Bituwin

21 2 0
                                    

Malapit, ngunit malayo;
Abot tanaw, pero 'di mahawakan.
Nagbibigay liwanag, sa kabilang ng dilim na bumabalot;
Nagsilbing gabay kahit ang paroroonan ay 'di naman tiyak.

Hindi ka man sigurado
At sa sarili ay diskumpyado
Palagi mong tatandaan,
Sa iyo'y mayroon patuloy na gumagabay.

Wala ka mang tiyak na patutunguhan,
Sarili kung minsan ay 'di matagpuan,
Palagi mo lamang pakatatandaan,
May talang patuloy na sa iyo ay gagabay.

COLLECTION OF POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon