Mahal Kita

47 2 0
                                    

Tula para sa Araw ng mga Puso <3

MAHAL KITA

Mahal kita!
'Di man masambit nitong mga labi,
Ngunit isinisigaw naman nitong puso't isip.

Mahal kita!
'Di ko man masambit ang mga kataga,
Ngunit kaya ko namang ipadama.

Mahal kita!
'Di man halata,
Pero iyon ang totoong nadarama.

Mahal kita!
Lagi mong tatandaan,
Sa puso ko, ikaw lang ang nag-iisa.

Mahal kita!
Kahit na ano'ng mangyari,
Pag-ibig ko sa iyo ay 'di magmamaliw.

Mahal kita!
'Di mo man pansin aking nadarama,
Pagsinta ko sa iyo ay 'di magbabago kailan pa man!

Mahal kita!
Kahit saan pa man makarating
Itong puso ko, ikaw lang ang hahanapin.

Mahal kita!
Lumipas man ang panahon,
Hindi kukupas ang pag-ibig ko para sa iyo.

Mahal kita!
Itaga mo sa bato,
Ikaw lang ang nag-iisa rito sa puso ko.

Mahal kita!
Kontra man sa atin ang mundo,
Wala silang magagawa pagkat ikaw ang gusto ko.

Mahal kita!
Sa pagbulong na lamang maipaparating sa hangin,
Ang nadarama sa iyo na lihim na pagtingin.

Mahal kita!
Kung sakali man na iyong mabatid,
Ako sana ay huwag layuan, giliw.

Mahal kita!
Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita,
Kahit pa na may mahal kang iba.

Mahal kita!
Iba man ang iyong mahal
Sa puso ko, ikaw lang ang nag-iisa.

Mahal kita!
Hindi ko alam kung bakit ba?
Pero ang puso ko, ikaw lang ang nag-iisang kilala.

Mahal kita!
Ang pagsinta sa iyo ay 'di na mababago pa,
Kahit na alam kong sa puso mo ay mayroon nang iba.

Mahal kita!
Sobrang mahal kita,
Kahit pa alam kong minsan ay mukha na akong tanga.

Mahal kita!
Ika'y mahal ko sinta,
Ang nadarama para sa iyo ay walang hanggang pagmamahal.

Mahal kita!
Pero alam kong may mahal kang iba,
Ang masakit ay kaibigan ko pa.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon