Panauhin

75 2 0
                                    

May kumakatok sa pinto,
Puno ng pangambang lumapit ka rito.
Dahan-dahang pinihit ang seradula,
Sinilip kung sino ang bisita.
Nang mamukhaan, pinto'y agad na isinara.
Hindi ka pa handa na muling harapin siya,
Kaya mas pinili ang magtago na lamang
Upang sarili'y maihanda.
Muli ay may kumatok sa pinto,
At dahil sa pag-aakalang siya muli ito,
Sa pinto'y 'di na nakuhang lumapit pa
At hinayaan siyang magpatuloy pa.
Lingid sa iyong kaalaman,
Bisita mo'y 'di iisa--
Ang pinakaiiwasan at ang pinakahihintay,
Ngunit parehong sa wala napunta.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon