Chapter 31

1.1K 56 3
                                    

Ethan Maxwell
HINDI tumitigil sa paghabol si Ethan kay Hector Quintallan. Mabilis ang lalaki pero hindi siya susuko. He was used to running. Isa siya sa pinakamabilis tumakbo noon sa Special Forces. Wala siyang pakialam kahit nasa gitna sila ng kalsada. Maraming mga sasakyan doon na panay ang busina sa kanila. Hindi siya titigil hangga’t hindi nahuhuli ang lalaking iyon para panagutin sa lahat ng ginawa.
Higit na binilisan ni Ethan ang pagtakbo hanggang sa halos isang metro na lang ang layo nila sa isa’t isa. He jumped off the front of cars easily. Lumusot sa isang bangketa si Hector.
Inabot nito ang mga panindang naroroon para ibato sa kanya pero mabilis lang iyong natabig ni Ethan, hindi hinayaang maalis noon ang focus niya. It was his mission to catch Hector. Lahat ng atensyon niya ay nasa tumatakas na lalaki lamang. Walang makakaagaw niyon.
And then Hector reached a dead end. Narinig niya ang malakas na pagmumura ng lalaki nang makita ang isang pader sa daraanan, nasa loob na sila ngayon ng isang public market. Nagsimula nang magsitakbuhan ang mga tao lalo na nang itaas ni Hector ang hawak nitong pocket knife.
Kay Ethan ang pocket knife na iyon. He threw that knife at the man’s hand a while ago. Inihanda niya ang sarili nang magsimulang umatake si Hector.
Sinubukan nitong saksakin siya gamit ang kutsilyo pero dahil sa mabilis na reflexes ay agad nakaiwas si Ethan. Nang muli itong magtangkang saksakin siya ay agad na nahuli ni Ethan ang kamay nito, ipinilipit para mabitawan ni Hector ang hawak na kutsilyo.
Malakas na nagmura si Hector, kasabay ng paghila sa sariling kamay palayo. He charged at him, throwing punches. Iniharang naman ni Ethan ang mga braso sa mukha. Napangiwi siya dahil sa mga tumatamang suntok sa kanyang braso. This man was strong.
Pinag-ekis ni Ethan ang mga braso para makulong ang isang kamay ni Hector doon. And then he moved his right hand, as fast as lightning, down to punch him at the stomach. Dalawang beses niyang sinuntok si Hector sa sikmura pagkatapos ay sa mukha.
Bahagyang nawalan ng balanse si Hector, tiningnan siya ng masama habang pinupunasan ang mga labing dumudugo na. Sumigaw ito at tumakbo palapit sa kanya. He was like a bull pushing him towards the cement wall.
Hindi napaghandaan ni Ethan ang mga suntok na pinakawalan ni Hector sa parteng tiyan niya. Hinablot ni Hector ang kuwelyo ng damit niya. Hector easily lifted Ethan up and threw him to another side of the wall. Bumagsak si Ethan sa lupa. Nararamdaman niya na ang hapdi ng mga sugat sa parteng siko na nakatuon sa mabatong lupa.
Akmang sisipain pa siya ni Hector nang mabilis na makagulong si Ethan palayo. Nakita niya pa nang pulutin ni Hector ang pocket knife na nasa lupa. Bago tumayo ay kinuha niya muna ang isa pang pocket knife na naka-strap sa kaliwang binti. Ipinaikot iyon ni Ethan sa mga kamay.
Sabay silang sumugod ni Hector sa isa’t isa. They threw punches. Pero dahil sanay si Ethan sa pakikipaglaban ay ilang beses na dumaplis ang hawak niyang patalim sa katawan ni Hector na nagiging dahilan ng paglayo nito.
Pero hindi nakita ni Ethan ang isang suntok na pinakawalan ni Hector sa kanyang mukha, kasunod ng pagsipa sa kamay niyang may hawak na kutsilyo. Bumagsak ang patalim sa lupa.
Muling nagmura si Hector, itinaas ang kamay na may hawak na kutsilyo at muling sumugod. Mabilis na nahawakan ni Ethan ang kanang kamay nito, pinipilit na huwag maitarak sa katawan niya ang patalim.
Mas malaking tao sa kanya si Hector kaya naitulak na naman siya nito pasandal sa sementong pader. Ilang dangkal na lang ang layo ng pocket knife sa kaliwang dibdib ni Ethan. Pareho silang ginagamit ang lahat ng lakas ng mga sandaling iyon.
Inilipat ni Ethan ang kaliwang kamay sa mismong patalim, wala nang pakialam kung nahihiwa iyon. Malakas niyang sinipa ang kanang binti ni Hector kasabay ng pagpulupot niya uli sa kanang kamay nito.
Hector screamed in pain. Nabitawan nito ang pocket knife, napaluhod sa lupa. Mabilis na lumipat si Ethan sa likuran ng lalaki. He did a rear choke on him. Ipinulupot ni Ethan ang isang kanang braso sa leeg ni Hector. He then placed his left hand against Hector’s head.
Ethan pushed Hector’s head forward and down with his left hand, choking him. Patuloy lang naman sa pagpupumiglas si Hector, pilit inaabot ang ulo niya. Ang mga paa nito ay nagpipilit tumayo pero hindi magawa.
Ethan could kill him this instant. Napatingin siya sa lupa nang maglaglagan doon ang mga larawan na nanggaling sa jacket na suot ni Hector. Those were photos of their team, kasama na ang mga larawan nina Alexa at Frank. Higit na humigpit ang pagkakasakal ni Ethan sa lalaki hanggang sa mapansin na nanghihina na ito, hindi na lumalaban.
Mabilis siyang pumihit paharap dito, itinulak ito pahiga sa lupa. Inilabas na ni Ethan ang sariling baril sa holster na nasa likod. “Ano ang ibig sabihin ng mga larawang 'yan?!” pasigaw na tanong niya, itinutok ang baril sa ulo ng lalaki. “Bakit gusto mong patayin si Mitchel?!”
“Target...” umuubong wika ni Hector, nagawa pang ngumisi.
“Sino ang nag-utos sa'yo?”
Nagpatuloy lang sa pag-ubo si Hector, hindi sumagot.
“Sumagot ka!” Idiniin pa ni Ethan ang ulo ng baril sa noo ng lalaki. “Sino?!” Nakakaramdam siya ng matinding galit dahil kasama rin sa mga larawang iyon ang larawan ni Jemimah.
“Des... troyer..” sagot ni Hector.
Nanlaki ang mga mata ni Ethan sa narinig. “K-kilala mo siya? Nasaan siya? Sabihin mo!”
Lumuwang ang pagkakangisi ni Hector. “I... I am—”
Hindi na naituloy ni Hector ang sinasabi nang makarinig sila ng tunog ng papalapit na motorsiklo. Mabilis na lumayo si Ethan kay Hector nang makitang naglabas ng baril ang taong nakasakay sa motorsiklo.
Nagsimula itong magpaputok, mabuti na lang at agad na nakatago si Ethan sa isang sementadong poste na malapit. The sound of gunshots filled the whole place. Nakita niya pa ang mga balang nagliliparan malapit sa kanya.
Nang tumahimik ay sinubukang lumabas ni Ethan sa pinagtataguan, maingat. Umaagos na ang dugo sa lupa na nagmumula sa katawan ni Hector na wala nang buhay dahil sa mga tama ng bala.
Tiningnan ni Ethan ang naka-helmet na rider ng motorsiklo, itinaas nito ang salamin niyon. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makilala kung sino iyon.
Itinaas niya ang hawak na baril nang muling pinaharurot ng lalaki ang motorsiklo papalayo. Ethan began running and firing towards the motorcycle. Pero dahil sa mga sugat na natamo, maging sa hiwa sa kanyang kamay ay dumadaplis ang mga bala, walang tumatama.
Ethan screamed in fury when he heard the clicking sound of his gun. Wala na iyong bala. “Jayden!” malakas na sigaw niya pero tuluyan nang naglaho sa paningin ang motorsiklong kinasasakyan ni Jayden Sullivan.
Nanghihinang napaluhod si Ethan sa lupa. “Damn it. Damn it!” mura niya habang pinagsusuntok ang lupa. Sigurado siya na si Jayden ang motorcycle rider na iyon, ang pumatay kay Hector Quintallan.
Ikinuyom ni Ethan ang mga kamao. He let him go. He let that monster go. Nasa harapan niya na ito kanina pero hinayaan lang na makatakas.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon