Jemimah Remington-Maxwell
NAKATITIG lang si Jemimah sa kasiyahan sa mukha ni Lauren habang nakatingin kay Jayden Sullivan na hindi rin inaalis ang tingin sa babae. Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa pisngi. Tumingin siya kay Ethan nang abutin nito ang kamay niya, marahang pinisil.
Nginitian niya ang asawa bago humugot ng malalim na hininga. Nagpunta sila dito bilang mga alagad ng batas na kailangang kausapin si Jayden Sullivan.
Humakbang siya palapit sa kama nito. “Mr. Sullivan, it’s good na nagising ka na,” sabi ni Jemimah. “Pero nandito kami para ipaalala na kailangan mo pa ring harapin ang kaparusahan na ipapataw sa'yo ng batas sa lahat ng krimeng nagawa mo.”
Yumuko si Jayden, hindi sumagot. That must be his way of accepting what she said.
“Bakit mo ginawa 'yon, Jayden?” narinig niyang tanong ni Ethan. “Bakit mo binaril si Antonio?”
“Because I’ve had enough,” malamig na sagot ni Jayden. “Hindi ko na gustong paglaruan niya pa ang isipan ko. Napakatagal na panahong kinontrol niya ang buhay ko. Tama na. Ayoko na. Gusto niyang magpakamatay ako. Hindi puwede. Hindi ko gagawin 'yon. Hindi ko pa gustong mamatay.”
Mahabang sandaling nakatitig lamang si Jemimah kay Jayden. Hindi nito gustong mamatay. Siguradong dahil iyon kay Lauren. Kung hindi nakilala ni Jayden si Lauren, malamang ay tuluyan nang naloko ni Antonio ang isipan nito.
“We’ll see you in your trial, Mr. Sullivan,” sabi na lang niya bago nagpaalam sa mga ito.
“Siguradong gagawin ni Lauren Jacinto ang lahat para makahanap ng lawyer na tatayo para sa trial ni Jayden,” sabi ni Mitchel. “She will surely do everything to lessen his sentence.” Bumuntong-hininga ito. “Si Lauren Jacinto ang isang pruweba na kahit nakalakad sa impyerno ang isang tao ay puwede pa rin itong maging anghel. Malaki rin ang naitulong ng mga taong kumupkop sa kanya matapos makatakas kay Destroyer. Someone helped her accept her past and grow into a better person.”
“And now she wants to help someone walk out of darkness to the light.” Ngumiti si Jemimah. “Mukha namang handa nang tanggapin ni Jayden ang kanyang nakaraan. It is always the first step to move on and to become a better person, right?”
Tumango si Mitchel. “Let’s just leave them until the trial. Makatutulong kay Jayden na huwag masyadong bigyan ng stress o pressure para makapag-isip siya ng tama.”
NILAPITAN ni Jemimah ang asawang si Ethan na nakatayo sa terrace ng penthouse nila sa Manila. Inabot niya dito ang tasa ng kape na tinimpla. “Ang lalim ng iniisip mo,” bulong niya. “Hindi ka pa ba matutulog?”
Bumuntong-hininga si Ethan. “Hindi lang ako makapaniwala na nahuli na natin siya. The monster who killed my parents.” Nag-igtingan ang mga panga nito. “And he’s just sitting in jail like it’s nothing to him. I want to kill him with my own hands. Kung puwede lang.” Tumingin ito sa kanya. “Pero ayokong maging halimaw para sa'yo... para sa magiging anak natin.”
Ngumiti si Jemimah, inihilig ang ulo sa balikat ng asawa. “Alam ko na galit na galit ka sa kanya, Ethan. Ganoon din ang nararamdaman ko.” Tumitig siya sa mga bituin sa kalangitan. “We can hate him forever, Ethan. Pero hindi ba tayo rin ang mabibilanggo sa galit na 'yon?”
Ipinatong ni Ethan sa malapit na coffee table ang tasa ng kape bago humarap sa kanya. “Ano ang kailangan nating gawin, Jemimah? Kalimutan ang galit na 'to?”
Tumitig siya sa asul na mga mata ng asawa. “Alam kong hindi madaling kalimutan ang nakaraan, ang galit. Pero puwede naman natin subukang magpatawad. Hindi para sa kanya kundi para sa atin. Forgiveness is the only way to heal.” Niyakap ni Jemimah sa baywang si Ethan. “Hindi mo naman gusto na kahit nakakulong na siya ay sinisira pa rin tayo ng galit para sa kanya, hindi ba?”
Sandaling nakatitig lamang sa kanya si Ethan bago nito inilapat ang noo sa noo niya, pumikit. “Forgiveness,” he murmured. “Alright. Para sa'yo, Jemimah. Para sa atin. Para sa bubuuin nating pamilya. I will let go of the past, of this anger in my heart.”
Ngumiti si Jemimah at tumingkayad para mahalikan ang mga labi ng asawa. “Let’s talk to him tomorrow, Ethan. Ipaalam natin sa kanya na hindi na niya tayo maaapektuhan, na hindi na niya masisira ang kasiyahan natin. Na kahit gaano kalaki ang kasamaang ginawa niya sa atin ay patatawarin natin siya at hahayaang ang Diyos ang humusga sa kanya.”
Humugot ng malalim na hininga si Ethan, tumango. Niyakap siya nito ng mahigpit. “I love you, Jemimah. Thank you for holding onto me, for controlling me. Kung wala ka sa tabi ko, baka nakagawa na ako ng bagay na pagsisisihan ko habang-buhay. Baka naging isang halimaw na rin ako.”
“I love you too, Ethan,” bulong niya, ginantihan ang yakap nito. “Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Let’s be happy, hmm? Without worries, without anger in our hearts. Matutupad na ang pangarap nating magkaroon ng masayang pamilya.”
It had been more than four years since she met Ethan Maxwell. At si Antonio pa rin ang dahilan ng pagkakakilala nila. Kaya kahit napakasama nito ay patatawarin ni Jemimah. Dahil hindi niya gustong maging alipin ng galit sa isang tao. Isa iyon sa makasisira ng kasiyahan nila.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet
Mystery / ThrillerA famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters n...