Bukas na lang Ulit

171 4 0
                                    

Tapos na ang maghapon

Wala na bang kasunod?

Teka muna, sandali

Timepers lang muna si ako.

Boss GOD pa-extend po

Kahit na 1 hr lang po

'Di pa po kasi tapos si ako

Sa mga paper works ko

Wait po muna, paki pause po oras ko

Kakain po muna ako

At iidlip kahit na sandali lang po

Nang makaipon ng lakas at makabawi rin sa pagod

Pagal kong katawa'y nahimbing sa pagkakatulog

Oras ay 'di namalayan dahil sa labis na pagod

At nang ako'y magising

Sinipat ang relong pambisig

Ako'y nagulat

Agad na napabalikwas

Limang oras na pala ang lumipas

Nang 'di ko namamalayan

Tapos na ang araw

Na parang wala namang naganap?

Bitin ang sandali, oras ko'y kapos din

Pagkat itong gawai'y naiwang nakabitin

Bukas na lang ulit, pagsikat nitong araw

Gawai'y agad na sisimulan

Nang sa gayo'y matapos na

Bago pa mahuli ang lahat

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon