Ethan Maxwell
NAPATIGIL si Ethan sa pagtitimpla ng kape nang makita ang isang album na nakapatong sa mesa. Binuksan niya iyon at nakita ang mga larawan ni Paul Morales kasama ang ina nitong si Claudine Morales. Those were photos of them in different places. Siguro ay nakalimutan ni Paul ang album na ito dito.
Sandaling iniwan ni Ethan ang pagtitimpla ng kape para hanapin ang lalaki. Kahit nakakaramdam pa rin ng inis kay Paul, tinanggap niya na rin na ito ang gusto ng kapatid niyang si Bianca. Wala na naman siyang magagawa. Dapat lang siguruhin ng lalaking iyon na aakuin lahat ng responsibilidad sa kapatid.
Nakita ni Ethan si Paul sa labas, naglilinis ng sasakyan nito. Nilapitan niya ang lalaki. “Naiwan mo 'to sa kusina,” aniya. “Mukhang importante.”
Pinunasan muna ni Paul ang mga kamay bago kinuha ang album. “Salamat. Hiniram kasi kanina ni Bianca, nakalimutan sigurong ibalik sa akin.” Ngumiti ito.
Tama nga ang sinabi ni Jemimah, na nagbago na si Paul. Nakikita ni Ethan ang kasiyahan sa mga mata ng lalaki tuwing mababanggit ang pangalan ni Bianca. Naiintindihan niya ito. Ganoon din ang nararamdaman niya para kay Jemimah. Napakahirap itago o pigilan ng sariling emosyon kapag tungkol sa babaeng minamahal.
“Nasaan na nga pala si Tita Claudine?” tanong ni Ethan. “Nabanggit lang sa akin noon ni Antonio na umalis siya isang araw at hindi na bumalik.”
Bumahid ang kalungkutan sa mga mata ni Paul. Tinitigan muna nito ang album na hawak bago sumagot. “Hindi ko pa rin alam kung nasaan siya. She just... left. Hindi ko alam kung bakit. Minsan ko nang naitanong kay papa kung ano'ng nangyari para umalis nang walang paalam si mama pero wala siyang isinagot. Hindi ko alam kung nag-aaway ba sila, kung may problema ba sila. Hindi ko alam.”
“Is that yours?” tanong ni Ethan, tinutukoy ang album.
“The pictures?” Umiling si Paul. “Hindi. Mahilig si Mama kumuha ng mga pictures sa lahat ng lugar na napuntahan namin noon. Buong pamilya kami kapag nagtatravel. Marami kaming napuntahan pero ilan lang ang nakalagay dito. Ipinadala daw ito ni Mama, sabi ni Ate Vyen. But there’s no return address.”
“Bagong padala lang?” Nakakunot-noong tanong ni Ethan.
Tumango si Paul. “Maybe she misses me.” Ngumiti ito. “I miss her too. Wala akong pakialam kung may bago na siyang pamilya. Sana lang magpakita na uli siya sa amin.”
Hindi alam ni Ethan na ganoon pala ang nangyari sa pamilya ni Paul. “Siguro gusto niya lang ding ipaalam sa inyo na buhay pa siya at iniisip kayo.”
Natigil sila sa pag-uusap nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Jemimah. Lumapit si Ethan sa asawa.
“They found something sa mga gamit ni Lauren Jacinto,” imporma ni Jemimah. “May nakita rin si Joshua na gustong ipaalam sa'yo.”
Tumango si Ethan. Pumasok na sila sa loob ng bahay sa Cavite patungo sa mesa kung saan naroroon ang ibang kasamahan sa team. Nakakalat sa sahig ang mga gamit na nakuha nila noon sa bahay ni Lauren Jacinto, napakaraming larawan din ang nasa ibabaw ng mesa.
Lumapit si Douglas sa kanila at ipinakita ang isang larawan. “Nakita ko ito sa mga gamit ni Jacinto. It seems to be an old photo.”
Tiningnan niya ang isang old photograph. May isang babae at lalaki doon na magka-akbay. Mukhang nasa kolehiyo pa ang mga ito.
“Ipinahanap ko kay Theia sa database kung sino ang mga taong nasa larawang iyan,” pagpapatuloy ni Douglas. “The woman was Floresca Ordillas. And the man was Jake Ordillas.”
Kumunot ang noo ni Ethan. “Jake Ordillas,” banggit niya. “Isa sa mga biktima ng Destroyer Case.”
Tumingin sa kanya si Jemimah. “Sa tingin mo ba ito ang tunay na mga magulang ni Lauren? Masasagot nito ang tanong kung bakit interesado siya sa kaso. And she’s adopted to the Jacinto family, right? Nabura lang ang mga naunang records niya bago ang adoption.”
“What if she’s also one of the puppets?” narinig nilang tanong ni Mitchel.
Gulat na napatingin si Jemimah sa lalaki. Naningkit naman ang mga mata ni Ethan.
“Kung masama ang dinanas ni Lauren noon, posible nga,” sabi niya. “Mabibigyan ng kasagutan din ang tanong kung paano niya nalaman ang tungkol kay Jayden. Pero bakit gusto niyang iligtas si Jayden?”
Tumayo si Mitchel, nagpalakad-lakad. Mayamaya ay naiinis na nitong ginulo ang sariling buhok. “Lauren doesn’t seem to be a sociopath in all her photos.” Nakatingin ito sa mga pictures ni Lauren doon kung saan kasama ang adoptive family. “She’s the same back then and now. Friendly. Pero sigurado akong may itinatago rin siya sa mga ngiti niya. But I cannot see any hatred or anger in her eyes in all these photos.”
“Buhay pa siya,” sabi ni Ethan. “Hindi pa siya pinapatay ni Jayden. She’s still a hostage for him, I think. Malalaman natin ang sagot diyan kapag nakita siya.” Tumingin siya kay Joshua. “Mayroon ka rin daw ipapakita.”
Tumayo si Joshua bago ipinatong sa mesa ang laptop na kanina pa nitong hawak. “Pinag-aralan ko ang video ni Jordan na nakita natin noon,” pagsisimula nito. “Mayroong tumawag sa kanya sa dulo ng clip, 'di ba? Pinaayos ko kanina ang resolution kay Theia ang screenshot na ito kung saan makikita ang screen ng phone. I just got curious kung sino ang tumawag sa kanya na importante.”
Pinakatitigan ni Ethan ang enhanced copy ng screenshot. Claudine. Iyon ang nakasulat na pangalan ng caller sa screen ng cell phone ng ama. Napatuwid siya ng tayo. Isa lang ang kilala niyang Claudine na malapit sa ama noon. Si Claudine Morales. Ang ina ni Paul na kanina lang ay pinag-uusapan nila.
Tiningnan ni Ethan si Paul na nakatayo lang sa isang tabi. “It’s your mom’s name, Paul.”
Nagulat si Paul. Ganoon din ang naging reaksiyon ng ibang kasamahan. Napahawak sa ulo si Ethan. Hindi nila alam kung importante nga ba ang tawag na 'yon o casual call lamang. Pero hindi maintindihan ni Ethan kung bakit tatawag si Claudine Morales sa kanyang ama. His and Paul’s parents were close. Pero madalas na ang kanyang ina ang katawagan ni Claudine.
Nagpatuloy sa paghahanap ng posible pang lead ang buong team nila sa mga gamit ni Lauren. Si Ethan naman ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Bakit biglang nawala si Claudine Morales? Isa pa iyon sa hindi niya maintindihan.
Mabilis na hinanap ni Ethan sa mesa ang case reports ng Destroyer Case, binuklat-buklat iyon. Something was bothering him. Sigurado siya na may koneksiyon si Claudine Morales sa imbestigasyon ng kanyang ama.
Tiningnan ni Ethan ang mga highlighted na lugar sa bawat reports – ang mga lugar kung saan may naging biktima si Destroyer. Lumapit siya kay Paul, inagaw dito ang hawak-hawak na photo album. Lahat ng mga larawan na nasa album ay tumama sa mga lugar kung saan nagkaroon ng biktima ang Destroyer Case. Lahat ng mga lugar na pinuntahan ng pamilya ni Paul, mayroong biktima din si Destroyer doon.
Inilabas ni Ethan sa album ang kahuli-hulihang larawan. Picture iyon ni Claudine at Paul sa bahay nila sa Laguna. Bata pa si Paul noon. Bakit iyon ang nasa huling larawan? Dahil ba ang kanyang mga magulang ang huling nagng biktima ni Destroyer bago mawala si Claudine Morales? What was this album for?
“Kailan umalis ang mama mo, Paul?” tanong ni Ethan.
“Hindi ko maalala ang exact date. But it was a few weeks after your parents died,” sagot ng lalaki.
Kumuyom ang mga kamay ni Ethan. Ano ang koneksiyon ni Claudine Morales kay Destroyer? Bakit ito biglang nagtago?
Isinara ni Ethan ang album pero napansin ang tila natuklap na cover sa likod niyon. Hinaplos niya ang likod ng album, nagtaka nang tila may umbok iyon. Hindi na nag-isip si Ethan at sinira ang cover ng naturang album. Nagpatakan sa sahig ang tatlong pictures.
Si Jemimah na ang pumulot niyon at inilapag sa mesa. Those were old photos. Ang una ay picture ni Claudine at Antonio Morales noong ikasal ang mga ito. Sa pangalawang picture ay kasama naman ng mga ito ang kanyang amang si Jordan at inang si Candice. Siguro ay nasa thirties palang ang mga ito. Ang pangatlo ay picture ni Antonio at Jordan. Naka-akbay si Jordan kay Antonio. Malawak ang pagkakangiti ng kanyang ama. Si Antonio naman ay seryoso lamang.
Pero ang ikinagulat nila ay nang ibaligtad ang mga larawan. Sa bawat larawan ay may nakasulat na mga salita at kapag nabuo ay lumabas ang isang mensahe: HE IS DESTROYER.
Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Bumaling si Ethan sa asawang si Jemimah na nakayuko lamang. Nagtaka pa siya nang kumunot ang noo nito bago humakbang papunta sa gilid ng mesa kung saan may mga nakakalat na gamit ni Lauren Jacinto.
Pinulot ni Jemimah ang isang papel doon. Nilapitan niya ang asawa at tiningnan ang tinitingnan nito. Sketch iyon ng dalawang kamay na may sugat sa gitnang parte. Sa ilalim ay may nakasulat: These hands. Sinabi niya na sumama ako sa kanya. Sinabi niya na ililigtas niya ako. Sinabi niya na lilinisin niya ang mundo. I just remember these hands. – Lauren Jacinto.
“Lauren knew Destroyer,” mayamaya ay sabi ni Jemimah. Tumingin sa kanya ang asawa. “May ganitong sugat si Antonio. Nakita ko iyon noong minsang bisitahin niya ako sa penthouse natin, noong akala ko ay patay ka na.”
Inilipat nila ang tingin kay Paul na nasa mukha ang kaguluhan. Nakatingin na rin ito sa sketch na hawak ni Jemimah.
“May ganito bang sugat ang ama mo, Paul?” pangungumpirma ni Ethan. Napansin ni Ethan na madalas may suot na gloves o benda si Antonio Morales simula pa noon. Noong minsang itanong niya ay sinabi lang na nakasanayan na noong nasa army pa ito. Kung may mas nakakakilala dito kay Antonio Morales, si Paul lamang iyon.
Kumuyom ang mga kamao ni Paul. “Meron. Pero sinabi niya sa amin noon na nakuha niya iyon sa army.” Ini-iling nito ang ulo. “Hindi ko maintindihan ang lahat ng ito. W-why—” Hindi makapaniwalang napatingin si Paul sa mensahe na mula sa mismong ina nito. “S-si Papa ang—” Hindi na naituloy ng lalaki ang sinasabi at lumakad palayo.
Maging si Ethan ay hindi mapaniwalaan ang lahat. This was too sudden. Antonio Morales was the Destroyer. Kinuha ni Ethan kay Jemimah ang sketch na ginawa ni Lauren Jacinto. Alam ni Lauren na posibleng mapahamak ito balang-araw kaya nag-iwan ng mga ganitong lead.
Lahat sila ay napatingin kay Mitchel nang marinig ang mahinang pagtawa nito, hawak na ng lalaki ang mga pictures ni Antonio Morales noong medyo bata pa.
“I knew there’s something in him,” wika ni Mitchel, napalitan na ng kaseryusohan ang ekspresyon nito. “Napansin kong may kakaiba kay Antonio noong makasalubong natin siya no'ng araw na bumalik si Jemimah sa SCIU sa utos ni Chief Babor. Unti-unting nasisira ang maskara niya simula nang fake death ni Ethan, simula nang masira ang team na binuo niya.”
Inilapag ni Mitchel ang mga larawan sa mesa. “Ngayon ko lang nakita ang mga larawan niyang ito. You can see a lot of things in photos. This is his past. Magaling na siya ngayong mameke ng emosyon. But I can still see what kind of person he is in these photos. Antonio Morales is a psychopath who’s used on wearing a mask.”
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mystery / ThrillerA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...