Maganda Ka

12 1 0
                                    

June 27, 2020

Maganda ka, maniwala ka!
Sabihin man nilang ito'y imahinasyon mo lang, sa kanila ay huwag tangkaing maniwala.
Maganda ka, maniwala ka dahil hindi lamang panlabas na kaanyuan ang batayan ng tunay na kagandahan.
Pagkat ang tunay na gandang hindi kumukupas ay ang panloob na kagandahan--
Gandang walang makahihigit kahit ano pa man,
Gandang 'di kumukupas kahit panahon man ay lumipas.
Maganda ka, maniwala ka dahil ang kagandahan mo ay walang katulad,
Pagkat yaring puso mo ay sadyang busilak...
Maganda ka, tandaan mo dahil ang kagandahan mong taglay ay hindi lang ang panlabas mong kaanyuan kundi maging ang iyong kalooban.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon