Chapter 51

1.4K 63 1
                                    

Jayden Sullivan
MASAYANG sumalubong si Jayden sa amang si RJ Sullivan nang pumasok ito sa bahay nila sa Mindoro. Umuwi na ito mula sa abroad kung saan nagtrabaho. “Papa!” Mahigit isang taon din mula nang huli silang magkita.
Sinubukan siyang kargahin ng ama pero hindi nagawa. “Ang laki na ng anak ko,” tumawa si RJ. “Namiss mo ba ako?”
Sunod-sunod ang pagtango ni Jayden, nakayakap pa rin sa ama. Ito ang pinaka-paborito niyang tao sa mundo. Isa itong nakapabuting ama sa kanya. Ibinibigay nito ang lahat ng gusto niya pero dinidisiplina rin naman kapag nakagagawa siya ng mali. Ito ang inspirasyon ni Jayden. Gusto niyang maging katulad nito – isang ama na ginagawa ang lahat para sa pamilya, kahit na napakahirap ng trabaho nito sa ibang bansa.
Inilipat nila ang tingin sa nakatatandang kapatid niyang si Gilbert nang una nitong lapitan ang mga balikbayan boxes na dala ng ama. “Nandito ba lahat ng pinabili ko, Pa?” tanong nito.
Tiningnan ni Jayden ng masama ang kuya. Hindi man lang nito binati ang ama nila, mas inuna pa ang mga pasalubong. Pero ano pa bang bago? Inilipat niya naman ang tingin sa kanilang inang si Geraldine na lumapit kay RJ, hinalikan ito sa pisngi.
“May pera ka ba, RJ?” tanong ng ina, humihithit pa ng sigarilyo. “Magpapaayos sana ako ng buhok. Naubos na iyong huling pinadala mo.”
Naiinis na napabuntong-hininga si RJ. “Noong isang linggo lang ako nagpadala, naubos na agad?”
“Alam mo na maraming pangangailangan dito.” Umirap pa si Geraldine.
“Sige,” pagsuko na lang ni RJ. “At ilang beses ko bang sasabihin na huwag kang manigarilyo sa harap ng mga bata. Baka magkasakit sila.”
Nagkibit-balikat lang si Geraldine bago lumakad palayo. Tumingala si Jayden sa ama. “Marami akong kuwento, Papa. Tungkol sa school namin.”
Nakangiting tumingin sa kanya si RJ, marahan nitong ginulo ang buhok niya. “Sige. Nag-aaral ka ba ng mabuti?”
Tumango si Jayden. “Ipapakita ko rin ang grade cards ko.” Hinila niya na ang ama patungo sa kuwarto nila ng Kuya Gilbert niya.
Natatawang sumunod lang naman sa kanya si RJ. “Hindi mo ba muna gustong tingnan ang mga pasalubong ko sa'yo?”
Umiling si Jayden. “Mamaya na lang, Papa...”
LUMAPIT si Jayden sa lalaking madalas na sumusundo sa kanya sa eskuwelahan – si Nicolas Macalintal. Sinabi nito na kakilala ang mga magulang niya. Naging mabait ito sa kanya, madalas ay dinadalhan siya ng mga pagkain. Ilang beses na ring nakasama si Jayden sa bahay ni Nicolas dito rin sa kanilang lugar. Nagkukuwento rin siya dito ng mga pangyayari sa kanyang buhay.
“Umuwi na si Papa,” masayang sabi ni Jayden habang naglalakad sila pauwi. “Hindi ba magkaibigan kayo, sabi mo? Nasa bahay lang siya, gusto mo siya makita, Tito Nicolas?”
Napatigil sa paglalakad si Nicolas. “H-hindi na. Hindi niya rin magugustuhan kapag nakita niya ako.”
Kumunot ang noo ni Jayden. “Bakit naman? Mabait si Papa. Sa susunod na linggo, siya na raw ang maghahatid at sundo sa akin sa school. Bibili daw siya ng tricycle.” Malawak siyang ngumiti. “Sana huwag nang bumalik sa abroad si Papa. Gusto ko siyang makasama palagi.”
Tumingin sa kanya si Nicolas. Hindi alam ni Jayden kung bakit napaka-seryoso nito ngayon. Lumuhod ang lalaki sa lupa para magpantay sila.
“Jayden... hindi si RJ ang tunay mong ama,” sabi nito, may galit sa boses. “Hindi siya ang dapat mong tinatawag na papa. Hindi siya ang—”
“Ano bang sinasabi mo, Tito?” Napaatras na si Jayden, umiiling. “Bakit hindi ko magiging ama si Papa?”
“Ako ang tunay mong ama, Jayden! Gusto lang itago nina Geraldine sa'yo, sa mga tao. Pero ako ang ama mo! Sa akin ka dapat nakatira, ako dapat ang nag-aalaga sa'yo. Ako ang dapat na itinuturing mong ama. Inagaw ka ni RJ sa akin!”
Tinangka siyang hawakan ni Nicolas pero mabilis siyang nakalayo. “Hindi! Sinungaling ka!” umiiyak nang sabi ni Jayden. “Sinungaling ka! Hindi ikaw ang papa ko! Hindi kita kilala!”
Tumakbo palayo si Jayden sa lalaki. Hindi siya naniniwala dito! Si RJ lang ang tunay niyang ama. Isa siyang Sullivan!
Pumasok sa loob ng bahay nila si Jayden at nakasalubong ang papalabas na ama. Nagulat si RJ pagkakita sa kanya.
“Jayden, bakit ka umiiyak, anak?” nag-aalalang tanong ni RJ, lumapit sa kanya.
Lumakas ang pag-iyak ni Jayden, niyakap ang ama. “P-papa... s-sabi ni Tito Nicolas, hindi mo ako anak. Sabi niya siya ang papa ko. Hindi 'yon totoo, 'di ba? Ikaw ang papa ko.”
“Nicolas...” usal ni RJ, kumuyom ang mga kamao nito. “Nilalapitan ka pa rin pala niya.”
Tiningala niya ang ama. “H-hindi totoo 'yon, 'di ba, Papa? Anak niyo ako. Anak niyo ako ni mama. M-magkapatid kami ni kuya.”
Lumuhod sa harapan niya si RJ, may kalungkutan na sa mukha. Ipinatong nito ang isang kamay sa ulo niya. “Maupo muna tayo, Jayden. May sasabihin si papa sa'yo.”
Hinawakan ng ama ang kanyang kamay at hinila siya patungo sa sofa na malapit. Tahimik ang buong bahay. Wala na naman siguro doon ang mama niya at kuya.
Tumikhim muna si RJ bago muling nagsalita. “Jayden... huwag ka sanang magalit kina papa, hmm? Pero dapat lang na malaman mo ang totoo habang maaga pa.” Sandali siya nitong pinakatitigan. “Anak ka ng mama mo. Pero totoo ang sinabi ni Nicolas na siya ang papa mo. Hindi ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kung paano nangyari.”
Napaiyak na naman si Jayden. “Hindi ikaw ang papa ko?” Napakahirap para sa batang isipan niya na tanggapin hindi siya anak ng taong itinuturing niyang ama.
“Sa dugo, oo.” Humugot ng malalim na hininga. “Pero, Jayden, simula nang ipanganak ka ng mama mo ay tunay na anak na ang itinuring ko sa'yo. Mahal kita katulad ng pagmamahal ko kay Gilbert. Ni minsan ay hindi ko inisip na anak ka ng iba. Tinanggap kita na parang isang tunay na anak. Hindi 'yon magbabago. Ako pa rin ang tatayong ama mo kahit na ano'ng mangyari. Kaya huwag ka nang umiyak, hmm?” Kinurot nito ang pisngi niya. “Ikaw pa rin ang pinakamabait na anak ni papa.”
Pinunasan ni Jayden ang mga luha, tumango-tango. “Magiging mabait ako, papa. Magiging katulad niyo ako kapag lumaki ako. Gagawin ko ang lahat para maging mabuting ama sa mga anak ko. Magtatrabaho ako ng mabuti para sa kanila.”
Tumawa si RJ. “Napakaaga pa para magka-apo ako sa'yo, anak.” Marahan nitong ginulo ang buhok niya. “Naniniwala ako na magiging mabuting tao ka, Jayden.”
Ngumiti na si Jayden. “Ikaw lang ang papa ko. Hindi na ako makikipagkita kay Tito Nicolas.”
Inabot lang siya ng ama para yakapin ng mahigpit. Walang makakapagpabago ng relasyon nila ng kanyang itinuring na ama. At gagawin ni Jayden ang lahat para maging isang mabuting anak dito...
KAUUWI lang ni Jayden sa bahay nila nang hapong iyon at nakitang nakaupo sa sofa ang Kuya Gilbert niya habang hawak ang sariling cell phone, umiinom pa ng beer. “Kuya, si Papa?” tanong niya. Nasa elementarya pa lang siya habang ang Kuya Gilbert niya ay nasa kolehiyo na. Pero madalang niya lang itong nakikitang pumapasok sa school.
“Hindi ko alam,” naiinis na sabi ni Gilbert. “Nandiyan lang sila sa loob ni mama.”
Lumakad si Jayden patungo sa kuwarto ng mga magulang, bahagyang nakaawang ang pinto kaya narinig niya ang pagtatalo ng mga ito sa loob.
“Hanggang kailan mo pa ba ako pagtataksilan, Geraldine?!” bulyaw ni RJ. “Akala mo ba hindi ko alam na iba’t ibang lalaki ang kasama mo tuwing lumalabas ka? Pinag-uusapan ka ng mga tao dito! Hindi ka ba nahihiya?! Kahit para sa mga anak mo lang?!”
“Ano ba ang gusto mong gawin ko, RJ?” tanong ni Geraldine. “Hindi mo na naibibigay ang mga gusto ko. Paubos na rin ang ipon natin dahil mas pinili mong maging tricycle driver kaysa bumalik sa Dubai. Magkano lang ba ang kinikita mo sa pagta-tricycle na 'yan?!”
“Nauubos ang mga ipon natin dahil sa mga luho mo!” sigaw ni RJ. “At ano ang mga ito?! Gumagamit ka na rin ng ganito ngayon? Wala ka na ba talagang utak?! Pati si Gilbert ay gumagaya na sa'yo!”
“Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko, RJ! Kumikita ako ng malaki dito!”
“Kapag hindi ka tumigil, pagsisisihan mo ang lahat,” mariing sabi ni RJ. “Alam mo na ilegal 'yan. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Geraldine. Kung hindi aalis ako at si Jayden lang ang isasama ko. Ipakukulong pa kita!”
Narinig ni Jayden ang mga yabag palapit sa pinto kaya mabilis siyang tumakbo papalayo, pumasok sa kuwarto nila ni Gilbert. Marumi na naman ang buong kuwarto dahil sa mga bote ng alak at upos ng sigarilyo ng kapatid.
Umupo si Jayden sa maliit na kama niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-aawayan ng mga magulang. Nitong nakaraang mga linggo ay palagi nang nag-aaway ang kanyang papa at mama. Sana magka-ayos na ang mga ito. Masaya siya na hindi na bumalik ang kanyang ama sa ibang bansa. Dito na lang ito nagtrabaho para daw makasama siya. Sana matanggap din iyon ng kanyang ina, maging ng kuya niya. Gusto ni Jayden ng masayang pamilya...
NAIBAGSAK ni Jayden ang school bag na dala nang makita ang mga taong nakapalibot sa kanilang bahay, may police car at ambulansya rin doon. Mabilis siyang tumakbo, nakipagsiksikan para makapasok sa loob ng bahay. Pero parang napunit ang puso niya nang makita ang umiiyak na inang si Geraldine sa sala, kausap ang isang pulis.
“Mama... a-ano'ng nangyari?” tanong niya. “Nasaan si papa?”
Tumingin sa kanya si Geraldine, marahang hinaplos ang kanyang pisngi. “W-wala na...” pumiyok ito. “W-wala na siya, Jayden.”
Umiling si Jayden. Lumayo siya sa ina para hanapin ang ama. Napatigil siya nang makita ang isang stretcher kung saan naroroon ang katawan ng kanyang ama. Bubuhatin na sana iyon ng dalawang pulis pero mabilis siyang nakalapit.
Niyakap niya ang katawan ni RJ, malamig na iyon. “P-papa... p-papa...” Umiiyak na tiningnan ni Jayden ang wala nang buhay na mukha ng ama, may bula pa sa bibig nito. Niyugyog niya ang katawan nito na parang magigising kapag ginawa iyon. “P-papa, gumising ka... papa...”
Nagwala si Jayden nang may isang lalaking humawak sa kanya para ilayo siya sa ama. “B-bitiwan niyo ako! P-papa!” Patuloy lang siya sa pagsigaw, sa pag-iyak habang binubuhat ng mga pulis ang stretcher palayo sa kanila.
Ano'ng nangyari? Hindi niya maintindihan. Bakit nagkaganoon ang kanyang ama? Bakit hindi ito gumigising?
Binitawan siya ng lalaking may hawak sa kanya. Nakaluhod na lumapit si Jayden sa inang si Geraldine, umiiyak din ito. “M-mama... s-si papa... s-sabihin niyo kay papa na gumising siya...”
Niyakap siya ng ina. “I’m sorry, Jayden. Wala na ang Papa mo.” Inilayo siya nito, pinakatitigan. “Inatake siya sa puso. Walang tao dito para tumulong sa kanya kanina.”
Ini-iling ni Jayden ang ulo, humagulhol ng iyak. “H-hindi. Hindi totoo 'yan.” Hindi puwedeng mamatay ang kanyang ama. Sinabi nito na hindi siya iiwanan. Bakit nangyayari ito? Hindi dapat siya pumasok sa school ngayon. Hindi niya dapat iniwan ang kanyang ama. Hindi dapat nangyari ito kung naroroon siya para protektahan din ito...
KATATAPOS lang mag-review ni Jayden para sa exams nila nang gabing iyon at naghanap ng makakain sa kusina. Pero walang pagkain doon. Ang nasa loob ng refrigerator ay puro alak. Lumakad siya papunta sa sala kung saan nakaupo sa sofa ang ina niyang si Geraldine, may isang lalaki itong kasama sa pag-iinuman. Naka-akbay ang lalaki sa kanyang ina.
Nalipat ang tingin ni Jayden sa litsong manok na nasa isang plato sa mesita. “M-mama... pwede ba akong humingi ng pagkain? Gutom na po kasi ako.”
Tiningnan siya ni Geraldine na umiinom ng beer. “Pulutan namin ito. Humanap ka ng kahit ano sa kusina. Magluto ka at huwag mo akong abalahin dito. Alis!” Ibinalik nito ang tingin sa lalaking kausap at hindi na siya pinansin.
Hinawakan ni Jayden ang tiyan na sumasakit na. Kanina sa school ay isang biscuit lang ang nabili niya na ibinigay pa ng kaklase. Wala kasing ibinibigay na baon ang kanyang ina.
Bumalik siya sa kusina para uminom na lang ng tubig. Tutulog na lang siya para makalimutan ang gutom na nararamdaman.
Pumasok si Jayden sa loob ng kuwarto nila ni Gilbert at nahiga sa kanyang kama. Ilang minuto pa lang siyang nakakahiga nang bumukas ang pinto at pumasok ang kuya niya na may kasama na namang isang babae. Naghahalikan pa ang mga itong bumagsak sa isa pang kama.
Iniiwas na lang ni Jayden ang tingin, tumalikod para hindi makita ang pagtatalik ng mga ito. Halos gabi-gabi ay may dinadalang iba-ibang babae si Gilbert dito. Napakarami nang natatak sa batang kaisipan niya dahil doon.
“Okay lang ba na may kasama tayo dito?” narinig niyang tanong ng babae.
Tumawa si Gilbert. “Huwag mong pansinin 'yan. Wala 'yang pakialam.”
Ipinikit ni Jayden ang mga mata. Miss na miss niya na ang kanyang ama. Bakit ba siya nito iniwan nang ganoon lang? Mahigit isang taon na itong patay pero hindi pa rin gumagaling ang sugat sa puso ni Jayden. Hindi niya alam na may sakit sa puso ang ama. Sinabi lang iyon sa kanya ng ina noong nasa burol nito.
Kung alam lang ni Jayden ang sakit na iyon ng ama, hindi dapat siya lumayo sa tabi nito. Kung naririto lang siya noong atakihin si RJ, sana naisugod pa ito sa ospital. Dapat naging mas mabuti siyang anak...
MASAYANG umuwi si Jayden sa bahay nila dala ang isang tuta na nakuha niya sa daan. Nakasalubong niya ang ina na mukhang kagigising lamang, nakahawak pa sa ulo.
“Mama, may nakita akong tuta!” masiglang bati ni Jayden. “Puwede ko ba siyang alagaan?”
Tiningnan siya ng masama ng ina. “Isa na namang palamunin. Tangina, Jayden. Wala ka na ngang naitutulong, wala ka pang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko.” Itinulak siya nito paalis sa daanan. “Bahala ka sa buhay mo. Kapareho ka lang ng ama mo.”
Nagyuko ng ulo si Jayden. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito ang ina. Masyado ba itong nasaktan sa pagkamatay ng kanyang ama? Inilipat niya ang tingin sa tutang nakalabas ang dila.
Muling ngumiti si Jayden at dinala ang alaga sa kanyang kuwarto. Mamaya ay gagawan niya ito ng bahay-bahayan sa labas. Siya ang mag-aalaga dito. Hahatian niya ito ng pagkain niya para hindi maging pabigat sa ina. Kung buhay pa ang papa niya, siguradong matutuwa ito. Gusto rin kasi ni RJ ang mga aso.
Pero hindi pa nakaka-isang linggo ay nadatnan na lang ni Jayden na patay ang tuta niya sa likuran ng kanilang bahay. May nakatabi ditong isang bowl ng pagkain, bumubula ang bibig.
Umiiyak niya itong nilapitan, maingat na binuhat at niyakap. “R-Ron...” banggit niya sa pangalang ibinigay sa tuta. “G-gumising ka... h-huwag mo rin akong iwanan...”
Mahabang sandaling nakaupo lamang sa lupa si Jayden, humahagulhol ng iyak. Ang tutang ito na lang ang masayang sumasalubong sa kanya dito sa bahay. Ito ang nagpapangiti sa kanya nitong nakaraang mga araw. Kahit gutom na gutom siya ay ibinibigay sa tuta ang pagkain na para sa kanya.
Sino ang gumawa nito? Sigurado si Jayden na may lumason sa alaga niya. Maingat niyang inilapag ang tuta sa lupa bago pumasok sa loob. Nakita niya ang ina sa sofa na naninigarilyo.
“M-may... lumason kay Ron,” humihikbing sabi niya.
Tiningnan siya ni Geraldine. “Ako ang gumawa noon, Jayden.”
Nanlaki ang mga mata ni Jayden. “B-bakit mo ginawa 'yon, mama? Bakit mo pinatay si Ron?” Hindi niya maintindihan. Paanong nagawa ng kanyang ina na patayin ang isang walang kalaban-labang tuta?
“Gabi-gabi na lang nag-iingay ang alaga mong 'yan,” sabi pa ng ina. “Muntik pa akong kagatin kanina. Ngayon tahimik na siya.”
“Ang sama mo!” Hindi na napigilang sigaw ni Jayden, galit na galit siya. “Hindi mo dapat siya pinatay!”
Tumayo si Geraldine, lumapit sa kanya at sinampal siya ng malakas sa pisngi. “Huwag na huwag mo akong masisigawan, Jayden!” bulyaw nito. “Ako ang ina mo. Ako ang nagpapakain sa'yo ngayon kaya ako ang masusunod sa bahay na ito! Kung ayaw mo, lumayas ka! Si Gilbert na lang dapat ang naging anak ko!”
Nakahawak lang si Jayden sa nasaktang pisngi pero mas masakit ang nararamdaman niya sa puso dahil sa narinig. Alam niya na paborito ng ina ang Kuya Gilbert niya. Pero napakasakit pa rin na marinig mula dito na hindi dapat siya naging anak nito.
Nanlulumong lumakad si Jayden patungo sa likod-bahay para ilibing ang alagang si Ron. Ilang oras na nakaupo lang siya sa lupa, nakatitig doon. Gusto niyang alisin ang sakit na nararamdaman ngayon pero hindi alam kung papaano. Hindi niya gustong magalit sa ina. Baka magbago pa ito. Baka mahalin din siya nito katulad ng pagmamahal sa kuya niya...
ITINAAS ni Jayden ang hawak na medal sa harap ng puntod ng amang si RJ. “Papa, first honorable mention ako sa graduation namin kanina,” masayang sabi niya. “Hindi pumunta doon sina mama kahit sinabi ko kanina pero ang teacher ko naman ang nagsabit ng medal sa akin. Kung buhay ka, ikaw ang magsasabit sa akin, 'di ba?”
Naupo si Jayden sa damuhan at binuksan ang isang bote ng softdrink at isang plastic ng cupcake na ibinigay sa kanila sa school. “Ito na ang handa ko ngayon, Papa. Ayoko nang maging pabigat kay mama para makita niya na mabait ako.”
Pagkatapos kumain ay nilinis muna niya ang puntod ng ama bago naglakad pauwi. Pagkapasok ni Jayden sa loob ay agad niyang hinanap ang ina pero hindi ito makita, maging ang kapatid na si Gilbert.
Lumakad siya patungo sa kuwarto nila ng kapatid nang makarinig ng pag-ungol mula sa kuwarto ng ina. Lumapit siya sa pinto na bahagyang nakaawang.
Sumilip si Jayden sa loob at ganoon na lang ang pagkagulat nang makitang nasa kama ang inang si Geraldine, nasa ibabaw nito ang Kuya Gilbert niya. Nagtatalik ang mga ito!
Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Jayden. Ano ang nangyayari? Bakit iyon ginagawa ng ina at kapatid? Hindi ba mali iyon?
Ikinuyom niya ang mga kamao. Matagal na bang ginagawa ng mga ito ang ganitong kasamaan? Humakbang paatras si Jayden at dumeretso na sa kuwarto nila ng kapatid.
Napahawak na siya sa sariling ulo, sumasakit iyon. Gulong-gulo na si Jayden sa lahat ng nangyayari, sa lahat ng nakikita sa bahay na ito. Hindi niya maintindihan ang lahat. Hindi niya na alam kung ano ba talaga ang tama at mali. Gusto niyang bumalik ang kanyang ama at ipaliwanag ang lahat...
“S-SIGURADO ka ba na gusto mong turuan kita ngayong gabi, Marelle?” nag-aalangang tanong ni Jayden sa kaklaseng si Marelle Felipe. Kasisimula pa lang ng unang taon niya sa high school. Wala siyang kaibigan sa klase nila. Si Marelle ang kauna-unahang lumapit sa kanya para magpaturo sa Mathematics.
Tumango si Marelle. “May long quiz tayo bukas kaya gusto kong matuto. Mahina kasi talaga ako sa Math. Hindi ko rin maintindihan ang tinuturo ng teacher. Palagi kang mataas sa mga quizes kaya gusto kong magpaturo sa'yo.” Ngumiti pa ito.
“Hindi ba magagalit ang mga magulang mo? Baka... hanapin ka nila?” tanong pa ni Jayden pagkapasok nila sa bahay nila.
“Mabilis lang naman tayo, 'di ba? Sasabihin ko sa kanila na nag-group study tayo.” Umupo si Marelle sa sofa, iginala ang paningin sa paligid. “Wala kang kasama dito?”
“Si mama lumuwas ng Maynila kanina,” sagot ni Jayden. “H-hindi ko alam kung nandito si Kuya.” Pagkasabi niyon ay saktong lumabas mula sa kusina ang Kuya Gilbert niya na may hawak pang isang bote ng beer.
Tiningnan siya ni Gilbert. “Himala at may kasama ka ngayon, Jayden. May kaibigan ka pala.” Inilipat nito ang tingin kay Marelle, tumawa. “Mag-aaral kayo?”
Tumango si Jayden. “Sa kuwarto ka na lang muna uminom, Kuya.”
Umismid si Gilbert pero hindi na naman nagsalita. Sinimulan na ni Jayden ang pagtuturo kay Marelle. Medyo mahina nga ito sa pag-intindi kaya natagalan siya. Habang nagsasagot ng mga questions niya si Marelle ay napahawak si Jayden sa sikmura. Nagugutom na siya. Siguradong nagugutom na rin ang kasama.
Tumayo siya. “Bibili lang ako ng pagkain sa tindahan,” sabi niya. “Kahit biscuit lang.”
“Salamat,” ani Marelle bago ibinalik ang tingin sa sinasagutan.
Nakangiting lumabas si Jayden sa bahay bago kinuha ang barya sa bulsa ng pants na suot. Sampung piso lamang iyon pero makakabili na rin ng makakabusog. Kahit para sa kaklase lamang.
Lumakad siya papunta sa tindahan, medyo malayo din iyon. Nakabili naman si Jayden ng dalawang biscuits. Pagkabalik sa bahay ay hindi niya nakita sa sala si Marelle, pero nagtaka siya sa mga papel na nakakalat sa sahig.
Napakamot sa ulo si Jayden, naglakad patungo sa kuwarto nila ni Gilbert. Nakabukas ang pinto niyon kaya kitang-kita niya ang kahayupang ginagawa ng nakatatandang kapatid sa kanyang kaklase. Nasa ibabaw ng kama ang mga ito habang ginagahasa ni Gilbert si Marelle.
Napako sa kinatatayuan si Jayden. Nakabukas ang blouse ni Marelle, nakataas ang suot na palda. Bahagya lang nakababa ang pantalon ni Gilbert habang sapilitang pinaglalabas-masok ang ari sa ari ni Marelle. Ang isang kamay naman ni Gilbert ay nakataklob sa bibig ng dalagita.
Nakita pa ni Jayden nang suntukin ni Gilbert sa sikmura si Marelle dahil sa pagpupumiglas nito. Punong-puno na ng luha ang buong mukha ng dalagita. Ikinuyom niya ang mga kamay at nagtatakbo patungo sa kapatid.
“Hayup ka!” sigaw ni Jayden, pinagpupukpok ang likuran ng kapatid. “Bitawan mo siya!”
Binigwasan siya ng isang malakas na suntok ni Gilbert. Bumagsak sa sahig si Jayden, umiiyak na rin. Lumapit sa kanya ang kuya at pinagsusuntok siya sa katawan, sa mukha. Sinabayan pa ng sipa.
Mas malakas sa kanya ang kapatid, mas malaki ito kaya kahit nagpupumilit lumaban ay natalo pa rin si Jayden. Halos hindi na niya maigalaw ang katawan, nakapikit na rin ang isang mata, nararamdaman ang pagtulo ng dugo doon.
“Huwag kang makikialam sa ginagawa ko, Jayden!” bulyaw ng kapatid. Binalikan nito si Marelle na nagpupumilit bumangon. Sinampiga ni Gilbert sa pisngi ang babae, hinawakan ang dalawang kamay bago ipinagpatuloy ang panggagahasa.
Gustong-gustong tumayo ni Jayden para iligtas ang kaklase pero lalo lamang tumitindi ang pananakit ng katawan. “T-t-tama na...” pagmamakaawa niya sa mahinang tinig. “T-t-tama na... m-maawa k-ka...”
Pero parang walang narinig si Gilbert. Patuloy ito sa walang tigil na pag-ulos habang umuungol. Inilabas ni Gilbert ang ari sa ari ni Marelle bago mabilis na pinagtaas-baba ang isang kamay doon. Lumabas ang puting likido sa ari ng kapatid.
“Ang sarap.” Ngumisi si Gilbert na parang demonyo. Sinuntok nito ang sikmura ni Marelle bago sinabunutan ang buhok nito. “Huwag na huwag kang magsusumbong kahit kanino. Papatayin kita.”
Inilipat ni Gilbert ang tingin sa kanya. “Ikaw din, Jayden. Manahimik ka lang katulad nang palagi mong ginagawa.” Dinuraan pa siya ng kapatid bago nito ibinalik sa ayos ang pantalon. “Magyo-yosi lang ako sa labas. Kayo na ang bahala dito.” Tumawa pa ang kapatid bago lumabas ng kuwarto.
Tiningnan ni Jayden si Marelle na nakatingin din sa kanya, may mga luhang pumapatak sa mukha nito.
“I-i-ini—” Napaubo ang dalagita. “I-ini... w-wan mo... a-ako...”
Nakalaylay lang ang isang kamay ni Marelle sa kama. Pinilit ni Jayden na itaas ang isang kamay para sana abutin ang kamay ng dalagita pero bumagsak lang uli sa sahig ang kamay niya.
Patawarin mo ako... Sobrang sikip ng puso ni Jayden. Galit na galit siya sa kapatid. Pero mas galit sa sarili. Kasalanan niya ito. Napakahina niya kaya hindi nailigtas si Marelle. Duwag siya!..
PAIKA-IKA pa ring naglalakad si Jayden pauwi sa bahay nila dahil hindi pa gumagaling ang mga sugat dulot ng pagbugbog ng kapatid. Dalawang araw na mula nang mangyari ang panggagahasa ni Gilbert sa kaklase niyang si Marelle. Pumapasok din naman ito sa eskuwelahan pero tahimik at nakatulala. Sinusubukan ni Jayden na lapitan ang dalagita para sabihin na magsusumbong siya sa pulis pero lumalayo kaagad ito.
Napatigil si Jayden sa paglalakad nang makita ang mga taong nagkukumpulan sa isang malaking puno. Nagbubulungan pa ang mga ito. Nagtaka pa siya dahil sa naririnig na iyakan.
Lumapit pa doon si Jayden pero agad na napabagsak ng upo sa lupa nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Nakabigti sa isang sanga ng punong iyon si Marelle, nakabukas pa ang mga mata nito. Yakap-yakap ng umiiyak na ama nito ang nakalambiting paa ng dalagita.
Napuno ng takot at sakit ang buong pagkatao ni Jayden. Nagmamadali siyang tumayo, nagtatakbo palayo sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung saan na siya nakarating. Madilim na ang paligid, walang katao-tao.
Paluhod siyang bumagsak sa lupa, hawak-hawak ang nananakit na ulo. Malakas na napasigaw si Jayden, sinabunutan ang sariling buhok. Kasalanan niya kung bakit nagpakamatay si Marelle. Malakas na pinagpupukpok ni Jayden ang sariling ulo.
Hindi niya dapat dinala sa bahay si Marelle noon. Hindi dapat siya pumayag na turuan ito. Lahat ng mga nagpapahalaga sa kanya ay nawawala. Malas siya sa buhay ng mga tao, maging ng mga hayop. Walang dapat na lumapit sa kanya.
Napadapa na si Jayden sa lupa, nakasubsob ang mukha doon. Hindi na siya makaiyak. Pamamanhid lang ng buong katawan ang nararamdaman dahil sa galit, dahil sa sakit...
NAKATAYO lang si Jayden sa harap ng kalan habang hinihintay na kumulo ang nilulutong sabaw. Mahabang sandaling nakatitig lang siya sa kawalan. Ilang araw na pero hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mukha ni Marelle na nakabigti sa puno. Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili sa pagpapakamatay nito.
Nalipat ang tingin ni Jayden sa isang kutsilyo na malapit. Kinuha niya iyon at pinakatitigan ang talim. Pero hindi siya ang gumawa ng kasamaan dito. Hindi siya ang nanakit kay Marelle.
Tahimik na humakbang si Jayden patungo sa kuwarto nila ni Gilbert kung saan himbing pang natutulog ang kapatid dahil sa pagkalasing. Ito ang gumahasa kay Marelle. Ito ang masamang tao na kailangang magbayad.
Itinaas niya ang hawak na kutsilyo. Dapat niyang ipaghiganti ang nangyari sa kaklase. Iyon ang sinasabi ni Marelle sa isipan niya. Patayin mo siya, Jayden... bulong iyon sa utak niya. Patayin mo siya. Ipaghiganti mo ako...
Aalis lang si Marelle sa isipan niya kapag pinatay niya ang nanakit dito. Akmang sasaksakin na ni Jayden ang natutulog na kapatid nang marinig ang malakas na pagtawag ng inang si Geraldine mula sa labas.
“Jayden, ang niluluto mo!” sigaw nito.
Biglang natauhan si Jayden, nahihintakutang umatras. Tiningnan niya ang hawak na kutsilyo. Ano'ng ginagawa niya? Masama ito. Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto para bumalik sa pagluluto.
Nanginginig ang mga kamay na binitawan ni Jayden ang hawak na kutsilyo. Sinabi ni Papa na masama ang pumatay... paulit-ulit niyang sabi sa isipan. Gusto niyang maging mabuting tao. Gusto niyang maging masaya si RJ kahit wala na ito. Gusto niyang panghawakan ang ipinangako sa ama...
NAPATIGIL si Jayden sa paghakbang nang marinig ang boses ng inang si Geraldine na nakikipag-inuman pa rin sa isang lalaki sa sala ng bahay nila. Kukuha sana siya ng tubig nang madaling-araw na iyon. Pasimpleng siyang sumilip sa sala para alamin kung bagong lalaki na naman ang kainuman ng ina.
Kumunot ang noo niya nang makilala ang lalaki. Isa itong police officer. Isa sa mga rumespunde noon sa pagkamatay ng kanyang amang si RJ. Bakit ito nandito?
Tumawa ang pulis. “Gustong-gusto ko talaga tuwing may favor ka, Geraldine. Napakarami kong nakukuha.” Inabot nito ang mga sachet na may puting powder sa mesa. “Naalala ko pa noong hingan mo ako ng pabor tungkol sa pagkamatay ni RJ.”
Nakatigil lamang si Jayden, halos hindi na humihinga. Bakit pinag-uusapan ng mga ito ang pagkamatay ng papa niya?
Tumawa si Geraldine. “Madali lang paniwalain ang mga tao lalo’t pulis na ang nagsabi. Kung hindi nagbanta noon si RJ na ipakukulong ako, hindi ko sana siya lalasunin. Hindi niya alam na may mga pulis na katulad mo.”
Ngumisi ang lalaki. “Malaking pera ang inalok mo para mapeke ang lahat ng impormasyon sa imbestigasyong 'yon. At makakahindi ba ako sa katawan mo?” Hinalikan pa nito sa mga labi si Geraldine.
Sobrang higpit na ng pagkakakuyom ng mga kamao ni Jayden. Nilason? Nilason ng ina niya ang kanyang papa? At kasabwat ang pulis na ito para mapeke ang imbestigasyon? Kapalit ng pera? Ng sex?
Matinding galit ang bumabalot sa pagkatao ni Jayden ng mga sandaling iyon. Gustong-gusto niyang lumabas sa pagkakatago at patayin ang mga ito. Pero hindi siya puwedeng magpadalus-dalos. Posibleng may baril ang pulis na iyon. Hindi siya puwedeng mamatay kaagad.
Nakatulalang humakbang pabalik sa kuwarto si Jayden, naupo sa kama. Kinuha niya mula sa ilalim ng unan ang isang pocket knife. Ngumisi siya habang nakatitig sa patalim.
Walang sakit sa puso ang kanyang ama. Hindi nito piniling iwanan siya sa mundong ito. Pinatay ito. Kinuha sa kanya ng mga taong hindi na dapat nabubuhay.
Hindi na natulog si Jayden hanggang sa sumikat ang araw. Nakaupo lang siya. Inilagay niya sa bulsa ng shorts na suot ang pocket knife bago lumabas ng kuwarto.
Tamang-tama na paalis pa lang ang kanyang inang si Geraldine. Ilang minuto lang na pinalayo ni Jayden ang ina bago ito sinundan. Ginawa niya ang lahat para hindi siya nito makita.
Tumigil sa isang mumurahing inn si Geraldine at may lumapit ditong isang lalaking foreigner. Pumasok ang mga ito sa loob, ganoon din naman ang ginawa ni Jayden.
Mahigit kalahating oras siguro siyang naghintay hindi kalayuan sa labas ng kuwartong pinasukan ng mga ito bago nakita ang paglabas ng foreigner. Nang mawala ito sa paningin ay saka kumatok si Jayden sa pinto ng kuwarto.
Saglit lang naman ay bumukas na ang pinto, sumalubong ang inang nakatapis lang ng tuwalya. Kumunot ang noo ni Geraldine pagkakita sa kanya. “Jayden, ano'ng ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba—”
Hindi na naituloy ni Geraldine ang sinasabi nang isaksak ni Jayden sa parteng tiyan nito ang kanina pang hawak na kutsilyo. Nanlaki ang mga mata ng ina. Tinangka siya nitong itulak palayo pero muling isinaksak ni Jayden ang kutsilyo.
Bumagsak na sa sahig si Geraldine, may lumalabas na dugo sa bibig. Nahubad na rin ang tuwalyang suot nito.
Lumuhod si Jayden sa tabi ng ina, pinakatitigan ang katawan nito. “Ang katawang ito ang dahilan kaya hindi nabigyan ng tamang hustisya ang pagkamatay ni papa,” wika niya. “Pinatay mo siya.”
“J-J-Jayden...” nahihirapang banggit ni Geraldine sa kanyang pangalan, may takot na sa mga mata nito. “H-h-huwag...”
Hindi na gustong marinig ni Jayden ang mga sasabihin nito kaya ilang ulit niya pang pinagsasaksak ang katawan ng ina. Maraming beses. Galit na galit. Patuloy lang sa pagtalsik ang mga dugo sa kanyang mukha.
Tumigil lang si Jayden nang maramdaman ang pagod sa kanang kamay. Naupo siya sa sahig, tiningnan ang inang wala nang buhay. Wala siyang nararamdamang sakit o guilt. Ginawa niya ito para ipaghiganti ang ama.
Tumayo na siya at ipinasok uli sa bulsa ang pocket knife. Pagkatapos ay kinuha ni Jayden ang lahat ng bag ni Geraldine kung saan naroroon ang mga pera nito. Mabilis din siyang nakalabas sa inn nang walang nakakapansin.
Huminto siya sa paglakad. Pinatay niya ang kanyang ina. Isa na siyang mamamatay-tao. Pero wala siyang maramdamang pagsisisi. Ngumiti si Jayden at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na siya makaramdam ng sakit sa puso. Manhid na siguro siya doon...

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon