Chapter 7

1.5K 63 4
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
IPINAKILALA ni Jemimah kina Ethan at Mitchel si Detective-Inspector Lizette Salcedo na tinagpo nila sa isang coffee shop sa Cavite. May isa pa itong kasamang babae nang dumating.
“Siya nga pala si Mae Latido,” pagpapakilala naman ni Lizette. “Matagal na kaming mag-kaibigan pero ngayon lang nagkita uli. Isa siyang blogger. Marami siyang alam na mga lugar dito kaya siya ang hinihingian ko ng tulong sa ilang imbestigasyon noon.”
Bumati sa kanila si Mae Latido. Maganda ang babae at mukhang nasa late twenties pa lamang nito. She also looked sophisticated based on her heavy make-up and tight pink dress. Iba kay Lizette na parang wala man lang kaayus-ayos maliban sa powder at light pink lipstick. Nakasuot lang din si Lizette ng white shirt at maong pants, nakapusod ang mahabang buhok.
“Alam ba niya kung ano ang iniimbestigahan mo ngayon?” tanong ni Mitchel. “And how dangerous this investigation is.”
Tumingin si Lizette kay Mitchel, ngumiti. “Hindi naman nagtatanong si Mae ng tungkol sa mga imbestigasyon ko. Tumutulong lang siya kung may alam siya.”
“Huwag kayong mag-alala,” wika ni Mae. “I’m not really interested in your works. Hindi ko rin gustong mapahamak.”
“But you’re a blogger,” wika pa ni Mitchel. “Hindi ba mapanganib din ang ginagawa mo, especially when you’re giving opinions about certain things.”
Mahinang tumawa si Mae. “I only have a travel blog and my personal blog. Wala naman akong gaanong inaaway doon.”
Hindi na naman nagsalita si Mitchel, pinagmasdan lang nito ang dalawang babaeng nasa harap nila. Marahil ay kinikilala.
“Do you have something for us?” seryosong tanong ni Ethan. “About Jayden Sullivan.”
Binuksan ni Lizette ang notepad na hawak nito. “Nakatira noon si Jayden Sullivan sa Mindoro. With the help of Mae, nalaman ko kung saang parte ng Mindoro sila noon nakatira. Nagpunta kami doon para alamin kung may nakakakilala sa mga Sullivan, kahit sa mga kamag-anak lang nila.”
Doon pa lang ay napahanga na si Jemimah sa babae. Mukhang sanay na sanay talaga ito sa ganitong trabaho. Digging someone else’s past.
“May mga nakilala kaming tao na sinabing kilala nila ang mga Sullivan, na natatandaan nila ang nangyaring krimen na ikinamatay ni Gilbert Sullivan,” dugtong ni Lizette. Tumingin ito sa kanila. “Alam niyo na siguro ang nangyaring sunog noon sa high school na pinapasukan ni Jayden Sullivan, right?”
Tumango si Jemimah. “Base sa mga police reports, nagsimula ang sunog dahil sa paglalaro ni Jayden ng posporo. One died in that incident. Isang estudyanteng lalaki.”
“Nagpunta rin kami sa school na 'yon para humanap ng mga taong nakakaalam ng insidenteng iyon,” wika pa ni Lizette. “Nabasa niyo rin siguro na hindi suffocation ang ikinamatay ng estudyanteng iyon.”
Sumulyap si Jemimah kay Ethan, hinayaang ito ang magsalita.
“The victim in that fire died in blood loss,” ani Ethan. “May nakitang sugat sa ulo niya. Sinasabing dahil doon kaya hindi siya nakalabas sa building at na-trap sa sunog. Aksidente ang kinalabasan ng kaso. Sinabi ng mga pulis na posibleng nahulog ang biktima sa hagdan at nabagok ang ulo.”
“And we won’t just believe that, right?” tanong ni Lizette. “Oo, walang ebidensya na magsasabing may umatake sa biktima. But who started the fire? It was Jayden Sullivan, right?”
Nakatitig lamang sila kay Lizette. She must have found something that links that victim and Jayden.
“Nakausap ko ang isa sa mga teachers sa school na iyon,” pagpapatuloy ni Lizette. “Ang estudyanteng namatay ay kaklase ni Jayden Sullivan. And the victim was a bully.”
“Murder and arson,” usal ni Mitchel. “Both have criminal intent and harm element. Pero hindi naparusahan si Jayden dahil bata pa siya at dahil hindi rin na-imbestigahan ng maayos ang insidenteng iyon.”
“Jayden was fourteen years old when that happened,” ani Ethan. “That means he must be doing the Destroyer work at that time. Kung siya ang pumatay sa estudyanteng biktima ng sunog na 'yan, bakit kailangang sa ganoong paraan. Puwede namang itulad niya 'yon sa mga nauna niyang obra.”
Tiningnan ni Jemimah ang asawa. Alam niya na hindi rin lubos na naniniwala si Ethan na si Jayden Sullivan ang Destroyer na hinahanap nila.
“Hindi ka rin naniniwala na si Jayden Sullivan ang hinahanap niyo?” tanong ni Lizette kay Ethan.
“It’s not that I don’t believe,” sagot ni Ethan. “It’s just that I know there’s something more to this case.”
Tumango-tango lang naman si Lizette. “We also found something interesting.” Tumingin ito kay Mae. “Si Mae, actually, ang nakatuklas nito.”
Nalipat ang tingin nila sa katabi ni Lizette na si Mae Latido. Ngumiti ang babae bago nagsalita.
“Nalaman ko na buhay pa ang ama ni Jayden,” sabi ni Mae.
Lahat sila ay nagulat. “Base sa information details ni Jayden, patay na ang mga magulang niya. Kaya ang kapatid niyang si Gilbert ang naging guardian niya noon,” ani Jemimah. “Minsan ding naikuwento sa akin ni Jayden na hindi niya kilala ang tunay niyang ama, na iniwan nito ang kanyang ina noong bata pa sila. Na limang taon din silang dalawa lang ni Gilbert ang magkasama.”
Sumulyap si Mae kay Lizette. “Base 'yon sa mga taong nakausap ko na nakatira malapit sa dating bahay ng mga Sullivan sa Mindoro.” Nagkibit-balikat ito. “Siyempre, hindi ko alam kung totoong lahat ang mga kuwento nila.”
“Nakausap mo ba ang sinasabi nilang ama ni Jayden?” tanong ni Mitchel.
Umiling si Mae. “Hindi niya gustong makipag-usap. May sarili na rin siyang pamilya.”
“Ano'ng pangalan niya?”
May pinilas na page sa notepad nito si Lizette at inabot kay Mitchel. “That’s his name.”
Tiningnan din ni Jemimah ang nakasulat doon. Nicolas Macalintal. “Macalintal?” tanong niya.
“Posibleng pinagamit kay Jayden ang apelyido ng tunay na asawa ng ina niya,” wika ni Mitchel. “And this Nicolas Macalintal was an affair.”
Ibig sabihin ay magkapatid lamang sa ina sina Jayden at Gilbert Sullivan. Hindi dapat sila agad naniwala sa kuwento noon ni Jayden tungkol sa pamilya nito. They didn’t research about him because there was no reason to. Ngayon lang lumalabas ang katotohanan. Everything Jayden said were lies. Gustong malaman ni Jemimah kung ano'ng nangyari sa pamilya ng mga Sullivan para maging ganoon si Jayden.
“Plano kong bumalik sa Mindoro,” mayamaya ay sabi ni Lizette. “Once is not enough. We need to keep on digging the past. Dahil posibleng may mga pagkakamali ang killer na hindi napansin noon. Kay Douglas na rin ako magpapasama, sinabi ko na naman sa kanya.”
“Sasama na rin ako,” ani Mitchel. “Gusto kong personal na makausap ang mga taong sinasabi niyo.”
Tumango lang naman si Lizette. Ilang saglit lang ay nagpaalam na sila sa mga ito.
“She seems intelligent,” narinig niyang wika ni Mitchel habang nasa loob sila ng sasakyan pauwi. “Lizette Salcedo. Sa paraan ng pananalita niya, siguradong matagal na niyang ginagawa ang trabahong ito. At siguradong alam niya ang ginagawa niya. I can see interest in her eyes. Interesado siya sa Destroyer Case na ito.”
“Sinabi niya na mga cold cases ang iniimbestigahan nila noong nasa States siya,” ani Jemimah.
“Kaya sa tingin niya ay mas makakatulong ang paghuhukay sa nakaraan,” tumango-tango si Mitchel. “She can be a help. But her friend is different. Si Mae Latido. Wala siyang interes sa iniimbestigahan ni Lizette. Malamang ay tinutulungan niya lang si Lizette para na rin makapunta sa iba’t ibang lugar, may maisulat sa blog niya. Ni hindi niya nga alam kung ano ang panganib na pinapasok niya dahil sa pagtulong.”
Bumuntong-hininga si Jemimah. Hindi niya gustong madamay ang ibang mga tao sa imbestigasyong ito pero alam na imposible iyon. Inilipat niya ang tingin kay Ethan na seryosong nagmamaneho.
“Ethan, are you okay?”
Sumulyap sa kanya si Ethan, ngumiti. Inabot ng asawa ang isa niyang kamay para hawakan iyon ng mahigpit. Pinakatitigan ni Jemimah ang magkahawak nilang mga kamay. Kung puwede lang na magpahinga sila sa kaguluhang ito.
“Kailangan nating makuha ang reports ng pagkamatay ng mga magulang ni Jayden Sullivan,” wika ni Ethan. “Gusto kong makilala pa si Jayden para malaman kung siya nga ang halimaw na matagal ko nang hinahanap.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Ethan sa kanyang kamay. Ipinatong ni Jemimah ang isa pang kamay sa kamay nito, marahang hinaplos para mapakalma ang asawa.
Jayden. Hanggang ngayon napakasakit pa rin para kay Jemimah ang kaisipang niloko sila ng lalaki. Pinagkatiwalaan nila si Jayden. Itinuring niya itong parang parte na rin ng kanyang team.
Sa kaibuturan ng puso, hindi rin pinapaniwalaan ni Jemimah na si Jayden si Destroyer. But the evidences they found was enough to be suspicious of him. At nawawala pa rin si Lauren Jacinto. Hindi nila alam kung ano na ang nangyari sa babae. Kung buhay pa ba ito o—
Marahas na ini-iling ni Jemimah ang ulo. Buhay pa si Lauren. Iyon ang pinaniniwalaan ng puso niya. Ipinagdarasal niya na sana ay walang nangyaring masama dito. Kung hindi dahil sa hiling nilang tulong pagdating sa media play, hindi mapapahamak si Lauren.
Kung si Jayden man si Destroyer, hinihiling niya na sana ay tumigil na ito, sumuko. Pero kung hindi ito si Destroyer, gustong maintindihan ni Jemimah kung ano ang nangyayari kay Jayden Sullivan.
PAGKABALIK nina Jemimah sa bahay na hideout nila sa Cavite, nagulat siya nang makita kung sino ang nakaupo sa couch, kausap si Marco Pulo. Iyon ay ang kaibigan niyang si Alexa Rodriguez, at ang boyfriend nitong si Frank Rodriguez na tumakas sa kulungan.
“A-Alexa,” usal ni Jemimah, nangilid ang mga luha. Alam niya na pinlano ang pagtakas ni Frank Rodriguez sa kulungan sa tulong nina Marco. Sinabi sa kanya ni Ethan na kailangang gawin iyon para maprotektahan ang mga ito kay Destroyer. Ang ina ni Frank ang kauna-unahang biktima ni Destroyer, posibleng may maitulong din ang lalaki sa pag-iimbestiga nila.
Tumayo si Alexa, lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. “Jemimah... I... I’m sorry...” Napaiyak na rin ito.
Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan. Matagal niya rin itong hindi nakita. Alam ni Jemimah na napakahirap din ng pinagdaraanan nito, lalo na ngayon na kailangan ng mga itong magtago pansamantala.
“How are you, Alexa?” mahinang tanong niya.
Pinunasan ni Alexa ang mga luha. “We’re doing fine.” Sumulyap ito kay Frank. “Kasama ko na si Frank at iyon ang mahalaga. A-alam kong... delikado ito... pero nagtitiwala ako sa inyo. Alam kong inilalayo niyo lang kami sa panganib.”
Sandaling tiningnan ni Jemimah si Frank Rodriguez. Bahagyang tumango ang lalaki bago nagyuko ng ulo. Oo, nakakaramdam pa rin siya ng galit para kay Frank. Ito pa rin ang pumatay sa kanyang ama. Pero ayaw niyang pangibabawin ang galit ngayon. Hindi naman dahil mamamatay-tao ito ay hahayaan niya nang manganib ang buhay gayong may magagawa naman sila.
“Dito ba muna kayo titira?” tanong niya kay Alexa.
Tumango ito. “Hindi rin naman kami makakapunta sa ibang lugar. This is the safest place for us now.” Inilipat ni Alexa ang tingin kay Ethan na nasa likod niya, bahagyang tumango.
Tumayo si Frank para makipag-kamay kay Ethan. “Salamat sa lahat,” sabi nito. “Hindi ko alam kung ano'ng maitutulong ko sa inyo. Hindi ako makakalabas. Lahat ng mga imbestigasyon ko sa Destroyer ay siguradong nakuha mo na noon, Ethan. But if you’ll allow me to help your hacker in some stuffs, I will give my all.”
Naalala ni Jemimah na isang computer programmer si Frank. Maraming alam ito sa hacking o anumang related sa computer programs. Puwede nga nitong tulungan si Theia para mapabilis ang trabaho nito.
Tumango si Ethan. “That’s enough.”
Hinayaan na lang nina Jemimah na mag-usap ang mga ito, kasama si Marco. Inaya niya si Alexa patungo sa magiging pansamantalang kuwarto ng mga ito dito.
Nagulat si Jemimah nang makapasok sila sa loob ng kuwarto at makita doon si Bianca na may kargang bata. Napatingin siya kay Alexa. “S-siya ba ang... ang anak niyo ni Frank?”
Tumango si Alexa, ngumiti. “She just turned one this year.”
Naupo si Jemimah sa kamang kinauupuan ni Bianca at hinawakan ang maliit na kamay ng batang babae. Nakatingin sa kanya ang malalaking mga mata nito. “Ano'ng pangalan niya?”
“Kylie,” sagot ni Alexa.
Pinakatitigan ni Jemimah si Kylie. Kamukhang-kamukha ito ni Frank. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. The little baby smiled. Nakuha naman nito ang ngiti sa inang si Alexa.
Masaya si Jemimah para sa kaibigang Alexa. Nararamdaman niya ang kasiyahan nito ngayon dahil magkakasama ang pamilya nito kahit na ganito pa ang sitwasyon.
Tumingin si Jemimah kay Bianca. “How’s your day, Bianca?”
Ngumiti si Bianca. “Maayos naman. Nagbasa lang kami ni Paul ng ilan sa mga crime scene reports ng Destroyer Case. Pinaintindi niya sa akin ang ilang mga bagay. Kaninang umaga ay umalis si Kuya Douglas at Kuya Kevin. Hindi ko alam kung nakabalik na sila.”
Hindi pa niya nakikita sina Douglas at Kevin kaya malamang ay hindi pa nakakabalik ang mga ito. Saglit na pinagmasdan ni Jemimah si Bianca. Nitong nakaraang mga araw, napapansin niya na naging malapit na ito kay Paul. Masaya siya dahil nagkakaroon na uli ng social life ang kapatid ni Ethan.
Napatingin sila sa pinto nang makarinig ng katok. Bumukas iyon at nakita nila si Ethan. “Come outside,” wika ng asawa sa kanya.
Tumayo si Jemimah para lumabas ng kuwarto. Hinawakan niya ang kamay ni Ethan. “Something wrong?”
Umiling ang asawa. “Tapos na akong makipag-usap sa kanila. Nandito na rin sina Douglas.”
Iniyakap niya ang mga kamay sa baywang nito. “May ipinagawa ka ba kay Frank?”
Sandaling tumitig sa kanya si Ethan. “Hindi ka ba nagtitiwala sa kanya?”
“I don’t... really trust him.” Lumabi si Jemimah. “Pero para sa kaligtasan ni Alexa, tatanggapin ko ang lahat.”
“I don’t trust anyone in here too as much as I trust you, Jemimah,” bulong ni Ethan. “Pero sinabi mo noon na hindi natin ito magagawa mag-isa. Kailangan natin ang tulong. My father investigated this case alone and he ended up dead. Hindi ko hahayaang mangyari iyon sa akin. Hindi ako susuko nang hindi nahuhuli si Destroyer.”
“And I’ll be right here beside you in this fight.” Ngumiti si Jemimah at dinampian ng mabilis na halik ang mga labi ng asawa.
Ginantihan ni Ethan ang ngiti niya, hinaplos ang kanyang pisngi. “I love you, Jemimah. Always.”
Hinigpitan ni Jemimah ang pagkakayakap sa asawa. Her heart was hammering in her chest. Lahat ng pagod na nararamdaman ay tila nawalang bigla. “I love you too, Ethan.”
Gusto niya na ring mabigyan ng anak ang asawa. Gusto niyang makabuo na sila ng pamilya katulad ng kaibigang si Alexa. Pero nagtitiwala si Jemimah na may tamang panahon ang Diyos.
“Let’s go,” ani Ethan. “Kasama ni Douglas si Karine.”
Tumango si Jemimah at sumunod lang sa asawa. Nakita niya sa living area sina Douglas, Kevin, Karine na kausap ni Marco at Frank. Wala na doon si Mitchel, marahil ay pinuntahan na sa kuwarto nito si Theia.
Binati niya si Karine na may dalang isang maletang siguradong naglalaman ng mga gamit nito. Mabuti na lang at sinunod ni Douglas ang suggestion nila na dalhin din si Karine dito.
If Jayden was the Destroyer, kilala nito ang mga taong malalapit sa kanila. Kaya dapat na malapit lang ang mga ito sa lugar kung saan mas mapoprotektahan nila. Pinalipat na rin ni Jemimah hindi kalayuan sa hideout nila dito sa Cavite ang kanyang Mama at kapatid na si Marky.
Naupo sina Jemimah sa katapat na sofa ng mga ito. “Nasabi sa amin ni Lizette na plano niyang bumalik sa Mindoro kasama ka, Douglas.”
“Tinawagan niya nga ako noong isang araw,” ani Douglas. “Gusto niyo bang sumama?”
“Gustong sumama ni Mitchel,” sagot ni Ethan. “He will do better there.”
Tumango-tango si Douglas. Tumingin si Karine sa nobyo nito pero wala namang sinabi.
Inilipat ni Jemimah ang tingin kay Kevin Pascua nang magsalita ito. “Hindi niyo ba sinuggest kay Morales na ilipat ang pamilya niya? Hindi ba siya natatakot na manganib ang buhay nila?”
Yumuko si Jemimah at hinayaan na lang na si Ethan ang sumagot. Napag-usapan na rin nila iyon.
“Paul doesn’t want to involve his family into this,” ani Ethan. “Sinabi niya na kayang protektahan ng kanyang ama ang pamilya nila. Hindi natin siya mapipilit.”
“Hindi maganda ang relasyon ni Paul sa ama niya,” singit ni Jemimah. “At Director pa rin ng SCIU ang ama niya. We cannot ask help to government agencies. Delikado.”
Tumango si Kevin. “Natanong ko lang.” Tumingin ito kay Ethan. “Ipapadala ko na pala dito ang mga kailangan mo sa sunod na linggo. Nagawan ko ng paraan na makuha ang lahat ng iyon.”
Bumaling si Jemimah sa asawa, nakakunot ang noo. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Kevin. Inabot lang ni Ethan ang kanyang kamay, marahang pinisil iyon. That was his way of telling her to trust him. At iyon ang gagawin ni Jemimah.
“We need to bring Joshua Sann’s team to our investigation,” mayamaya ay sabi ni Ethan na ikinagulat ni Jemimah. “Ang team niya sa NBI ang humahawak sa Destroyer Case. Kailangan nating mapag-aralan ang case report ng pagpatay kay Kristina Lopez. Iyon na lang ang hindi natin nakikita.”
Si Joshua Sann lang ang naiisip nilang makakatulong sa kanila mula sa NBI. Dahil din dito kaya nakakuha ng search warrant para kay Jayden Sullivan. Si Mitchel ang nagbigay ng impormasyon sa team ng mga ito. Pero hindi pa rin alam ni Joshua ang tungkol sa lihim na imbestigasyon nila dito. Hindi pa rin nito alam na buhay pa ang asawa niyang si Ethan.
But Ethan had a point. Ang team lang nina Joshua sa NBI ang mayroong report sa pagkamatay ng huling biktima ni Destroyer – si Kristina Lopez. Ang team nito ang rumespunde doon. Theia tried hacking the NBI servers to find that report but there was nothing. Ibig sabihin ay hindi iyon inilagay ni Joshua Sann sa data ng NBI.
Joshua was smart enough to know that government sites could be easily hacked. Malamang ay nakatago lamang iyon sa files ni Joshua at ng team nito.
“Susubukan kong kausapin siya,” ani Jemimah. “Pero ibig sabihin noon ay makikita ka niya, Ethan.”
Humugot ng malalim na hininga si Ethan. “There’s no point in hiding anymore. Siguradong alam na ni Jayden na hinahanap natin siya. Let’s just hope na hindi pa mahuhuli ang lahat at mailigtas pa natin si Lauren na hawak niya.”

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon