Byahe Thoughts: Kakayanin Ko!

19 1 0
                                    

March 24, 2018

"Kaya ko pa!" Katagang paulit-ulit mong sinasambit;
Tila kinukumbinsi ang sarili,
Tuwing panghihina ng loob ay sumasagi,
Ngunit ayaw mong dito ay magpagapi.

"Kaya ko pa!" Makailang beses nang binitawan,
At muntik nang sa pagkakakapit ay bumitaw,
Ngunit sa huli ay nanindigang...
Hanggang dulo, walang aayaw.

"Kaya ko pa! Kaya ko pa ba?"
Minsan mo ring pinagdudahan,
Sarili nga ba'y makatatagal,
O sa huli ay kusa rin bibitaw...

"Kaya ko pa! Kakayanin ko pa!"
Hanggang dulo, walang atrasan,
Anoman ang mangyari ay 'di bibitaw,
Pagkat nasa dulo ang tagumpay.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon