Tula Nights

14 2 0
                                    

July 24, 2018

Sa balitataw ba'y palaging sumasagi,
Alaala ng kahapong tila isang panaginip;
Na tila ipo-ipo sa bilis,
Na sa huli, iniwan kang gulong-gulo ang isip.

Alaala ba talaga ay limot mo na?
O nagpapanggap ka lang na walang naaalala
Nang yaring sakit ay 'di na madama,
Pagkat ayaw mo na ang muli pang lumuha?

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon