Maligayang Kaarawan, Kaibigan

415 2 0
                                    

Spoken Word Poetry Kuno

Kaarawan mo ngayon, binati kita;
Nag-pm ako sa iyo, pero 'di mo nakita--
Ni seen wala ka.
Kaarawan mo ngayon, binati kita;
Gusto ko sana long message,
Kaso sa huli maikli lang ang passage.
Kaarawan mo ngayon, binati kita;
Gusto ko sana personal,
Kaso ang layo mo naman
Kaya idinaan ko na lang sa birtuwal.
Kaarawan mo ngayon, binati kita;
Gusto ko sanang tawagan ka,
Kaso wala akong numero mo,
Ayoko namang i-dial 'yong nasa fb mo--ayoko kasing ma-who you mo ako.
Kaarawan mo ngayon, binati kita;
Gusto ko sanang itanong kung kumusta ka na?
Ang tagal ko na rin kasing walang balita sa iyo,
At gusto kong malaman mong na-miss ko ang presensiya mo sa birtuwal na mundo.
Kaarawan mo ngayon, binati kita;
Naaalala mo pa kaya ako?
Isang taon na rin ang nakalipas noong huli tayong nagkausap.
Sana naman, ako'y natatandaan mo pa.
Kaarawan mo ngayon, binati kita;
Alam kong hindi na tayo tulad noon.
Magkaiba naman kasi tayo ng mundo--
Malawak ang mundo mo, habang akong nakakulong sa kahapon.
Kaarawan mo ngayon, binati kita;
Gusto nga sana kitang makita kaso malayo ka.
Gusto rin sana kitang kwentuhan at kumustahin--
Naalala ko,  'di na pala tulad ng noon ang ngayon.
Kaarawan mo, binati kita;
Hiling ko lang ay maging masaya ka--
Na ang dalangin ng iyong puso ay mabigyang katuparan.
Dahil bilang kaibigan, ang makita kang maligaya, ako'y masaya na.
Kaarawan mo, binati kita.
Ang tagal na rin pala nating magkakilala.
Sana isang araw ay mabigyan ng tsansa na makita.
Pagkat nais na makita ka sa personal, kaibigan.
Kaarawan mo, binati kita;
Hanggang kailan mo ii-inbox zone ang mensahe ko?
Alam ko namang nakita mo ito,
Pero sana busy ka lang talaga kaya ang reply-an ako ay hindi mo magawa.
Kaarawan mo, binati kita;
Gusto ko rin sanang kumustahin ka
Pero 'di bale na lang, sa ibang pagkakataon na lang,
Araw mo ngayon at alam kong ako'y makaaabala.
Maligayang kaarawan, kaibigan.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon