Bakit?

18 1 0
                                    

September 28, 2018

Bakit?
Bakit ako nangingiti sa tuwing naaalala ko ang kahapong kay pait?
Ang larawan ng nakaraang peklat ang iniwan sa aking pagkatao--
Bakas ng sugat na tila kahit panahon ay 'di mapaghihilom nang lubos.
Bakit ako nangingiti sa pagsilip ng kahapong walang kasing sakit?
Sa alaala ng pagkabigo at pagkakalugmok--
Ang paulit-ulit na pagkagapi sa kabila ng pagbangon.
Bakit ako nangingiti sa pag-aalaala sa nakaraang tila isang bangungot?
Isang panaginip na hinihila ako sa dilim.
Bakit ako nangingiti habang naaalala ang nakalipas?
Kasabay ng paglandas ng aking mga luha
Habang ibinubulong ang mga katagang--
Dito ako naging matapang, dito ako naging malakas
Ito ang dahilan ng aking pagbangon...
Ito ang dahilan sa likod ng tagumpay ko.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon