(Ma)labo

40 2 0
                                    


Sa dako pa roon ay napatingin,


Ang paglingon sa nakaraan ay nawala sa isip;
Kaya hindi lubusang maunawaan ang kasalukuyan,


At ang bukas ay hindi ganoong kalinaw.



Ang maglakad nang matulin ay walang pinagkaiba sa mabagal,


Lalo na kung wala namang tiyak na patutunguhan;
'Di bali nang mabagal, matagal man ay may kahahantungan,


Kaysa ang magmabilis na sa huli ay mauuwi sa paikot-ikot lamang.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon