Wala na

48 2 0
                                    

Kumupas na ang alab
Na sa puso ay dating nanahan.
Lumipas na ang kilig
Na dating hatid ng pag-ibig.

'Di na tulad pa nang dati
Mga ngiti sa labi ay napalis.
Ang sayang dati ay hatid,
Ngayon ay sa pagkabagot nauwi.

Wala na ang dating sigla:
Ang tuwa't saya na dala-dala.
Wala na ang dating kislap,
Ang sayang hatid ng pagsasama.

Ano na nga ba ang nangyari?
Saan nga ba nauwi ang lahat? Bakit?
Mga tanong na sa isipan ay naghahari,
Naghihintay na kasagutan, sa labi'y mamutawi.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon