Maguindanao Massacre

299 5 0
                                    

Kapangyarihan, kayamanan

saan nga ba hahantong ang lahat?

Inggit, galit, kasakiman

tungo sa isang malagim na kamatayan.

Pagkamuhi, hinanakit

na sa puso ng bawat isa ay nanahan

Ang buhay mo'y kulang pa

bilang kabayaran sa'yong kasalanan.

Pag-ibig, pagtanggap at kapatawaran

ngayo'y walang puwang sa puso ninoman

Pighati, hinanakit ay walang katulad

sa sakit na nadarama ng mga naulila

Pag-amin, pagtanggi ay wala na ring saysay

pagkat buhay nila'y iyo nang ninakaw

Para saan pa ang paghingi ng tawad

kung huli na rin naman ang lahat

Sakim, gahaman taong

uhaw sa kapangyarihan

Handang pumatay ng kapwa

manatili lamang sa katayuan

Kaguluhan, kamatayan

marami nang nagbuwis ng buhay

Politiko, sibilyan maging mga mamamahayag

Inagawan ng buhay ng walang sapat na batayan

Pag-aagawan, pagtatalo, away pamilya daw ang anggulo

Paglilingkod, pagnanaiso paghahangad lang sa pwesto

Kadakilaan, kapangyarihan idagdag pa ang kayamanan

Naging mitsa ng buhay ng marami nating kababayan

Ang paghahangad ng labis ay walang mararating

Ang pagiging gahaman sa pera at kapangyarihan

Kahit kaila'y di magdudulot ng maganda

Dahil minsan kahit buhay handang nakawin

makamit lamang ang pinakamimithi

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon