Ta(y)o

30 2 0
                                    

Ang nakikita lamang ay ang nais makita,
Habang nagbubulag-bulagan sa dapat na makita.
Ang naririnig lamang ay ang nais marinig,
Habang nagbibingi-bingihan sa dapat na marinig.
Ang sinasabi lamang ay ang nais na sabihin,
Habang kinikimkim ang mga salitang dapat na sabihin.
Ang tinutulungan lamang ay ang nais na tulungan,
Habang binabalewala ang dapat na tulungan.
Sadiyang ganito ang mundo ngayon,
Iba ang tinitingnan sa tinititigan ng tao?

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon