Eruption

312 4 0
                                    

Para akong isang dormant volcano,

Tahimik at payapa ang aking kalooban at puso.

H'wag n'yong hintaying sumabog ako

Na para bang isang active volcano.

Hanggat kaya ko hindi ako nagsasalita

Pero sobra na naman talaga

Hindi na tama inyong pinapakita

Ang pambabastos niyo'y lantaran na.

Akala n'yo ba natutuwa pa ako?

Hindi, sobra-sobrang inis na 'yong nararamdaman ko

H'wag n'yong hayaang magbago ako sa inyo

Baka 'di n'yo magustuhan ang gagawin ko.

Hindi ba kayo makukuha sa tingin?

Ni tagalog ata hindi n'yo kayang intindihin?

Bakit mahirap bang tumahimik

At tumigil sa pagdaldal matatabil na bibig.

Kung tutuusin madali lang ang lahat

Kung marunong kayong umintindi nang wagas

Hindi naman kayo mga ispesyal na bata

Na kulang sa sapat na pang-unawa

Kung ayaw ninyo sa ating asignatura

Tumahimik na lang kayo mas mainam pa

Nang hindi kayo makaperwisyo at makaistorbo 

Sa maganda sana naming diskusyon.

Kung ayaw n'yo naman sa akin ayos lang

Wala naman sa akin ang ganoong bagay.

Pero isipin n'yo, bakit ako ba ang hindi matututo?

Ako ba itong mawawalan? Hindi ba't kayo iyon.

Mag-isip-isip, magnilaynilay

'Di  pa naman huli ang lahat

Pwede ka pa naman, kayong magbago

Nasa sa inyo na nga lang 'yon kung gusto n'yo

'Di ko kayo pinipilit kung ayaw n'yo

Ang sa akin lamang umayos kayo

Hindi na kasi maganda pinapakita n'yo

Kung umasal kayo parang hindi na kayo tao.

Ano ba talaga ang problema ninyo?

O tamang sabihing ako ba ang problema n'yo?

Pero 'di ba ako dapat itong higit na mamoblema sa inyo?

Nagsisilbi na kasi kayong sakit ng ulo ko.

Magbabago naman 'yong pagtingin ko

Kung kayo sa sarili n'yo ay handa ring magbago.

Magsabi lang kayo makikinig ako

At aakayin ko kayo sa dako pa roon

Hindi man sa tuwid na landas,ngunit masasabi kong tama

Masalimuot man sa una, kakayanin natin 'yan

Basta sama-sama tayong lahat sa pagtahak sa tamang landas.....

Siguradong hindi tayo maliligaw




COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon