Aldub Poem No. 2

166 2 0
                                    

Sept. 6, 2016



Marami ang sa inyo'y kinilig
Sa inyong pagkikita, tila pag-inog ng mundo ay tumigil
'Di mapigilan ang labis na galak at kilig
Sa isang sulyap tila binihag yaring damdamin

Maaaring 'di pa ngayon ang takdang panahon
Ngunit bawat isa ay umaasa na sa tamang panahon
Inyong mga puso'y pagtatagpuin ng pagkakataon
Kapit lang kayo at huwag panghinaan ng loob

Kahit ilang Lola Nidora at Rogelio pa
Ang sa inyong dalawa ay pilit humahadlang
Walang makapipigil sa pabebeng panahon
Na kayo'y magtatagpo rin sa tamang panahon

Marami ang labis na nainis
Sa epal na plywood na sa inyo'y pumigil
Ayon na, eh!
Tapos may umepal pang mga kidnappers

Darling I...Darling I
Kahit anong mangyari
Sa tamang panahon magkikita rin kayo
'Di man siguro ngayon, malay n'yo next week na pala 'yon.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon