Rainy Poems

22 1 0
                                    

July 27, 2017

Sa mga panahong umuulan
Naaalala ko ang aking kabataan
Sa bawat paghalik ng ulan sa lupa
Ay ang pagragasa naman ng mga larawan sa aking balitataw
Tunay ngang kay sarap magbalik tanaw
Ang magbalik sa nakaraang humubog sa iyong katauhan
Tila ba ikaw ay pinaglalaruan
Tinatangay mula sa kung saan
Ang bawat hampas ng hangin
Ay tila musika sa pandinig
Kaya mga dahon ay aliw na aliw
Sa awiting sila lang ang nakababatid
Ngunit sa kabila ng galak na hatid
Hindi maikakailang ang malungkot ay mahirap iwaksi
Dahil sa katotohanang sa iyo'y humalik
Ang nakaraan ay tapos na at 'di na maibabalik

-_- -_-
Medyo epic.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon