Bulong ng Damdamin

572 4 1
                                    

Sinubok kong tikisin aking saloobin,

Pigilang lumaya aking damdamin

Na maipahayag sayo yaring pagtingin.

Sinubok kong umiwas

At huwag mahulog sa iyo,

Pero itong tadhana'y sadyang tukso.

Pinilit kong salungatin

Itong aking damdamin,

Ngunit tila ipinagkanulo ako ng aking sarili.

Sabi ng isip ko, "ayoko sa iyo."

Ngunit sigaw nitong puso,

"Ikaw ang gusto ko."

Ilang beses kong sinubok, pero bigo ako,

Pagkat itong puso ko,

Labis ang pagtangi sa iyo.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon