Anong Rason?

48 2 0
                                    

Ano'ng Rason?
Feb. 27, 2016

Ano'ng rason ng rebolusyon?
Kaayusan, kapayapaan, nais ay pagbabago.

Ano'ng rason ng rebolusyon?
Nang matapos yaring gulo tungo sa pagkaayos.

Ano'ng rason ng rebolusyon?
Mapabagsak, mapang-alipusta; naghahangad nang sobra-sobra.

Ano'ng rason ng rebolusyon?
Rebolusyon nga ba itong sagot
Sa pagkakamit ng bagay na ilan lamang ang may gusto
Na 'di naman lahat ay makikinabang dito.

Ano'ng rason ng rebolusyon?
O ginagamit lamang ito--maging ang tao.

Ano'ng rason ng rebolusyon?
Wala na bang ibang sagot bukod sa kaguluhan at pagdanak ng dugo.

Ano'ng rason ng rebolusyon?
Huwag lang sanang gamitin sa sariling ambisiyon.

Ano'ng rason ng rebolusyon?
Ito ba ang sagot, o gusto mo lang ng gulo?

Ano'ng rason ng rebolusyon?
Wala na bang ibang maisip ang tao?
Dahas lamang ba itong sagot,
Sa pagbabagong nais ng tao?

Ano'ng rason ng rebolusyon?
O ang rebolusyon ang rason?

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon