hanggang sa makapasok sila sa loob ng hotel room na pansamantalang tutuluyan habang may bagyo pa.
“Take a shower first,” wika ni Paul. “Patuyuin mo muna ang mga damit mo, may bathrobe naman dito.”
Nakaramdam ng hiya si Bianca. Bathrobe lang ang isusuot niya kasama ang lalaki? Pero wala siyang magagawa. Siya ang nagsabing magsama na lang sila sa isang kuwarto. At kailangan niya ring tanggalin ang medyo nabasang damit para hindi magkasakit.
“Tatawagan ko sina Jemimah para ipaalam na hindi muna tayo makakuwi agad,” dugtong ni Paul. “Tatawag na rin ako ng mechanic para matingnan ang sasakyan kapag medyo ayos na ang panahon.”
Tumango lang si Bianca bago pumasok sa loob ng banyo. It took her almost an hour showering. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapapag-isa siya sa isang kuwarto kasama ang isang lalaki. No, nakatulog na pala siya minsan sa kuwarto ni Paul noong bata pa siya. Ito ang kalaro niya. Ito rin ang nagpapatulog sa kanya. But this was different. They were grown up now.
Pagkatapos mag-shower ay isinuot ni Bianca ang isang bathrobe. She felt uncomfortable dahil walang ibang suot maliban doon. Lalabas ba siya ng banyo o hihintayin na matuyo kahit ang underwear man lang?
Marahas niyang ini-iling ang ulo. Siguradong gagamit din ng banyo si Paul. Bakit ba napakarami niyang iniisip? Paul wouldn’t look at her as a grown woman. Para dito ay isa lang siyang nakababatang kapatid na kailangan nitong protektahan.
Humugot ng malalim na hininga si Bianca bago lumabas ng banyo. Nagulat siya nang makitang wala ng T-shirt si Paul at isinasampay iyon sa sandalan ng isang upuan.
Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa lalaki nang bumaling ito sa kanya. Pero ang isipan niya ay nagulo dahil sa matipunong pangangatawan nito. Kahit saglit lang ay nakita niya iyon. Hindi maintindihan ni Bianca kung bakit nakakaramdam siya ng pag-iinit gayong malamig naman ang buong kuwarto.
“I’m sorry,” narinig niyang sambit ng lalaki. “Patutuyuin ko lang ang t-shirt ko sandali.”
Tumango si Bianca, nakayukong naglakad patungo sa kama para maupo doon. Napansin niya na nakabukas na rin ang flat-screen TV sa news channel.
“N-natawagan mo na sina kuya?” tanong niya.
“Si Jemimah ang tinawagan ko, sinabi niya na bumyahe tayo kapag maayos na ang panahon.” Sandaling huminto si Paul. “M-magpahinga ka na muna. Dito na lang ako sa couch. Kung nagugutom ka, sabihin mo lang sa'kin.”
Tiningnan ni Bianca ang lalaki na naupo sa isang maliit na couch. “A-ayos lang kung... kung dito ka na rin sa kama. M-malaki naman 'to.” Hindi niya gustong manakit ang katawan nito paggising.
Tumingin sa kanya si Paul, nagsalubong ang kanilang mga mata. Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha ng binata pero tumayo rin ito, lumakad palapit sa kama.
Mabilis na iniiwas ni Bianca ang tingin at basta na lang humiga sa kama, patalikod dito. Sana ay hindi nito nakita ang pamumula ng kanyang mukha.
Lumakas ang kabog ng puso ni Bianca nang maramdaman ang pagsampa ni Paul sa kama. “Your bathrobe,” narinig niyang bulong nito.
Kumunot ang noo ni Bianca. Bumaba ang tingin niya sa bathrobe na suot, noon lang napansin na bahagyang nakataas pala ang bathrobe niya, revealing her left thigh.
Bago pa makagalaw si Bianca, naabot na ni Paul ang laylayan ng bathrobe niya para maibaba iyon. Ngumiti ang binata. “Be careful. Sinabi mo nga hindi ka na bata. Lalaki pa ang kasama mo.” Inabot nito ang kumot para itakip sa katawan niya.
Pinamulahan ng mukha si Bianca, hinila ang kumot hanggang sa may bibig. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na kabog ng kanyang puso hanggang sa makahiga sa kama si Paul. Wala itong damit pang-itaas. Wala ring kumot.
Pasimpleng umisod si Bianca palapit sa lalaki para hatian ito ng kumot na nasa kanya. Nagsalubong ang mga tingin nila ni Paul. Huli na para umiwas. Muling ngumiti ang binata at higit na nagrambulan ang pagtibok ng kanyang puso.
Tumagilid ng higa si Paul para mapaharap sa kanya, lumamlam ang itim na mga mata nito. “You’ve really grown so much,” mahinang wika nito. “Dati tuwing bumibisita kayo sa bahay namin at pinapatulog na kita, umiiyak ka pa dahil gusto mong maglaro.”
Bianca looked down. “Akala ko... nakalimutan mo na ako. K-kahit... kahit bata pa ako noon, naalala pa rin kita. Madalas wala si kuya noon dahil sa mga misyon niya. You acted like a brother to me.”
“I’ve changed, Bianca,” malungkot na sabi ni Paul. “Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang magbago. Itinatanong ko rin sa sarili ko 'yon noon.”
Ibinalik ni Bianca ang tingin kay Paul at nakita ang kalungkutan sa mukha nito.
“Ngayon alam ko na ang sagot doon,” pagpapatuloy ni Paul. “I never really had a good relationship with my father. Simula pa noon ay hindi ko siya nakakausap nang hindi tungkol sa trabaho o sa ibang importanteng mga bagay. Para sa akin, parang mas gusto pa niyang maging anak si Ethan. Hinayaan ko lang 'yon noon dahil sobra-sobra naman ang pagmamahal na natanggap ko kay mama.” Pinakatitigan siya ng lalaki. “And you also. Masaya ako noon tuwing nasa bahay ka dahil may ibang pumapansin sa akin.”
Mahabang sandaling nakatitig lamang sila sa isa’t isa. Oo, matagal nang kilala ni Bianca si Paul pero napakabata niya pa noon para alamin ang lahat-lahat dito, ang nasa loob ng puso nito. She wanted to do that now. She wanted to listen to him, understand him.
“But then you were gone,” dugtong ni Paul, may lungkot sa boses. “Nandoon ako sa libing niyo pero wala doon si Ethan. Nadagdagan ang galit ko sa kanya. Siya ang kapatid mo pero hindi ka niya na-protektahan. He was in the army pero hinayaan niyang mawala ka. Iyon ang mga nasa isip ko noon pero hindi ko nasabi sa kanya. Hanggang sa mabaon lahat sa limot. Hanggang sa piliin kong panaigin ang galit at inggit ko sa kanya, lalo na nang mas pagtuunan siya ng pansin ni papa pagkatapos niyong mawala.”
Awtomatikong tumaas ang isang kamay ni Bianca para haplusin ang mukha ni Paul. Nangilid ang luha sa mga mata niya. Gusto niyang magsalita pero hindi naman alam kung ano ang sasabihin.
“Alam ko na walang kasalanan si Ethan,” pagpapatuloy ng binata. “Si Destroyer ang dahilan kung bakit kayo nawala. Hindi ko lang napigilan na ibunton ang lahat sa kapatid mo. All of because of envy. Ilang buwan din matapos mong mawala, iniwan naman kami ni mama. Umalis siya, nagpunta sa lugar na hindi namin alam. No one was left. Hindi ako nakakaramdam ng kasiyahan. Inggit lang. Lalo na nang muling makahanap ng kasiyahan si Ethan sa piling ni Jemimah.”
Ngayon lang nalaman ni Bianca ang lahat ng ito. “Y-you love Jemimah. Sobrang sakit siguro sa'yo ng lahat ng ito.” Hindi niya alam kung paano mababawasan ang sakit na dinadala ni Paul. Hindi siya si Jemimah.
“I don’t—”
Hindi na naituloy ni Paul ang sinasabi nang higit siyang lumapit dito para yumakap. This was all Bianca could do to comfort him. “I’m sorry,” naiiyak na wika niya.
Naramdaman ni Bianca ang paghugot ni Paul ng malalim na hininga. “Thank you,” mahinang bulong nito. “For listening.”
Tumingala siya sa binata. Dahil doon ay ilang dangkal na lang ang agwat ng mga mukha nila sa isa’t isa. Saka lang din napansin ni Bianca na nakalapat na ang isang kamay niya sa matipunong dibdib ni Paul, nararamdaman ang pagtibok ng puso nito.
Hindi alam ni Bianca kung ano ang gagawin. Hindi niya maigalaw ang katawan para lumayo sa binata. She felt nervous as hell. She was going crazy because of all the impure thoughts inside her mind – of him and her.
Nakita niya ang ilang beses na paglunok ni Paul bago siya niyakap ng mahigpit. Ginantihan na lang din ni Bianca ang pagyakap nito. Her face buried in his warm neck. He smelled good – wild and spicy. Wala na siyang pakialam kahit nakadikit ang mga dibdib niya sa katawan nito.
She wanted Paul. Iyon ang katotohanan sa puso niya na patuloy pa ring dine-deny ng isipan. She wanted him so badly she could barely breathe. She wanted him to be her man.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon