Pinagtagpo at Itinadhana

38 2 0
                                    

Oct. 14, 2017

Sa bawat araw na lumilipas,
Pag-ibig sa iyo ay 'di kumukupas;
Ang nadarama ay patuloy na namumukadkad
Tulad ng mga rosas sa hardin na kahalihalina.

Alam mo bang ang nadarama sa iyo ay  nagniningning
Tulad ng mga tala sa langit sa gabing madilim;
Na nagbigay liwanag sa pusong minsan ay binalot ng dusa at pait.
At nagbigay direksyon sa dating mundong walang tiyak na patutunguhan.

Ngayong nandiyan ka na,
Alam kong ikaw ang siyang kahahantungan;
Na ang pinting ng ating mga puso ay iisa,
Pagkat tayo ay pinagtagpo at itinadhana.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon