Minsan may Isang Tula (Maalala Mo Kaya)

105 2 2
                                    

Hindi pa ako handang sumuong sa laban,
Pagkat tibay ng loob ay kulang pa:
Ni katiting atang tapang ay 'di taglay,
Pagkat itong labi'y nangangatal na sa kaba.

Hindi ko alam kung kailangan pang sumulong,
O pag-atras na lamang ba ang pagpipilian ko
Sa labang alam kong sa umpisa pa lang talo na ako,
Pero heto at nakuha ko pang sumugod.

Ititigil ko na ba ito o aabante pa ako?
Kakayanin ko ba 'to o bibitaw na lang ako?
Gusto ko sanang sumubok, pero natatakot ako
Sa katotohang maaaring gumising sa kahibangan ko.

Sana panaginip na lamang ang lahat,
Isang bangungot na kay sarap takasan.
Gusto ko sanang magtampisaw sa tubig sa kanal
Baka sakaling magising sa kabaliwan.

Gaanong katagal na ba akong kumakapit
Sa kalawang ng pangakong napanis,
At patuloy na umaasa sa kabila nang pagtangis
Gayong ni pangalan ko yata sa isip, ni minsa'y 'di sumagi.

Bibitiw na nga ba akong talaga?
O maghihintay sa himala ng lupa?
Umaasang isang araw ay iyong maalala
Kahit man lang ang pangalan kong limot na ng tadhana.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon