Mapanglaw

43 2 0
                                    

Mapanglaw
April 08, 2016

Maulap na kalangitan
Ulan ay nagbabadya
Tila nakikiayon sa nadarama
Pighating sa mga mata lamang mababakas

Pilitin mang magpinta ng ngiti sa mga labi,
Pakurbang linya pababa ang siyang naiguhit.
Subukan mang bigyang ningning ang matang unang lumapat sa papel,
Mapanglaw na balitataw yaring masisilip.

Pilitin mang dayain ang nadarama,
Ipakita ang ngiti kahit pait ang sa labi ay gumuhit
Pilitin mang maging masigla sa paningin nila
Tanging lumbay yaring makikita sa mga mata.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon