Jemimah Remington-Maxwell
MAHABANG sandaling katahimikan ang bumalot sa buong interrogation room pagkatapos ng kuwento ni Julius Magpantay. Tama nga ang sinabi ni Mitchel noon sa kanila na may masasakit na nakaraan ang mga puppet ni Destroyer. Iyon ang ginamit ni Destroyer para linlangin ang utak ng mga ito at mapasunod.
“It’s all lies, Julius,” sabi ni Jemimah, pumiyok pa. “Sinabi ni Destroyer ang lahat ng 'yon para gawin kang halimaw. Mas lalo niyang sinira ang buhay mo.”
Tumingin sa kanya si Julius, puno ng kalamigan ang mga mata. “Wala akong pakialam kung naging halimaw ako. Wala na akong ibang kailangan sa mundong ito. Walang nagmamahal sa akin. Wala akong minamahal. Wala akong nais protektahan. Gusto ko lang sirain ang mundong ito, pahirapan ang mga tao. Iyon lang ang gusto kong gawin.”
“Pero masaya ka ba, Julius?” tanong pa ni Jemimah. “Nakalimutan mo ba ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng paghihiganti? You’re still wasted. You still want to kill yourself. Dahil siguradong walang natanggal na sakit sa puso mo. You are never healed.”
Malakas na ipinukpok ni Julius ang kamay sa mesa. “Wala kang alam sa sakit na nararamdaman ko! Hindi ikaw ang nakaranas sa paghihirap ko noon sa kamay ng mga sadistang iyon!”
Ikinuyom ni Jemimah ang mga kamay para kalmahin ang sarili. Oo, hindi niya maiintindihan ang sakit nito. Pero mali pa rin na mas lalo nitong ilubog ang sarili sa impyerno dahil doon.
Lumapit si Ethan sa mesa. “Sino si Destroyer, Julius?” malamig na tanong ng asawa. “Kilala mo siya, hindi ba? Hindi ka na makakawala dito. Kung gusto mong mabawasan ang paruso mo, kailangan mong maki-cooperate. Sino si Destroyer?”
Ngumisi si Julius. “Sa tingin mo ba sasabihin ko? Hindi ko sisirain ang misyon niya. Hindi ako magtatraydor sa kanya.”
“He is a liar, Julius,” mariing sabi ni Jemimah. “Ginagamit ka lang niya. Kayong lahat. Kapag wala na kayong silbi, papatayin niya kayo. Iyon din ang gagawin niya sa'yo kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. He is our enemy. He is a devil. Kinukuha niya kayong mga may masasakit na nakaraan para paniwalain sa kasinungalingan niya. Pinili niyong maniwala sa kasinungalingan ni Destroyer kaya pag-aari niya na kayo. Pero puwede mo pang mabago 'yon, Julius.”
Tumikhim si Mitchel bago nagsalita. “This battle is in your mind, Julius. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan. Na hindi malilinis ang mundong ito sa pamamagitan ng pagpatay sa mga taong sa paningin niyo ay masama. No one is righteous in this world. Pati kayo. Lalong-lalo na si Destroyer.” Sandaling huminto ang lalaki. “Katulad ng sinabi ni Jemimah. Sinungaling si Destroyer, katulad ng demonyo. He is destroying this world by making puppets like you. He is destroying all of you. Binibigyan niya kayo ng maling pag-asa para mapasunod sa lahat ng gusto niya. Para sa kanyang sarili lang ang lahat ng ito.”
Parang wala namang epekto kay Julius ang lahat ng sinabi nila. Ngumisi pa rin ito, makikita sa mga mata ang kalamigan. “Wala akong pakialam kung patayin niya ako. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Alam ko na ipagpapatuloy niya ang misyon niya. At magtatagumpay siya.”
Bumuntong-hininga si Mitchel. Nang lumabas si Ethan ng interrogation room ay tumayo na rin sila. Inutusan ni Jemimah ang isang pulis na puntahan si Chairman Marco Pulo para ipaalam na ipalalagay nila sa isolated prison ng SCIU si Julius Magpantay habang hindi naisasara ang Destroyer Case. Ang tanging may susi lang ng isolated prison na iyon ay ang Chairman.
Kahit gaano kasama ni Julius Magpantay, kailangan pa rin nila itong protektahan kay Destroyer. Dahil posibleng nakarating na kay Destroyer ang balitang hawak nila ang isa sa mga puppets nito. He was powerful. It would be easy for him.
“I cannot see any guilt in Magpantay’s eyes,” sabi ni Mitchel. “Tuluyan na siyang nalunod sa kasinungalingan ng demonyong 'yon. Julius is already heartless. He is also suicidal kaya dapat siyang bantayang mabuti. Mahihirapan tayong mailabas mula sa kanya ang lahat ng nalalaman tungkol kay Destroyer. Kahit gumamit tayo ng forced interrogation. Sanay na siya sa paghihirap at sakit.”
Inaamin ni Jemimah na nakaramdam siya ng awa para kay Julius Magpantay. He became a monster because of those people who had tortured him. Kung may pumansin at nagligtas lamang dito noon na isang mabuting tao.
“Hindi ko lang maintindihan,” singit naman ni Douglas. “Kung ano'ng nangyari kina Julius Magpantay at Jayden Sullivan para parehong mag-traydor sa isa’t isa.”
Mahinang tumawa si Mitchel. “There is always conflict. Itinatak ni Destroyer sa isipan nila na sarili lang ang dapat intindihin. Iyon marahil ang ginagawa nila ngayon.”
Inner conflict. Nagkakagulo na ang mga puppets ni Destroyer. Nararamdaman na ni Jemimah na mas napapalapit sila sa katapusan ng lahat ng ito. But that also meant that things would get even more dangerous from now on.Jemimah Remington-Maxwell

Inner conflict. Nagkakagulo na ang mga puppets ni Destroyer. Nararamdaman na ni Jemimah na mas napapalapit sila sa katapusan ng lahat ng ito. But that also meant that things would get even more dangerous from now on.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Misterio / SuspensoA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...