Pag-asa

205 4 0
                                    

paggising sa umaga

pasasalamat ang usal

para sa panibagong araw

na handog mo sa lahat..

panibagong pagkakataon

panibagong pag-asa

panibagong simula

para sa aming lahat..

panibagong pagkakataon

na ito'y aming masimula

kundi ma'y muling simulan

lalo't mali itong naumpisahan

panibagong pag-asa

para sa pusong nawalan ng tiwala

na makakaya nyang gawing lahat

nang higit pa sa inaakala

panibagong simula

para sa pusong nagdaramdam

na nawalan ng pag-asa

na darating ang tamang panahon para sa kanya..

matutong maghintay

may tamang panahon para sa lahat

h'wag magmadali pagkat

di mo alam maaaring mangyari..

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon