Tula Nights

40 1 0
                                    

July 28, 2018

Pangako ba'y palagi na lang mapapako
Tuwing namumutawi sa bibig kapag hindi sigurado?
Pangako ba ay isinasatinig pagkat nais tupdin;
O bigla na lang naisabukang-bibig dahil iyon ang naisip?
Pangako, pangako,
Bakit ka ba laging napapako?
Sadya bang pambala ka lang para matapos ang k'wento--
Nang wala nang maitanong at 'di na humaba pa ito?
Pangako, pangako,
Hindi ka ba napapagod?
Makailang ulit nang binitawan,
Ngunit hindi ka nasunod
Sadyang hanggang salita ka na lang ba
At kailanman ay hindi magiging sa gawa?

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon