Manggagawa

1.2K 4 0
                                    

Manggagawa
May 01, 2016


Unang araw ng Mayo,
Ikalimang buwan sa kalendaryo;
Araw ng lahat ng manggagawa sa mundo--
Alipin ang iba ng sariling trabaho
Kakarampot na kita,
Walong oras o higit pa.
Dugo't pawis tila kulang pa,
Maitaguyod lamang ang pamilya.
Apat na buwan na sa trabaho,
Ilang linggo pa'y mawawala na sa puwesto;
Kontrata'y malapit nang matapos,
Bukas makalawa ay wala na ulit na panggastos.
Nakatapos man o hindi,
Pahirapan pa rin kung tutuusin
Ang makahanap ng trabaho na kahit 'di nais
Nang may maitustos, kahit pa kapusin.
Wala sanang problema
Kung ang bawat isa'y may sapat na kita
Lalo na kung may trabaho ang bawat isa--
May pagkain na sa hapag, mapag-aaral pa ang mga anak.
Sa kakarampot na sahod,
Kaltas dito, kaltas doon,
Idagdag pa ang mga gastos
At ang mataas na buwis na kaakibat nito.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon