Epic Poem

16 1 0
                                    

Feb. 21, 2017

Sa mga sandaling malayo ka sa piling ko,
Tila ba gusto kong hatakin ang oras nang bumilis ito
Upang nang sa ganoon ay magkasama na tayo
At nang ang lumbay ay dagliang matapos.

Anong lungkot itong nadarama,
Sa mga panahong hindi ka kasama,
Wari mo ang oras ay tila araw sa tagal,
At ang araw naman, buwan ang katumbas.

Sadya bang ang oras ay mapaglaro,
Kung minsan ay tila mo ba humihinto
Pero kadalasan kapag masaya ka, tila mo ipoipo sa bilis ito
Habang malapagong naman kapag ika'y malungkot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon