Anong Misyon

79 2 0
                                    

Ano'ng Misyon?
Feb. 27, 2016

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Ang tapusin ang gulo.

Ano'ng misyon ng ating robolusyon?
Ang makamit ang pagbabago.

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Ang malupig, mga gamal na pinuno.

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Pero teka bakit inosente'y damay rito?
Akala ko ba'y kaayusan ang hangad ninyo,
Pero bakit umabot sa paggapi ng tao?

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Maitama ang mali sa mundo.

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Ang wakasan paghihirap ng tao.

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
'Di malinaw ang hangarin ninyo.

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Ang makamit ba ang ambisyon ninyo?
Ang sama n'yo naman sa tao,
Paghahangad lang pala ang nais n'yo.

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Ang maghari ba ang lipi ninyo?

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Ang makontrol n'yo ba ang tao?

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Pansariling paghahangad ba sa puwesto?

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Baka ginamit n'yo lang ang tao
Nang madaling makamit ang hangarin ninyo?
'Yan ba talaga ang gusto ninyo?

Ano'ng misyon ng ating rebolusyon?
Baka naman ang rebolusyon ang misyon ninyo?

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon