Pa-Fall

33 2 0
                                    

April 21, 2017

Hindi iilang beses mong ipinadama ang halaga ko buhay mo--
Na posible pala na mahalin mo rin ako.
Nasa bawat oras na magkasama tayo, Dama ko ang pagtangi riyan sa puso mo.
Pero nagkamali ako
Pagkat huwad lamang ang pala ang lahat ng ito...
Mali, masyado lamang pala akong umasa,
Nadala sa mga bagay na iyong ipinakita at ipinadama.
Dahil ang totoo, isang pagpapanggap lamang ang lahat--isang palabas,
Pagkat ang nais mo ay maghiganti lamang pala.
Pero alam mo kung ano ang masakit?
Hindi ang pag-asam ko na mahal mo rin ako,
Hindi ang pagpapanggap mo na mahal mo rin ako.
Kundi ang katotohanang ginamit mo lang ako.
Okay lang naman kung hindi mo ako mahal,
Pero sana, hindi mo na lang ako pinaasa--
Pinaniwala sa mga bagay na imahinasyon lamang pala.
Pasensiya na, mahal kasi kita
Pero nagkamali pala ako na minahal kita.
Ngayon ay ipinapangako ko na kahit na ano pa ang mangyari,
Kailanman ay 'di na ako padadala sa iyong ngiti--sa iyong mga kilos.
Hindi na ako magpapadala sa drama mong pang-soap opera
Pagkat hindi na ito bebenta pa sa takilya,
Lalong hindi sa akin dahil kabisado ko na ang arte mo--
Ang drama mong hanggang sa pagpapapansin lamang sa kaniya epektibo.
Pasensiya na, hanggang dito na lamang ang lahat,
Ayoko na, tama na.
Sapat na 'yong minsang nahulog ako sa bitag mo--
Ang mahulog ako sa mga salita mo,
Pagkat ayoko nang maranasang muli ang mahulog sa iyo,
At sa huli ay hindi mo naman pala ako sasaluhin...
Mali pala, pansamantala mo nga pala akong sinalo,
Ngunit agad mo ring binitawan.
Alam mo bang mas masakit pa iyon sa tunay na pagkahulog?
Kasi sa tunay na pagkahulog, kahit masakit alam mong may babagsakan ka--na may sasalo sa iyo.
Pero sa tulad mong pa-fall, aasa ka na,
Sa huli, maiiwan ka pa sa ereng sawi.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon