A Mother's Day Poem

43 2 0
                                    

May 14, 2017

Siyam na buwan na pagdadalang tao,
Isang paa nila ang nasa hukay;
Ang paglilihi ay 'di biro
Lalo na ang pagluwal sa sanggol.
Buhay nila ay handang ialay,
Pagsasakripisyo ay walang kapantay;
Mabigyan lamang ng maayos na buhay,
Mga anak na dugo at laman nila.
Paano ba masusuklian,
Ang sakripisyong inyong ibinigay--
Ang pag-aaruga at pagmamahal,
Sa paggabay ninyong tunay.
Ang maging ina ay 'di biro,
Kaya kami ay saludo sa inyo,
Sa pagmamahal pa lang ay walang tatalo--
Lahat handang ibigay--isakripisyo
Kahit pa ang buhay handang ibigay,
Mapabuti lamang ang buhay ng mga anak.
Ngayong araw ninyo,
Pagpupugay ang handog sa inyo,
Pasasalamat para sa lahat,
Kahit alam namin na ito'y kulang pa.
Ina, salamat sa lahat--
Sa pagmamahal at pag-aaruga,.
Sa pag-unawa at paggabay,
Lalo na sa mahabang pasensiya.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon