Sa Dilim ay may Liwanag

86 2 0
                                    

Feb. 07, 2017

Sa sandaling mawalan ka ng dahilan,
Ang iyong paroroonan ay walang tiyak na patutunguhan--
Ang paglalakad sa kalsada na walang tanglaw,
Ay sing dilim ng buhay na walang ilaw.

Ngunit sa kabila ng kadilimang bumabalot sa paligid,
Kung ang paniniwala naman ang magiging gabay,
Mangapa ka man o madapa ay 'di maiiwasan,
Basta maniwala ka, sa dilim ay may liwanag.

Sa paglalakad ay 'di kailangang magmadali,
'Di ka lang dapat sa daan nakatingin
Dahil ang tamang direksyon ay 'di lang basta nakikita ng mata,
Dahil kadalasan, mapambulag ang iba.

Sa sandaling ikaw ay mapagod,
Pansamatala muna na ikaw ay huminto,
Libre ang magpahinga, pero hindi ang sumuko
Dahil baka sa huli ikaw ay magupo.

Tibay ng loob at paninindigan,
Paniniwala sa sarili, higit kanino man,
Hindi lamang isip, kailangan din ng puso.
Hindi lamang ang sarili, kapwa rin ay kailangan mo.

Hindi dahil madilim ay wala nang liwanag,
Hindi dahil mali, habang-buhay nang mali.
Hindi dahil malungkot, 'di na magiging masaya.
Nakalimutan mo ata, lumilipas ang lahat--walang permanente, paalala lang.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon