Sino

49 2 0
                                    

Nalalapit na,
May pagbabago nga bang maidudulot?
O magpapatuloy lang sa pagkaligaw at pagkalugmok?
Darating pa kaya ang bukas?
Darating nga bang talaga?
O aasa lamang sa wala?
Karapat-dapat nga ba?
O ang sikat lamang sa bansa?
Ang nagmamalasakit?
O ang magdudulot ng sakit?
Ang magbibigay pag-asa?
O ang sisira sa pag-asam?
Ang naghahangad na maglingkod?
O ang naghahangad sa paglilingkod?
Ang may pakialam?
O ang namamakailam?
Sinoman sa kanila ang magwagi,
Ang nararapat o nagpapanggap na dapat?
Nasa kamay ng bawat isa,
Kung ang mailuluklok ay tama.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon