HaPoem

57 2 0
                                    

HaPoem

Paano mong nasabi na ikaw ay malaya?
Ang kawalan ba ng piring sa mata ang naging basehan?
Gayong kung tiningnan, ikaw ay nagbubulag-bulagan naman.

Baka naman ang kawalan ng busal sa iyong bibig?
Pero teka, hindi ba't mas pinili mo ang pananahimik?
Gayong dapat na marinig ang iyong tinig.

Huwag mong sabihing ang kawalan ng takip sa tainga ang ikinonsidera?
Pero 'di ba, madalas ay nagbibingi-bingihan ka lang?
Gayong dapat na sila ay iyong pakinggan.

Oo, wala ka na ngang gapos sa iyong kamay at paa,
Ngunit ang tanong, nagagawa mo ba ang iyong ibig?
Hindi ba't madalas ay sunud-sunuran ka lang.

Wala na nga ang kadenang pumipigil sa iyo,
Ngunit bakit tila hanggang ngayon ay nakagapos,
At sa pagkakapiit ay nagpatuloy?

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon