Sa Pagsapit ng Gabi

26 1 0
                                    

Tula Nights 2017

Sa pagsapit ng gabi,
Antok sana ay agad na sumapit
At kay puyat ay huwag pagapi
Upang sa kinabukasan ay may lakas muli.
Sa pagsapit ng gabi,
Payapain nawa ang isip
Problema nawa ay mawaksi,
Nang ang pagtulog ay mahimbing.
Sa pagsapit ng gabi,
Sa pagkaway ng mga bituwin sa langit,
Ngiti nawa ang hatid--
Galak sa puso ang maghari.
Sa pagsapit ng gabi,
Tanda ng pagtatapos ng araw at mga gawain,
Sa pagbati ng buwan mula sa langit,
Pagod nawa ay tangayin.
Sa pagsapit ng gabi,
Sa paglapat sa kama ng sarili
Antok nawa ay hatakin
Upang ang pagod ay mapawi.
Sa pagsapit ng gabi,
Antok nawa ay hatakin,
Pagod nawa ay pawiin,
Nang bukas ay may lakas muli.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon