PoEmlection 101

29 2 0
                                    

Botohan ay nalalapit na
Mga politiko ay aligaga na
Kinakabahan sa magiging resulta
Mananalo ba o uuwing luhaan?

Patawag dito, patawag doon
Nasuyod na kahit ang sulok ng mga kanto
Makakalap lamang ng mga tao
Na makatutulong sa kanila para manalo.

Ilang araw mula ngayon,
Tiyak ka ba sa kaligtasan mo?
Mukhang iba ang labanan ngayon
Baka mauwi sa pagdanak ng dugo.

Pagbabago ay nasa mga palad mo--
Sa kung sino'ng mananalo sa eleksyon.
Boto ng sambayanan ang magdedesisyon
Pagbabago ba o pagkasira ang hatid nito.

Nakapagdesisyon ka na ba?
Sino ba'ng iboboto mo?
'Yong sikat o nagpapasikat?
'Yong nagmamalasakit o magdudulot ng sakit?

Kung anoman ang maging resulta,
Kaayusan sana ang idulot sa bansa
Magkaisa sana ang sambayanan
Ang pagkakaniya-kaniya nawa ay talikdan

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon