Sumulat Pagkat Nais Mangmulat

43 2 0
                                    

Katagang sa papel ay lumapat,
Ideyang sa isip ay umalpas.
Sumulat 'pagkat nais mangmulat,
Ngunit sa huli ay nagpabulag.
Malayo na ang narating,
Kaya ang bumalik ay 'di na ninais
Nagpakalayo-layo, hanggang sa 'di na maabot--
Nang sa iyo ay wala ring makaabot.
Sumulat 'pagkat nais na mangmulat--
Buksan ang isipan sa ibang posibilidad,
Ngunit sa huli ay naging bulag,
Sarili lamang ang pinakinggan.
Malayo na ang narating,
Ang daang tinahak kahit madilim,
Handang suungin para lang makamit
Kahit na sa huli ay magdudulot ng pait.
Sumulat 'pagkat nais na mangmulat,
Mga kataga'y pinaalpas,
At sa papel ay lumapat...
Gamit ang pluma na dugo ang pansulat.
Malayo na ang iyong narating,
Nanaisin mo pa ba ngayon ang bumalik?
Iwanan ang lahat kahit na masakit...
Ngunit kailangan dahil sa dusa at pait.
Sumulat 'pagkat nais na mangmulat,
Ngunit ikaw ay nagpabulag...
Umukit imbis na gumuhit,
Kaya pait sa huli ang sa iyo ay hatid.
Malayo na iyong narating--
Kung sa pagkakahimbig ay nanatili.
Sumulat 'pagkat nais na mangmulat--
Sumulat at nang mamulat.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon