Kabataan, Saan Kapatungo?

70 2 0
                                    


Feb. 08, 2017

Nakalulungkot lang na imbis na lapis o ballpen ang hawak ng kamay,
Sigarilyo ang nakaipit sa pagitan ng daliri nila.
Imbis na sa pag-aaral nagsusunog ng kilay,
Baga ang sinusunog--
Sa alak at ipinagbabawal na gamot ay nagpapakalango.
Nakalulungkot lang na ang kabataang inaasahan sana ng bansa bilang pag-asa,
Ang sila rin mismong sumisira sa mga sarili nila.
Nakalulungkot lamang ang katotohanang maraming kabataan ngayon ang naliligaw ng landas--
Tumatahak sa kalsadang walang tiyak na patutunguhan.
Kabataan, saan ka patungo?
Ang tanong na nais na sa iyo ay ibato.
Ano na ang nangyari, bakit ikaw ay nagpabulag
Sa puot na sa puso mo ay nanahan? Masyado kang naging mahina:
Sa tukso ay nagpaalipin ka,
Kaya ngayon, sa pagkaligaw nauwi ang iyong paglaban.
Bata, bata, sarili mo ay hanapin,
Sa daluyong ay huwag pagapi.
'Di pa naman huli ang lahat,
May pag-asa pa kung maniniwala ka lang.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon