Tula Nights: Guro

65 2 0
                                    

Guro
Oct. 05, 2016

Ang pagiging guro ay 'di nagtatapos sa pagtuturo.
Kapag guro ka, nanay o tatay ka rin;
Kung minsan ay abogado,
Kundi man ay nurse.

Kapag guro ka, ang magalit o mainis ay 'di maiwasan
Sa mga batang pasaway na atensyon ang hanap.
Pero sa sandaling makilala mo sila,
Ang malungkot para sa kanila ay 'di mo maiwasan.

Kapag guro ka, ang makita sila na magtagumpay,
Galak ang dulot sa iyong kalooban,
Dahil isa lang naman ang hiling  mo para sa lahat,
Ang magkaroon ng magandang bukas.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon